Chapter 129

4.8K 83 2
                                    


Magkasama ngayon si EJ at Gian, may pupuntahan ang dalawa ngayon. Napagdesisyunan ni Gian na pumunta sa mansion ni Hazel kasama si EJ.


"Sa tingin mo ayos lang talaga kay Hazel?" nag-aalangang tanong ni EJ kay Gian na nagmamaneho ng sasakyan.


Napakunot naman ang noo ni Gian dahil dun "Bakit? May dapat ba siyang ikagalit?" tanong ni Gian na nakadako parin ang paningin sa kalsada.


"Alam mo namang nagkainitan kami dati diba" malamig na sabi ni EJ.


"EJ, that was 4 years ago, siguro naman ayos lang kay Hazel ang lahat" sabi ni Gian, biglang sumagi sa kanyang isipan ang pag-aaway nila ni Hazel sa opisina dahil kay EJ.


Mabilis na nakarating ang dalawa sa mansion, hinawakan naman ni Gian ang kamay ni EJ.


Aaminin ni EJ na medyo kinakabahan sya dahil sa muli nilang pagkikita ni Hazel, matagal na nung nagkainitan silang dalawa dahil kay Gian at hindi nya parin nakakalimutan yun.


"Manang.." tawag ni Gian sa isang matanda na nagdidilig ng mga halaman.


"Oh Gian.." sabi ng matanda at itinigil muna ang pagdidilig ng mga halaman.


"Nandyan ho ba si Hazel?" tanong ni Gian sa matanda.


"Ay oo, halika kayo at tatawagin ko muna si Hazel.." pinapasok sila EJ at Gian sa loob ng mansion.


Umakyat ang matanda upang tawagin si Hazel. Nasa sala lang ang dalawa at hinihintay ito ng may matandang lumabas galing kusina na ikinanlaki ng mata ni Gian.


"What are you doing here?" tanong ni Gian sa amang kakalabas palang galing kusina.



Napakunot naman ang noo ni EJ dahil dun at tinignan si Gian na ngayong nakakunot ang noo.










***


Hanggang ngayon ay hindi mapakali si Vanessa dahil sa pagkikita nila ni Cosmo na ngayo'y kilalang si Zero.


Nagbago na ito na halos kakatakutan mo parin, hindi maiiwasang mag-alala ni Vanessa dahil sa baka magkita sila ni EJ at baka kung anong gawing masamang balak dito.


Kinuha ni Vanessa ang kanyang bag at kaagad na lumabas ng kanyang opisina.


Nagmamaneho sya papunta sa building ni Lianna at Kimber para sabihin ito sa kanila.


Kailangan nilang malaman na nagkita na sila ni Cosmo para mag-ingat sila.


Kilala ni Vanessa si Cosmo,aaminin nyang naging bulag sya sa pag-ibig ngunit nagsisi syang minahal nya si Cosmo na hindi man lang inisip ang taong mapapahamak dahil sa gagawin nya.


Nang makarating si Vanessa sa building ay kaagad etong pumasok, hindi nya na pinanasin ang sekretarya neto at dali daling pumasok sa opisina ni Lianna at Kimber.


Bumungad sa kanya si Kimber at Lianna na nag-uusap. Nandun rin si DA na napakunot ang noo dahil kay Vanessa.


Napatigil si Lianna at Kimber at kunot noong tumingin kay Vanessa "Nakita ko si Cosmo"


BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon