Hanggang ngayon, ibang saya ang nararamdaman ni EJ. Susunduin siya ngayon ni Gian para pumunta kay Kimber para ipaalam ang balita.
Narinig niya ang busina na ibigsabihin ay nasa labas na si Gian. Agad syang napangiti at lumabas kaagad ng bahay.
Nakita nya si Gian na nakasandal sa kotse nya at nakangiting nakatingin kay EJ. Hindi maiwasang mapangisi ni EJ dahil sa kagwapuhang taglay ni Gian.
"Let's go" tumango naman si EJ bilang sagot dito, pumasok sya sa loob ng kotse at inalalayan naman sya ni Gian.
Biglang tumahimik ng nasa loob na sila ng kotse. Kinuha nalang ni EJ ang phone nya at nagpipipindot ng kung-ano ano dun.
Hindi maiwasang mapangisi ni Gian dahil sa kacutan ni EJ.
Nakarating sila sa building ni Lianna at Kimber. Alam ni Gian na nasa loob si DA dahil sa andun ang kasintahan neto.
Nagulat si EJ dahil sa biglang pag-hawak sa kanya ng kamay ni Gian, tila nag-iinit ang kanyang pisngi dahil dun pero itinago nya nalang ito. Pumasok sila ng loob ng building, bumati pa sa kanila ang sekretarya neto.
Nasa harap na sila ng pinto ng opisina ng dalawa, napasinghap naman si EJ, pumasok silang dalawa sa loob. Naabutan nila si Lianna, DA at Kimber, napatayo si Kimber dahil sa gulat, nadako ang tingin ni EJ sa taong nakaupo parin.
Nanlamig ang tingin nya kay Vanessa na kasalukuyang nakatingin sa kanya "EJ!" tawag ni Kimber at dali daling niyakap si EJ, napangiti naman ito at binigay rin ang yakap neto kay Kimber.
Lumapit si Lianna at DA na nakangiti, nang humiwalay si Kimber ay ningitian nya ang bawat nasa harap nya, pero nawala ang ngiti nya ng may maalala syang tao na kasama nila. Agad na dinako ni EJ ang kanyang tingin kay Vanessa.
Unti unti syang lumapit kay Vanessa, tila kinakabahan si Vanessa dahil sa paglapit ni EJ sa kanya.
"Long time no see.." napaangat si Vanessa ng kanyang ulo at nakita niya ang ngisi ni EJ na dahilan ng pagkawala ng kaba neto.
Pilit na ngumiti si Vanessa kay EJ na tila masyadong awkward ang tungkol sa kanilang dalawa ngayon.
Nagkwentuhan silang lahat, malaking bagay kay EJ ang makasama ang mga kaibigan nya.
Ito ang pinakamasayang araw na naganap sa kanyang buhay. Mahala na mahal nya ang kanyang mga kaibigan hindi nya alam ang kanyang gagawin kapag wala sila.
Biglang dumating ang mga magulang ni EJ kasama ang kapatid neto. "Mom.." tawag ni EJ at kaagad na yumakap sa kanyang ina.
"EJ.." tila gulat gulat na sabi ng kanyang ina.
"What's happening hija?" humiwalay si Leille sa yakap ni EJ, nakangiti naman si EJ.
"It's Heaven...your daughter..." medyo naiiyak na si EJ dahil sa sinabi neto. Tila nagulat pa ang kanyang nanay dahil sa sinabi neto.
Napahawak naman si Heather sa kanyang bibig dahil sa gulat. "N-Nakakaalala ka na?" medyo naiiyak na tanong ni Leille.
Tumango naman bilang sagot si EJ, dahil dun ay napangiti ang kanyang nanay at agad nyang niyakap ang anak.
"Oh my God.. H-Heaven..." sabi ng kanyang ina.
Ngumiti naman si Heaven kay Heather bilang pag-hihingi ng tawad sa kanyang kapatid.
Dinako naman nya ang kanyang tingin sa kanyang ama. Lumapit sya dito at niyakap ito na ikinagulat ni Winston.
Napangiti naman ang lahat dahil dun. Humiwalay si EJ at hinarap ang kanyang nanay.
"Can you tell me the truth.." tila napakunot ang noo ni Lilia dahil sa sinabi ng anak.
"W-Who is my real father?" tila nagulat pa si Lilia dahil sa tanong ng anak, lahat ng nasa loob ng opisina ay hindi inaasahang tatanungin yun ni EJ.
Huminga muna ng malalim ang kanyang ina, hinawakan nya ang kamay ni EJ at tinignan ng diretso ang mga mata neto "H-His name is Roland Antipuesto.." tila natigilan ang lahat dahil sa sinabi ni Lilia.
Si Gian ay hindi magawang makasingit dahil iniisip parin nya ang pangalang binaggit ni Lilia "I-It's Xylene's father.." tumulo ang luha ni EJ ng malaman ang pangalan ng kanyang tatay "H-He's one of my p-patients M-Mom.." sabi ni EJ halos hindi parin mapigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha.
"N-Napagaling ko sya Mom.." nakangiting sambit ni EJ dahil dun ay niyakap sya ng kanyang ina na hindi narin napigilan ang mga luha dahil sa saya. Hindi maisip ni EJ na nagkatagpo na pala ang landas nilang ama.
Nadako ang tingin ni EJ kay Gian na nanatiling nakangiti sa kanya, lumapit sa kanya si EJ at sinalubungan ito ng mahigpit na yakap. Inamoy ni Gian ang mabangong buhok ni EJ habang nakangiti.
Napakasaya ngayon ni Gian, para sa kanya isang malaking biyaya ang nangyare sa buhay ni EJ ngayon. Hindi rin maiwasan ni EJ ang maging masaya, nasa tabi nya ang mga taong mahal nya, sa mga araw araw na hiniling nya ang magkaroon ng pamilya ay ngayong natupad na.
Ngumiti sya kay Gian bilang paghihiwatig kung paano sya kasaya ngayon.
"Thanks.." - EJ
END OF THE CHAPTER
BINABASA MO ANG
BSS #1: That Nerd is a Gangster Princess
AksiCompleted||Season 1 and 2||Black Society She's a badass She can manipulate everything She could kill you with her cold stare But pretending as a nerd Chains with blood, revenge with a twist. But are you ready to meet the Gangster Princess?