Chapter 14

12.3K 270 9
                                    


CHAPTER FOURTEEN

HEAVEN'S POV

Pagkarating ko kaagad sa bahay ay bumungad sa akin si Mommy, Heather at si Daddy. May mga handa ito kaya napakunot naman ako ng noo. Tumingin naman ako kay Mommy na todo ang ngiti.

"What's this?" malamig na tanong ko kay Mommy habang tinitignan ang cake na may nakalagay na Congratulations Heaven!!

"We should celebrate dahil sa top 2 ka sa lahat ng 3rd year!" sabi ni Mommy habang pumapalakpak pa. I hear my Dad chuckled "Mas magiging proud pa ako sa kanya kung ginawa niyang top 1" naiyukom ko ang kamao ko dahil sa sinabi ni Daddy. "Winston.." saway ni Mommy kay Daddy.

Tumingin naman sa akin si Mommy "Let's eat sweetheart" sabi ni Mommy habang pilit ang ngiti sa akin. Nakita ko ang hirap sa mga mata ni Mommy, gusto niyang buo ang pamilya niya pagdating sa ganitong okasyon.

Hindi ko alam ngunit parang may kusang nag-tulak sa akin na umupo. Tahimik lang kaming kumakain, walang gumagalaw ng cake. Wala nagbukas ng mga bibig nila, parang simpleng dinner lang.

Nakita ko naman na may mga tirang pagkain at ang hindi nagalaw na cake. Kinuha ko ang mga ito at pumunta sa maid's room at sa driver's room.

"M-Ma'am H-Heaven..." nagulat pa sila dahil sa hindi nila inaasahang pagpunta ko sa kwarto nila. Nilagay ko naman ang pagkain sa isang lamesa. "M-Miss Heaven, hindi po kayo dapat pumupunta dito baka ho-"

"It's okay yaya, tawagin mo lahat ng drivers, kainin niyo nalang ito" pilit naman ang ngiti ko sa kanila. Lumabas naman ako kaagad at nakita ko si Heather na hindi kalayuan at diretsong nakatingin sa akin. Iiwasan ko lang sana ito ng bigla syang magsalita.

"Congrats ulit.." nakatalikod ako sa kanya at alam kong nakangiti sya habang sinasabi niya ang mga salitang yun. Hindi nalang ako sumagot at umakyat na sa kwarto ko. Ayokong mag physical contact sa kanya, kahit kailan hinding hindi kami magkakasundo dahil sa una palang ayaw ko na sa kanya.

Humiga ako kaagad sa kama ko at unti- unting pinikit ang mga mata ko.

*D.R.E.A.M.I.N.G*

"Do you want to be with me?" tanong sa akin ni Almira, nang malaman ko na isa siyang gangster princess. Alam kong illegal ang ginagawa niya pero tinanggap ko ang pagkatao niya at sumama sa grupo niya.

"Kailangan mong magpalakas.." napamangha ako dahil sa pinaglalaruan niya sa kanyang kamay ang butterfly knife. Naudlot ang pag-uusap namin ni Almira ng biglang may sumulpot sa pintuan.

"Ma'am!! Ma'am!! Sinasalakay tayo ng L Gang!!" napatayo naman si Almira at parang nag-dilim ang paningin niya. "Jacob, protect EJ okay" sabi ni Almira dun sa kaliwang kamay niya na si Jacob.

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon