KILLERS 1

8.5K 139 10
                                    

(Naya's POV)






Nagmamadali akong pumasok sa pinto ng interrogation room pagdating ko sa quarters, dahil sa natanggap kong tawag nina Dad sa akin, at pagdating ko ay nakita ko na nakatungo doon sa mesa si Victoria at hindi na gumagalaw.


Napatingin lahat sila ng pumasok ako, kaya tiningnan ko na lang din sila dahil wala silang ginagawa at nananatili lang silang nakamasid sa kanya.


"Victoria? Nagkukunwari lang yan ---" Hiyaw ko saka ko siya nilapitan at niyugyog pero hinila bigla ako ni Dad palayo sa kanya.


She didn't even reacted sa pagyugyog ko sa kanya kaya hindi ako makapaniwalang napalingon kay Dad. What the hell? Tinawagan lang ba nila ako para lang dito?


"Patay na siya Naya, calm down okay? Wala na tayong magagawa. Her death seems like a robot na mayroong eternal life na mamamatay lang kapag shinut down. Biglaan ang lahat nagkaganyan na lang siya basta and when we check her pulse wala na siyang pulso," Nigel told me so I look at him dahil sa sinabi niya.


So ibig sabihin bigla na lang siyang naging ganyan? Ganon ba? Namatay na lang siya ng basta?


"Maybe because of the Venom X? o baka sa ibang dahilan, hindi rin namin alam. Alam mo naman ang science Naya," Kenny added.


Napakuyom kamao ako sa nangyayari saka ako marahas na napabuntunghininga. Bullshit. This is bullshit, kaylangan ko pa siya, marami pa akong gustong malaman sa kanya.


"Anong nangyari bago 'yon? As in namatay na lang ba siya? Wala man lang ba siyang sinabi? Did you ask her?" Hindi makapaniwala kong tanong sa kanila na naging hiyaw sa huli.


"Mukang nagsalita naman siya ng matino," sagot sa akin ni Dad kaya muli akong napabuntunghininga ako dahil doon.


At least napakinabangan namin siya kahit papaano, at least nagsalita siya.


"Pero hindi pa rin tayo magpapakampante. Kumilos na kayo at ako ng bahala sa kanya," Dad said again.


Lumabas na si Dad sa loob ng interrogation room pagkasabi niya noon, at kami ang naiwan para bantayan ang bangkay ni Victoria. Tumawag lang din naman siya ng mga tauhan niya para kunin si Victoria para dalhin sa lab nila, habang kami naman nina Nigel ay lumakad na papunta sa office ni Dad.


This is my life now. Simula ng matapos ang bangungot sa school hindi ako tumigil, hindi ako nagpaka-kampante hanggang hindi ko siya napapa-amin. After I survive that incident na nagparatay sa akin ng halos isang buwan, I continue investigating dahil alam kong may mali sa mga nangyari.


Sa ilang buwan naming pananatili dito ni Dad at Mom sa America para personal na bantayan si Victoria habang nagpapagaling ako, kahit papaano ay marami kaming natutunan at nalaman sa mga infected lalo na sa behavior ng mga katulad ni Victoria na nagtataglay ng pinaka-mataas na form ng venom x.

Underground Society: KILLERS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon