CHAPTER FIFTY
HEAVEN'S POV
Tahimik lang akong pumasok sa school habang kasama si Kimber, "Huy, may nakain ka ba?" tanong neto sa akin.
"W-Wala naman" sabi ko sa kanya habang nakakunot ang noo "Di kasi ako sanay na hindi ka man lang nagsasalita tsk!" sabi niya habang nakanguso pa sa akin.
Nag-lalakad palang kami sa corridor ng mapahinto si Kimber "OH MY GOD.." napatingin naman ako kung saan nakatingin s Kimber.
Pagkatingin ko ay nakita ko si Hazel at Gian at nagtatawanan. Natigilan rin naman sila.
"Bumaliktad ba ang mundo?...sagutin mo nga ang tanong ko EJ" sabi ni Kimber na hindi parin makapaniwala sa nakikita niya ngayon.
"H-Halika ka na" sabi ko sa kanya at hinila siya. Nilagpasan naman namin si Gian at Hazel, para akong tinuturok ng kung ano sa puso ko pero binalewala ko nalang yun.
Pagkarating namin sa classroom ay wala pang prof, umupo naman kami ni Kimber ng biglang may marinig kaming chismisan sa likod.
"Huy alam mo ba mag-ex si Gian at Hazel" sabi nung babae, parang naging awkward sa akin ang usapang yun pero si Kimber ay parang nag-iinit na sa kinauupuan nya.
"Weh?! Kaya pala close sila, nakita ko silang nagtatawanan eh" sabi nung isang kausap niya dito.
"Siguro nagiging close ulit sila, akala ko may gusto si Gian kay EJ" sabi neto, napayuko ako dahil sa sinabi nya. AKALA lang yun.
"Oo nga, baka mapahamak pa si Papa Gian dahil sa isa syang Gangster Princess tsk!" hindi na nakapag-pigil si Kimber at hinarap sila.
"Hoy mga kutong chika ng chika!Ipagsasara niyo yang mag bibig niyo baka-istapler ko yan!" inis na sabi ni Kimber.
"Pabayaan mo na sila Kimber, hindi pinag-aaksayahan ng oras ang mga ganyang tao" malamig na sabi ko sa kanya, padabog na umupo si Kimber at nag-cross arms.
Nagsimula na ang klase at iniwas ko nalang isipin ang tungkol dun at nakinig.
DA'S POV
Hindi pa naman nagsisimula ang klase namin, nilalaro ko lang ang rubrics na hawak ko ng biglang makarinig ako ng sigawan.
"Ano ba? Bitawan mo nga ako!!" napatingin ako dun at nakita ko si Lianna na hawak ng hawak ng isang lalaking estudyante.
Napakunot naman ako dahil dun, napatayo ako dahil sa biglang pagkaladkad neto, dali-dali akong tumakbo at sinuntok ang lalaki.
"DA!!" sigaw ni Lianna at dali-dali akong nilapitan "Bakit mo ako sinuntok ah?!!" galit na tanong sa akin nung lalaki.
BINABASA MO ANG
BSS #1: That Nerd is a Gangster Princess
AcciónCompleted||Season 1 and 2||Black Society She's a badass She can manipulate everything She could kill you with her cold stare But pretending as a nerd Chains with blood, revenge with a twist. But are you ready to meet the Gangster Princess?