Chapter 52

8.2K 191 5
                                    

CHAPTER FIFTY TWO

GIAN'S POV

"Heaven?!!" napatingin kaming lahat sa pinto at nakita namin ang nanay at ate ni EJ.

Dali-dali silang pumunta kay EJ "What happened to her?!!" mangiyak ngiyak na tanong ng nanay nya.

"T-Tita hindi po namin alam kung anong nangyare" nakayukong sabi ni Kimber.

Nararamdaman kong hinang hina ang katawan ni EJ, may benda ang kanyang ulo dahil sa crack at may mga fractures ang ibang bahagi ng katawan niya.

Biglang pumasok ang doctor "Doc, what happened to my daughter?!" mangiyak ngiyak na tanong ni Tita.

"Nabangga po siya ng kotse habang nagmamaneho" sabi ng doctor, napatingin kaagad si Tita kay EJ.

"K-Kamusta naman ho siya?" tanong ng kapatid neto "Well stable naman ang kalagayan niya pero may crack ang noo niya na muntikan ng maakabot sa utak niya"

Napayuko nalang si Heather dahil sa narinig "K-Kailan maaaring magising ang anak k-ko?" nauutal na tanong ni Tita.

"One month bago po siya magigising Mrs. Dela Quinto"

"Gagawa po kami ng iba't ibang tests para mapagaling kaagad si Kinter" sabi ng doctor sa amin.

Naiyak si Tita at si Heather naman ay kinukunsulta si Tita dahil sa sakit.

"W-Who did this to you?!! Who?!!!" halos mapaupo si Tita dahil sa nakikita niya ang anak niyang nag-hihirap.

"Mom, Heaven will be alright, r-remember, she's a strong woman..." pilit na hindi umiiyak si Heather kahit alam niyang nasasaktan na siya.

"Pwede bang lumabas muna kayo?" napatango naman kaming tatlo ng tanongin yun ni Heather.

Pilit na napangiti sya sa amin, dumiretso na kami palabas.

Nang makalabas kami ay may bumungad sa aming babae "Where's Kinter?!"

"Nasa loob sya.." sabi ni DA, agad na pumasok yung babae sa loob.

"M-Mauna na ako, dadalaw nalang ako bukas" sabi ni Kimber, agad etong umalis.

"Umuwi na tayo" malamig kong utos kay DA, tumango naman ito sa akin bilang sagot.

VANNESSA'S POV

Nasa quarters ako ngayon at inaasikaso ang mga papers na kailangan ni Cosmo.

Oo kasama ako L Gang, pumasok ako dito dahil sa isang dahilan. Walang nakaalam na kasali ako sa isang gang pati na rin si Kinter hindi niya alam

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon