Nang makauwi si Ej sa kanyang bahay ay sobrang dilim neto. Pumunta sya sa kusina, kumuha ito ng isang boteng alak.
Napapadalas na ang paglalasing nya pero alam nyang ito lang ang paraan para mawala ang sakit na nararamdaman.
Umakyat sya papunta sa veranda at tumumbad sa kanyang ang malakas na hangin. Tanging buwan lang ang nagiging liwanag sa veranda kasama ng mga bituin.
Inihagis nya ang sarili sa sofa at sinimulang uminom. Hindi nya alam kung bakit nagkakaganito ang lahat, gusto nyang takasan ang lahat sa pamamagitan ng pag-inom.
Gustong gusto nya ng makita muli si Hexxon, gusto nya nang makita ang ngiti nito, gusto na nyang mayakap ito ng mahigpit. Sana bago sya mawala ay nasabi nya kung gaano nya ito kamahal, nagkamali sya..
Nagkamali syang hindi man lang pinakinggan ang kanyang paliwanag...
Nagkamali sya dahil iniwan nya kaagad ito...
Kung maibabalik man lang ang oras ay gagawin nya na ang lahat maitama lang ang lahat, para sa kanay ay sya ang may kasalanan ng lahat. Gusto nyang humingi ng tawad sa taong mahal nya.
May likidong tumulo sa pisngi ni EJ ngunit hindi nya yun pinunasan at pinagpatuloy ang pag-inom. Gusto nyang sulitin ang araw na ito na mag-isa sya at dinamdam ang sakit, mas lalo nyang nilagmok ang alak na kanyang iniinom ang tinitignan lang ang buwan.
Samantala ay papunta si Gian sa bahay ni EJ, hindi nya naabutan si EJ sa hospital na ikinataka nya, dahil gabi ang uwi neto pero sabi ng mga nurse ay maaga itong umuwi. Ipinark nya ang kanyang sasakyan sa tapat ng bahay ni EJ naabutan nyang bukas ang gate kaya nagtaka ito.
Pagbukas nya ng pinto ay walang kailaw ilaw ang bahay, hinanap nya si EJ ngunit wala ito. Umakyat sya sa pangalawang palapag, tinignan nya ang kwarto neto ngunti wala sya doon. Pagkalabas nya ng kwarto ni EJ ay nakita nyang ang bukas ng pinto ng veranda.
Tila kinutuban si Gian na nandoon si EJ, agad syang pumunta dun. Bumungad sa kanya si EJ na may hawak hawak na bote ng alak at nanatiling nakatingin sa buwan. Unti unting nag-lakad si Gian papunta sa kanya at nag-aalalang tumingin dito.
Tumingin sa kanya si EJ na ikinadurog ng puso nya ng makitang may mga luha ito sa kanyang pisngi. Tila para kay EJ ay nakikita nya ang mukha ni Hexxon kay Gian, kaya napangisi sya dahil nakita nanaman nya ang taong mahal nya.
"Hexxon.." tawag nya, tila nakaramdam si Gian ng sakit sa kanyang puso dahil nakikita pala ni EJ si Hexxon pero ang kaharap nya ay si Gian. Napayuko nalang sya dahil ayaw nyang makita ni EJ na nasasaktan sya.
"Why did you go?" tanong ni EJ na nakikita si Hexxon kay Gian, gusto nyang magtanong habang nasa harap na nya ang taong mahal nya. Si Gian ay mas lalong nakadarama ng sakit dahil sa tanong ni EJ.
"Tss... I-I'm sorry Hexxon.." tumulo nanaman ang mga luha sa pisngi ni EJ habang nakatingin kay Gian, naiyukom ni Gian ang kanyang mga kamay dahil sa sakit na nadarama gusto nyang ilabas ang lahat na nasasaktan sya dahil sa mga sinasabi ni EJ.
"I-I'm sorry kung hindi ki--"
"I'm not Hexxon, EJ" tila nabalik sa reyalidad si EJ at nakita nya ang mukha ni Gian na nasa harap nya at hindi si Hexxon "Wala na si Hexxon EJ" nadurog ang puso nya dahil dun, parang natauhan sya dahil sa sakit na ibinibigay nya kay Gian.
"G-Gian--" nagulat sya dahil sa bigla syang sinunggaban ng halik ni Gian, tila naging statwa sya dahil sa halik ni Gian.
Nararamdaman nya ang malambot na labi ni Gian sa kanya, parang nagkusa ang kanyang mga kamay na ilagay sa batok ni Gian ang kamay nya at unti unting pinikit ang kanyang mga mata. Tumugon si EJ sa alok na halik ni Gian.
Mas lalong lumalim ang halik ni Gian kay EJ, tumayo si EJ at hindi nya namalayan na nasa kwarto na pala sila. Unti unting tinanggal ni Gian ang kanyang suot na polo, unti unti nyang inihiga si EJ sa kama at patuloy paring hinahalikan.
Alam ni Ej na mali ang ginagawa nya, para syang nagtataksil kay Hexxon pero tanong nya sa kanyang isipan kung bakit hindi nya mapigilan ang kanyang sarili. Bakit hindi nya maitulak si Gian at sabihing itigil ang ginawa nila?
Mas lalong lumalim ang gabi at mas lalong lumalim ang halik nila sa isa't isa. Hindi alam ni EJ ang kanyang gagawin dahil sa iba sila ni Hexxon at Gian, ibang iba sila.
Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay hinahabol nila ang kanilang mga hininga. Hinalikan ni Gian ang noo ni EJ at tila nawala na talaga sya sa kanyang sarili...
"I love you EJ..."
END OF THE CHAPTER
BINABASA MO ANG
BSS #1: That Nerd is a Gangster Princess
AksiCompleted||Season 1 and 2||Black Society She's a badass She can manipulate everything She could kill you with her cold stare But pretending as a nerd Chains with blood, revenge with a twist. But are you ready to meet the Gangster Princess?