Mag-isang umuwi si Emerald, nasa bahay narin naman ang fiance nya.
Maaga syang pinauwi dahil sa talos narin naman nyang i-check lahat ng mga pasyente nya.
Nakarating sya sa bahay at nakita nyang nasa labas ang fiance nyang naghihintay sa kanya.
Napangiti sya at bumaba kaagad ng sasakyan upang salubungin ng yakap si Hexxon.
Napangiti naman si Hexxon dahil sa pagiging malambing ni Emerald dito.
"Let's go in, naka-ready na ang dinner" nakangiting sabi ni Hexxon, hawak kamay naman silang pumasok ni Emerald sa loob ng bahay.
Inalalayan naman ni Hexxon si Emerald sa pag-upo. "Thanks.."sabi ni Emerald.
Nagsimula na silang kumain, tahimik lang silang kumakain. Tumayo naman si Hexxon, sumenyas ito kay Emerald na may kukunin lang.
Nguya lang ng nguya si Emerald ng biglang may humawak sa batok nya at sinunggaban sya ng halik ni Hexxon.
Nanlaki ang mata nya dahil sa hindi nya pa nailulunok ang kinakain nya.
Hindi parin sya maka-react, humiwalay si Hexxon sa labi neto at ngumisi na ikinapula ng mukha ni Emerald.
Bumalik si Hexxon sa kanyang upuan at nakangising kumakain. Agad na iniwas ni Emerald ang kanyang tingin at nilunok ang pagkain.
Hanggang sa matapos silang kumain, naiwan sa baba si Hexxon, may kinuha lang si Emerald sa kwarto nya.
Nakaupo lang si Hexxon sa isang sofa ng maalala nya nanaman ang pagkikita nila ni Cosmo.
Nag-iba na ang pangalan neto na nagngangalang Zero, nag-iba narin ang gropong pinamamahalaan neto.
Tawag sa kanila ay Luna Gang, hindi alam ni Hexxon na makikita parin sila ni Zero pero naalala nya ang mga sinasabi neto.
Alam ni Zero ang tungkol sa kanilang dalawa ni Emerald kaya hindi nya maiwasang mangamba dahil baka may masamang gawin si Zero sa kanya.
Kailangan nyang maging handa, mas lalo na't nandyan lang sa tabi tabi si Zero at pinagmamasdan o sinusundan sila.
Ayaw na masaktan ni Hexxon si Emerald, okay lang sa kanya kung sya ang masaktan wag lang ang taong mahal nya.
Handa syang mag-sakripisyo para kay Emerald, ibibigay nya ang lahat para sa ikabubuti neto.
Biglang tumunog ang doorbell, sunod sunod ang tunog neto. Napakunot naman si Hexxon.
Agad syang pumunta sa pinto, binuksan nya itong nang...
"Bam!" isang malakas na suntok ang sumalubong sa kanya na dahilan ng pagkatumba nya.
Nanlaki ang mata nya dahil si Gian ang sumuntok dito at galit na galit ang mga mata ni Gian.
"Hayop ka!" sigaw ni Gian, bumilis ang tibok ng puso ni Hexxon dahil dun.
Hinablot ni Gian ang kwelyo ng polo ni Hexxon at nakipagmatigasan ng tingin dito.
"Hayop ka! Anong ginawa mo kay EJ?!" nanlaki ang mata nya dahil sa sinabi ni Gian, nagtataka sya kung paano nalaman ni Gian.
Kinuha ni Emerald ang maliit nyang teddy bear na bigay ni Hexxon noong nasa Europe pa sila.
Naaalala nya pa kung paano sila naging masaya, pero hindi alam ni Emerald kung bakit gusto nyang dumito muna sa Pilipinas.
BINABASA MO ANG
BSS #1: That Nerd is a Gangster Princess
БоевикCompleted||Season 1 and 2||Black Society She's a badass She can manipulate everything She could kill you with her cold stare But pretending as a nerd Chains with blood, revenge with a twist. But are you ready to meet the Gangster Princess?