CHAPTER THIRTY NINE
KIMBER'S POV
Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit absent si EJ pero sana pumasok naman siya ngayon.
Nag-lalakad lang ako sa corridor ng manlaki ang mata ko. Shit! Anong ginagawa niya dito?!
"H-Hazel!" napatingin naman siya sa akin at nagulat rin sa pagkikita naman. Etong bruhang toh ang lakas pang magpakita!
"Anong ginagawa mo dito huh?!" unti pa lang naman ang estudyante kaya pwede pa ako sumigaw.
"N-Nag-aaral ako d-dito.." nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya "Really?!!" halos mapatakip siya ng tenga dahil sa boses ko.
"Kimber! Pwedeng hinaan mo lang ang boses mo!" inis na sabi niya sa akin. Nang-cross arms naman ako sa kanya.
"Tss, ang tanga talaga ni tadhana at pinagtagpo pa kayo.." inirapan ko siya at tumingin sa malayo.
"Sorry Kimber, but I don't have a time to argue with you" sabi niya na iniwagayway pa ang kamay.
Napasinghap ako dahil sa sinabi nya, aalis na sana siya pero hinawakan ko ang braso nya.
"Kung andito ka para balikan si Gian pwes..." nakakunot parin ang noo niya dahil sa mga pinagsasabi ko.
"Hindi na yun mangyayare dahil may mahal na siyang iba.." napalitan ng lungkot ang nakakunot niyang noo.
"Wag mo nang ipagdasal na magiging kayo pa ni Gian dahil sa hindi na!" naiiwas niya naman ang tingin nya sa akin.
"Isaksak mo sa utak mo na WALA.NA.KAYO!!" giit na sabi ko sa kanya. Napangisi naman ako dahil sa naisip ko.
"You know Hazel, we all know that your smart..."
"But I don't think you don't know the meaning of LOVE" napailing ako at iniwan siyang nakayuko.
Gusto ko siyang sampalin eh! Bumalik pa yung bruhang yun! At dito pa sa Harvard ah!
Pagkarating ko sa classroom ay hindi ko nakita ang mukha ni EJ, napasinghap nalang ako at napaupo sa upuan ko.
'Dalawang araw ka nang hindi pumapasok EJ ano na bang nangyayare sayo?'
***
Mag-isa lang ako kumakain sa canteen ng biglang sumulpot ang magkapatid, "Hindi parin ba pumasok si EJ?" nakakunot na tanong ni DA.
Umiling nalang ako bilang sagot, maski ako hindi ko alam kung bakit siya absent. Nanindig naman ang tenga ko dahil sa narinig kong usapan sa likod.
"Huy girls, look oh wala si EJ.." kumagat ako sa burger ko habang nakikinig sa kanila "Baka lumayo na" maski sila DA at Gian naririnig ang usapan nila.
BINABASA MO ANG
BSS #1: That Nerd is a Gangster Princess
ActionCompleted||Season 1 and 2||Black Society She's a badass She can manipulate everything She could kill you with her cold stare But pretending as a nerd Chains with blood, revenge with a twist. But are you ready to meet the Gangster Princess?