CHAPTER NINETY FOU
Hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala si Gian sa nakita niya. Doctor na si EJ pero iba ang pangalan neto.
Wala narin ang malamig niyang mata na kadalasang gusto neto, ang mala-astig niyang pananamit ay nawala na din. Pero mas malala ay parang hindi sila naalala neto.
Nasa office siya ngayon ni Kimber at Lianna at ngayon ay iniisip nya parin si EJ.
"Huy bro.." napatingin sya kay DA na nasa harap na nya kasunod neto si Kimber at Lianna na takang taka narin.
"Lalim niyan ah" sabi ni DA at umupo sa tabi nya. Napasinghap nalang si Gian dahil dun.
"Tell us bro.." sabi ni DA sa kanya na nakasandal na sa sofa at naka-dekwatro na. Huminga muna ng malalim si Gian.
"Nakita namin ni Heather si EJ.."
Napaayos ng upo si DA dahil dun, napakunot naman ang noo ng dalawang babae dahil sa sinabi ni Gian.
"Bro pa--"
"No, she's not" parang gulong gulo parin ang tatlo dahil sa pinagsasabi ni Gian na akala neto ay pinagloloko niya ang mga ito.
"Nakita namin siya sa Catalina Hospital, nagtratrabaho bilang doctor" hindi nila maintindihan ang sinasabi ni Gian, dahil ang alam nila ay patay na ito.
"Alam mo bro--"
"Ma'am andito ho ulit si Ma'am Kristana" sabi ng secretarya nila ni Kimber at Lianna. Inalis muna ni Kimber at Lianna ang tingin kay Gian at tinignan ang pumasok na si Kristana.
"Hi Kristana" bati ni Lianna dito, ngumiti naman bilang tugon si Kristana.
"Magpapagawa ulit ako ng design eheheh" sabi ni Kristana, napatingin naman ang dalawa sa isa't isa dahil dun.
"Para sa kaibigan ko, may pupuntahan kasi siya kaya naisipan kong pumunta ulit dito and ang maganda eh kasama ko siya" sabi ni Kristana habang nakangiti.
Pumasok ang isang babae at tumabi kay Kristana. Nalaglag ni Kimber ang hawak hawak niyang board at parang gulat din.
Nagulat ang lahat dahil si Emerald ang kasama ngayon ni Kristana, parang bumalik ang sakit sa kanila dahil dun.
"Hi I'm Emerald, Kristana's friend" nakangiti netong sabi sa lahat. Kaboses niya ito at mas lalong kamukhang kamukha.
Napakunot naman ng noo si Kristana ng matahimik ang lahat at parang gulat na gulat sa dumating na si Emerald.
"I-Is there something wrong?" medyo litong sabi ni Kristana sa kanila.
Bumalik kaagad si Kimber sa kanyang sarili at pumilit na ngumiti sa dalawa "Take your seats please"
Umupo ang dalawa, umalis naman si DA sa sofa at tumabi kay Gian.
"Alam niyo narin naman ang size ni Emerald right" nakangiting sabi ni Kristana sa kanila, unti unti namang nagsitanguan ang dalawa. "What color ba ang gusto mo?" tanong ni Kristana dito.
BINABASA MO ANG
BSS #1: That Nerd is a Gangster Princess
AksiCompleted||Season 1 and 2||Black Society She's a badass She can manipulate everything She could kill you with her cold stare But pretending as a nerd Chains with blood, revenge with a twist. But are you ready to meet the Gangster Princess?