Chapter 58 - Together at last

2.3K 119 30
                                    

Simula ng magpaalam si Ace kay Raine ng gabing yon at hindi ito sumama sa paghahatid sa kanya.  Hindi na mapakali si Ace.  Maaring nagbago ang itsura niya pero tama si Raine ang lalaking minahal nito ay siya pa rin at ganon pa rin siya, tulad ng dati..  kapag alam niyang hindi masaya si Raine hindi siya matahimik.

Paikot-ikot siya sa sala, alas dose na ng gabi.  Kinakausap ang sarili... "May krispy kreme kaya na malapit dito?  Oh dalhan ko na lang kaya siya ng Starbucks, yun alam ko meron non dito.  Kasi naman eh!"

Bumaba ng hagdan si Romeo...

Romeo:  Huy!  Napapano ka ba?

Ace:  Kasalanan mo ito eh, kayong dalawa ni Kuya Dean. Kung hindi ninyo ako pinilit, hindi ako magpapakita sa kanila, sa kanya. Ngayon hindi na ako mapakali.

Romeo:  Excuse me, teka muna.  Walang pumilit sa yo, hindi ka namin hinila papunta doon.  Pinagpayuhan ka namin, nasa sa yo kung makikinig ka o hindi.  Pero pagkatapos mong magkulong sa kwarto at magpakapuyat sa pagda-drawing kusa kang pumunta doon.

Ace:  Ewan ko sa yo!  Sabi ko na eh... kapag nakita ko siya hindi na ako matatahimik.  Alam mo ba kung gaano kahirap yung iwan siya?!  Tapos ngayon, iniwan ko na naman at kahit nagpaalam ako ng maayos at nangakong pupuntahan siya, wala... hindi na siya naniniwala.

Romeo:  Aba eh kahit ako hindi maniniwala, iniwan mo na ako dati eh.

Ace:  Potah 'tol! Hindi ka nakakatulong, umayos ka baka mabato kita nitong tasa ko ng may laman pang kape!

Romeo:  Oy, mainit yan.  Teka nga kasi... yang ulo mo parang kumukulong kape mainit na naman eh.  Huminahon ka nga pwede ba?!

Naupo naman si Ace sa couch at uminom ng kape.  Nagtimpla ng sariling kape si Romeo at naupo sa tabi ng kaibigan.

Romeo:  Oh ngayon magkwento ka... kamusta ang pakikipagkita mo sa pamilya mo at kay Raine?

Ace:  Okay naman, maayos naman nila akong tinanggap, umiiyak pa nga sila kahit ang Papa ko, natuwa ng makita ako.

Romeo:  Si Raine?  Tama ba ang mga takot mo? Inayawan ka ba niya?  Sinabi ba niyang ayaw na niya sa yo?

Ace:  Naawa, umiyak, pero tanggap niya ako at ipinaramdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal.

Romeo:  Yun naman pala eh bakit mainit pa rin ang ulo mo?  Kanino ka na naman ba nagagalit?

Ace:  Sa sarili ko... dapat kasi inayos ko na muna lahat dito bago ako nakipagkita sa kanya.  Para hindi ko na siya iniwan pa.  Alam ko... ramdam ko... ayaw niyang umalis ako... hindi lang niya ako mapilit na sumamang bumalik ng Maynila. Pero hindi siya natutuwa na umalis na naman ako.  At kahit nangako akong pupuntahan ko siya, alam kong hindi na siya naniniwala.  O may takot siyang hindi ko tuparin ang pangako ko.

Romeo:  Hindi mo naman siya masisisi kasi nga iniwan mo na siya.  Anong guarantee niya na hindi mo na siya iiwan ulit?

Ace:  Dahil mahal ko siya hanggang ngayon.

Romeo:  Pagmamahal din ang dahilan kung bakit mo siya nagawang iwan noon. Mahal mo siya at ayaw mo na siyang mapahamak pang muli.

Natahimik si Ace... 

Romeo:  Alam mo 'tol, iba ka ngayon. Kahit mainit ang ulo mo hindi galit ang mga mata mo. Masaya ka eh no?

Ngumiti si Ace.

Ace:  Masaya ako dahil alam kong tanggap at mahal niya ako kahit ano pa ang naging itsura ko. 

Romeo:  How is she like?

Ace:  Matalino, mabait, she's really brave. Wala pa siyang ginawang maling desisyon sa buhay niya because she's righteous. Wala pa... kung hindi yung minahal ako.

A Lost Faith  (Leap of Faith Book 3)Where stories live. Discover now