Pinuntahan ni EJ ang sinasabing Mental Hospital na sinabi ni Jacob, nasa harap na sya ng hospital, parang nakaramdam sya bigla ng awa kay Zero dahil sa hindi nya alam na nandito ang kanyang ina, nakakulong at nag-iisa.
Pumasok si EJ sa ospital, nakita nya ang mga iba't ibang klase ng pasyente dahilan ng kanilang mga sakit. "Ma'am may bibisitahin ho ba kayo?" napatingin si EJ sa isang babae na nakasuot ng puting damit.
"I-I'm here to visit Clara Takahashi.." tila natigilan pa ang babae dahil sa sinabing pangalan ni EJ.
Sinamahan ng babae si EJ papunta kwarto ni Clara Takahashi "A-Ano po bang nangyare sa kanya?" tila hindi na napigilan ni EJ ang kanyang sarili dahil sa kuryosidad. Habang nag-lalakad ay dun na sya nagtanong si EJ.
"Nagkaroon ng trauma si Mrs. Carla.." napakunot naman ng noo si EJ dahil dun, mas lalong lumalim ang kanyang kuryosidad ang tungkol sa nanay ni Zero.
"B-Bakit ho?" tanong ni EJ dito
"Pauwi na sana sya sa Japan ang kaso may mga lalaking nang-rape sa kanya at ikinulong siya ng dalawang linggo" napayuko nalang si Ej at pinagpatuloy ang pakikinig sa babae.
"Minsan tahimik, minsan umiiyak, minsan nawawala siya sa sarili nya.." tumigil ang babae, sumiryoso ang tingin ni EJ sa babae. "Heto na ang kwarto nya.." tinignan ni EJ ang maliit na bintana ng pinto at nakita nya ang babaeng nakaupo habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Bibigyan kita ng sampung minuto, baka mawala sya sa behavior nya at magwala.." tumango nalang si EJ sa kanya, pumasok si EJ sa loob, suminghap muna sya ng malalim.
Unti unti syang lumapit sa ina ni Zero, unting unting tumingin si Clara kay EJ, tahimik lang itong tinitignan si EJ. Iniwas nya narin ang kanyang tingin at tinignan ang bintana sa labas. Suminghap naman si EJ kinuha nya ang isang upuan.
"A-Ako ho si EJ.." usal ni EJ ngunit hindi neto naagaw ang atensyon neto.
"Nakikilala niyo pa ba ang anak niyo?" napukaw ang atensyon ni Clara dahil sa sinabi ni EK, tinignan nya lang si EJ.
"Naalala niyo pa ho ba si Cosmo? Ang anak niyo" tila may rumihistro sa mga alaala ni Clara ng marinig ang pangalan ng kanyang anak na si Cosmo. Humarap sya kay EJ at pinakinggan ito.
"K-kaano-ano mo ang a-anak ko?" tanong ni Clara kay EJ, tila kinakapa pa ni EJ ang kanyang sasabihin, sasabihin nya bang kaaway nya si Cosmo at sasabihin nya bang naging mamamatay tao si Cosmo?
"K-Kaibigan nya ho ako.." yan nalang ang nasabi ni EJ, ayaw nyang pag-aalahanin ang nanay ni Cosmo.
"A-Asan si Cosmo?! Asan ang anak ko?!" nagulat si EJ dahil bigla syang hinawakan nang mahigpit ni Clara.
"Huminahon ho kayo" usal ni EJ sa kanya ngunit patuloy parin si Clara sa paghawak kay EJ. Pumasok ang mga ilang nurse sa loob ng kwarto upang pakalmahin si Clara.
"Asan ang anak ko?!!" sigaw ni Clara, nakita ni EJ ang isang injection na ituturok kay Clara para makatulog ito. Tila naawa si EJ sa nanay ni Cosmo, kung wala man lang sana nangayare sa kanyang ina noong pabalik na sana ito ng Japan edi sana hindi aabot si Cosmo sa ganito.
***
"Iniwan nya ako! Iniwan nya kami ni Dad!" usal ni Zero dahil sa pag-banggit ng salitang nanay ni EJ. Napahawak ng matigas ang kanyang kamay sa hawak hawak netong baril.
"Hindi nya kayo iniwan! Na-trauma sya dahil sa ginawa sa kanya" napakunot ang noo ni Zero dahil sa sinabi ni EJ. Hindi dapat sya mahulog sa patibong ni EJ, nagsisinungaling lang ito sa kanya.
"Pabalik na sya ng Japan non nang biglang may mga nang-gahasa sa kanya at ikinulong sya ng dalawang linggo na dahilan ng pagka-trauma nya" unti unting nawala ang higpit sa puso ni Zero tila nanlambot sya ng rumihistro sa kanya ang mukha ng kanyang ina.
"Nasa mental sya at dinadanas ang sakit na nararamdaman nya...tinuturukan ng mga doktor kapag nawawala sya sa sarili nya" tila naiisip ni Zero ang mga nangyayare sa kanyang ina.
"Alam mo bang hinahanap ka nya.." napatingin si Zero kay EJ at nakita nya sa kanyang mga mata na nagsasabi ito ng totoo.
"Sa tingin mo sinabi ko ang totoo sa nanay mo na pumamatay ka ng tao?" tila nanlambot ang ekspresyon ng mukha ni Zero dahil sa sinabi ni EJ.
"Sa tingin mo matutuwa ang nanay mo sa kasamaang ginagawa mo?" inalala ni Zero ang mga masasamang ginawa nya, ang pumatay at manakot ng iba.
"Cosmo alam kong mabait ka...tigilan mo na ang pagiging masama" binitawan ni Zero ang baril na hawak hawak neto. Nakita ni EJ ang luhang tumulo galing sa kanyang mga mata.
Nadako ang tingin ni EJ sa pulis na babarilin si Zero "No--*BANG!*"
Biglang napahiga si Zero sa lapag at tumulo ang dugo na galing sa kanyang likod kung saan tumama ang bala. Agad na lumapit ang mga pulis at tinanggal ang mga nakatali kay Gian at EJ.
Nang makawala ay agad na niyakap ni Gian si EJ ng mahigpit. Bumungad naman ang pamilya ni Gian at EJ kasama ang mga kaibigan neto.
"Heaven!" tawag ni Leille sa kanyang anak, agad na yumakap si EJ sa kanyang ina. Kinuha na ng mga ambulansya ang katawan ni Zero para itakbo ito sa hospital.
Napangiti ang lahat ng walang nasaktan, nagpasalamat sa mga tumulong mas lalo na si Jacob..Ngumiti si EJ sa lahat mas lalo na sa kanyang pinakamamahal na si Gian. Niyakap nya ulit si Gian ng mahigpit dahil sa saya.
"It's all done.."
END OF THE CHAPTER
BINABASA MO ANG
BSS #1: That Nerd is a Gangster Princess
ActionCompleted||Season 1 and 2||Black Society She's a badass She can manipulate everything She could kill you with her cold stare But pretending as a nerd Chains with blood, revenge with a twist. But are you ready to meet the Gangster Princess?