Chapter 1 - Si Raine

6K 123 19
                                    

Sa isang malaking two storey house sa San Lorenzo Village, nakaupo sa garden ang magkakapatid. Ang labing dalawang taong gulang na si Dean, siyam na taong gulang na si Raine at ang limang taong si Richie.

Raine: Kuya look, I drew our house... tignan mo ang ganda ng curtains, may mga flowers pa at may plants. Maganda ba Kuya?

Kinuha ni Dean ang papel na hawak ng kapatid at ngumiti.

Dean: Very good naman Raine ang ganda, ang galing mo magdrawing. You like to draw right?

Raine: Love to Kuya, so much.

Dean: Good, so dapat paglaki mo maging Architect ka or a Interior Designer.

Raine: Ganon ba yon kuya?

Dean: Oo naman, you should be what you want to be. You should do what makes you happy.

Raine: Eh di magiging basketball player ka tulad nung mga pinapanood ninyo ni Daddy? Or magiging swimmer?

Dean: Well, since those are sports I can do all of it. Pero hindi yon ang magiging work ni Kuya.

Raine: Eh bakit, eh diba basketball and swimming makes you happy?

Dean: Oo, but Kuya needs to help Daddy and Tito Ninong sa company para we can make sure na when they grow old someone will take care of it. Kami ni Ate Rose yon.

Raine: Hindi ka ba malulungkot non?

Dean: Raine, I need to be like Daddy, I need to do it for you and Richie. For our future. Baka maging poor tayo gusto mo ba yon?

Raine: No Kuya.

Dean: So, promise me you will be what you want to be para maging masaya ka. And I will take care of the business with Daddy to make sure you can get what you want.

Yumakap si Raine sa kanyang Kuya. Sa batang isip at puso nito ramdam niya ang pagmamahal ng kapatid sa kanya.

Raine: I love you Kuya!

Yan si Raine, o Raine Deeanne Bryant. Ang nakababatang kapatid ni Dean at anak nila Damon at Ryzza. Bata pa si Raine, naiintindihan na niya ang Kuya niya at alam niyang mahal siya nito. Walang bagay na hindi ibinibigay sa kanya ang mga magulang kapag sinasabi ng Kuya niya. Kapag may mga lakad siya, pinapayagan siya kahit pa overnight basta kasama ang Kuya Dean niya. At si Dean naman sinisigurong laging masasamahan ang kapatid. Sobrang malapit silang dalawa sa isa't isa kahit pa tatlong taon ang agwat ng idad nila. Lumaki siyang spoiled sa Kuya niya pero nakatatak na din sa isip niya na ang lahat ng bagay ibinibigay sa kanya dahil yon ang gusto ng kuya niya.

Katulad noong labingdalawang taong gulang siya. May bagong labas na Barbie Doll na may kasamang Doll house at gustong gusto niya yon. Minsang nasa mall sila at namimili ng regalo para sa isang pinsan nila na magbibirthday ng nakita niya yon.

Raine: Kuya, ayon yung sinasabi ko sa yo. Di ba ang ganda, may doll house na kasama. Ang ganda pa nung doll house natutupi so you can bring it everywhere. Gusto ko yan Kuya, para madesign ko yung doll house. Gagawan ko ng curtains mga pillows at kung ano-ano pa.

Dean: Eh di let's buy it.

Raine: Sabi ni Mommy, mahal daw eh.

Dean: Don't worry I'll buy it for you. May pera naman ako eh. Lika na kunin natin.

Raine: Kuya, baka magalit si Mommy sa akin eh.

Dean: Don't worry, akong bahala hindi ka pagagalitan non.

Pagdating nila sa counter para bayaran yon.

Ryzza: Raine, that's to expensive.

Dean: Mom, I'll pay for it, regalo ko yan kay Raine kasi nasa honor roll naman siya di ba?

A Lost Faith  (Leap of Faith Book 3)Where stories live. Discover now