Chapter 16

12.8K 289 1
                                    

CHAPTER SIXTEEN

HEAVEN'S POV

"Grabe ka gurl! Ang haba ng hair mo!" napakunot naman ako noo dahil sa sinabi ni Kimber "May knight and shinning armor ka na!!! And dalawa pa sila huh!" nakikita kong kumikinang ang mga mata ni Kimber dahil sa kilig.

Ayokong mag-isip ng masama baka ikamatay ko pa. Hindi ko alam kung bakit ang babait sa akin ng magkapatid na yun. Alam kong iba ako sa kanila pero hindi ko paring maiwasang mag-taka, bakit ba sila lapit ng lapit sa akin??

Hindi naman saa assuming, 1 buwan na ako sa Harvard pero pagkapasok ko palang ay sila na kaagad ang bumungad sa akin, tss. Magkapatid talaga sila kahit kailan.

"EJ pupunta kayo bukas sa laro ng basketball natin?" tanong ni Quinn na para bang excited na makitang mag-laro ang basketball team. Syempre andun ang mga kinababaliwan ng school no.

Tsk! "Hindi, atsaka may gagawin ako bukas" napasimangot naman si Kimber at Quinn sa sinabi ko. Sabado bukas at paghahandaan ko na ang paglusong namin sa L Gang, 1 week nalang at magsisimula na kaming lumaban. "Ano ba yan! Manunuod ka lang naman dun eh!!" sabi ni Kimber sa akin habang hinahawakan ang kamay ko.

"May gagawin pa ako eh atsaka papagalitan ako ng parents ko" kunwaring rason ko sa kanila, napasimangot naman ang nga ito. It's just a game kailangan bang lahat eh pumunta??

"Fine, hahabol nalang ako, siguro naman hindi yun matatapos kaagad" napangiti naman sila dahil dun, napatingin naman ako kay Quinn na halos naging bituin na ang mga mata niya "I-chicheer ko talaga si Papa Steven!!" sabi niya at kunwaring may hawak na pompoms, pilit lang akong ngumiti sa kanya.

Natapos na ang klase pero nakita ko si DA na para bang may hinihintay. Dire-diretso lang ako at hindi nalang sya pinansin pero tinawag niya ang pangalan ko "EJ.." napatigil naman ako sa paglalakad at unti unting tumingin sa kanya, malamig ang tingin ko sa kanya

"Goodluck sa game niyo bukas" malamig kong sabi sa kanya, inunahan ko na ito dahil sa gusto ko lang "A-ahh eh thanks.." kumakamot pa ito sa ulo "M-Manonood ba kayo ni Kimber?" tanong niya sa akin.

Pinipilit kong hindi ngumiti dahil sa nakayuko sya habang tinatanong sa akin yun. Nahihya syang nagtanong sa akin "Nandun na si Kimber pero hahabol ako" malamig na sabi ko sa kanya.

Napakunot naman ang noo neto "Bakit? Saan ka pupunta?" kita ko ang pamumula ng tenga nya, walang ekspreyson ko naman itong tinignan "Bakit, kailangan kong ipaalam?" malamig na tanong ko sa kanya. "A-Ahh h-hindi hindi!" sabu niya at parang pilit pa itong tumatawa.

'Para syang tanga, Tss...'

Tumango ako sa kanya na ibigsabihin ay mauna na ako. Binaba ko muna ang salamin ng kotse ko na ikinagulat niya.

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon