Chapter 116

4.8K 91 8
                                    


Maneho lang ng maneho si Emerald hangga't sa mawala ang sakit sa kanyang puso, hindi nya lubos na maisip na gagawin sa kanya yun ng taong mahal nya. Lumalakas ang ulan na ikinalalabo ng salamin ng kotse nya.

Gusto nyang saktan ang sarili kung bakit nagtiwala sya kaagad kay Hexxon. Nabulag sya at hindi man lang napansin ang pag-sisinungaling sa kanya, hindi nya alam kung saan sya dadalhin ng pagmamaneho nya hanggang sa mawala ang sakit ay maglalakbay sya.

Palakas ng palakas ang ulan, mas lalong lumakas ang kulog at kidlat ngunit hindi yun hadlang para tumigil sya. Patuloy sa pag-tulo ang kanyang mga luha na pinipilit punasan pero mayroon paring bagong tumutulo.

Biglang may bumusina sa likod nya, tinignan nya kung sino yun at nakita nya si Hexxon na nakasunod sa kanya.

Mas lalong sumakit ang dibdib nya dahil sa naaalala nya ang mga sandaling masaya silang dalawa neto na hindi alam ni Emerald na may nakatagong lihim pala.

Mas lalo nyang binilisan ang takbo ng kotse nya. Gusto nyang mawala ang sakit na ididnulot sa kanya ni Hexxon.

Biglang tumabi sa kanya ang kotse ni Hexxon, nag-aalala si Hexxon kay Emerald, alam nyang masakit ang magsinungaling pero nagsisisi sya sa panloloko kay Emerald.

Nakita ni Hexxon ang sakit sa mga mata ni Emerald, patuloy parin ang pagtulo ng mga luha ni Emerald ng makita nya ang mukha ni Hexxon.

Biglang may sumulpot na truck, nanlaki ang mata ni Emerald, agad nyang iginilid ang kanyang sasakyan ngunit isang malaking bato ang masasalpukan nya.

"Blam!" biglang umusok ang sasakyan ni Emerald na tumama sa isang malaking bato. Wala itong malay dahil sa sugat na meron sa kanyang ulo.



Inabutan ni Hexxon si Emerald, pagkatingin nya sa kalsada ay nanlaki ang mata nya dahil sa isang truck ang sumulpot.

Agad nyang iniwas ang kanyang sasakyan ngunit isang malalim na bangil ang hindi nya nakita dahil sa malakas na ulan.

Buti nalang at nahinto nya ang kanyang sasakyan ngunit nasa peligro ang buhay nya.

Dahil kaunting galaw nya nalang ay mahuhulog ang kotseng sinasakyan nya, kinakabahan sya sa mga nangyayare.

Kasalanan nya ang lahat, mali na tanggalin nya sa buhay ni Emerald ang nga taong mahal nya sa buhay.

Maling naging desperado sya sa pagmamahal ni Emerald, niloko nya ito at ginamit ang kabaitan nya.

"Seth!" nakita nya si Gian na nasa likod habang basang basa na ito sa ulan.

Nakikita ngayon ni Hexxon kubg sino ang totoong mahal ni Emerald at yun ay walang iba kung hindi si Gian.

Ngumiti ng pilit si Seth kasabay nun ay ang pagpatak ng luha nya. Tila tumigil ang oras at parang sila lang ni Gian ang nakakakita sa isa't isa.

Nagulat si Gian sa pag-galaw ni Hexxon "Seth!"














Ngunit huli na ang lahat......






Nalaglag sa malalim na bangil ang sasakyan ni Hexxon at sumabog iyo kasabay ng pag-kidlat.

Parang hindi makapaniwala si Gian sa ginawa ni Hexxon. Mas pinili nyang mamatay kaysa sa mabuhay.

Bago mahulog ang sasakyang ni Hexxon ay nakita nya ang pagsisisi neto sa ginawa kay Emerald.

Agad na hinanap ni Gian ang sasakyan ni Emerald at nakita nya ito na umuusok.

Agad na tumakbo papunta si Gian sa kotse neto. Binuksan nya ang pinto at nakita nya ang walang malay na si Emerald.

"Emerald! Emerald!!" niyuyogyog nya ang mukha neto ngunit hindi ito nagigising.

Inilabas ni Gian si Emerald sa kotse at binuhat papunta sa kotse neto. Wala syang pake kung magkasakit sya ang basta ay mailigtas nya si Emerald.












"Emergency!!" agad na idinala si Emerald sa loob ng emergency room. Hindi maiwasang mag-alala ni Gian dahil sa pangalawa na itong nangyare kay Emerald.



"Gian!" napatingin sya sa kanyang likod at nakita nya ang tatlo. Si Kimber, DA at Lianna.

"Where's EJ?!" sabi ni Kimber sa kanya, tinignan nalang ni Kimber ang nasa loob na si Emerald na inooperahan.

"G-God.." napatakip ng bibig si Kimber at unti unting tumulo ang luha neto.

"G-Gian si E-EJ..." niyakap nalang ni Gian si Kimber para patahanin ito.

"P-Paano kung mawala nanaman sya s-satin..." nanginginig na sabi ni Kimber na patuloy parin sa pag-iyak dahil sa nanganganib na buhay ni Emerald.

"Hush... Matatag sya okay....k-kakayanin nya ang lahat..." basag ang boses na sabi ni Gian, ngunit mas lalong naiyak dun si Kimber.

"Tinawagan namin si Heather..." tumango nalang bilang sagot si Gian.







Dumating si Heather at alalang alala sya sa kapatid "Asan si Heaven? Asan sya?" tanong nya ng makarating sya sa emergency room.

"Inuoperahan pa sya.." sabi ni DA na hindi rin maipinta ang lungkot sa kanyang mukha.

"Mhh.." nasapo nalang ni Heather ang kanyang noo dahil sa pag-aalala.



Isang oras ang nakalipas ng lumabas ang doctor "Doc how's the patient?" tanong ni Gian dito.

"Stable na ang kalagayan nya but we need to do some test because of some fracture in her legs..."

Nabawasan ang pangamba sa kanilang lahat dahil sa sinabi ng doctor.

Inilipat na nila si Emerald at kasalukuyan parin itong walang malay.

Nakatingin lang silang lahat kay Emerald na nagbabakasakaling magising ito.

"Acou!" malakas na pag-ubo ni Gian na ikinatingin ng lahat. Nakita nila na basang basa ito dahil sa ulan.

"Acou!" nilapitan na ni DA si Gian para sabihan na ito.

"Bro, get some rest.." tapik ni DA sa balikat ni Gian.

"No, acou! I-I will stay here.."  dahil dun ay mas lalong nag-alala ang lahat sa kanya.

"Bro.. Hindi magugustuhan ni EJ na makita kang ganyan..."

Agad na dinako ni Gian ang tingin sa natutulog na si Emerald.

'Please wake up..'





END OF CHAPTER ONE HUNDRED SIXTEEN

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon