Habang nasa Japan si Ace at nagpapagamot, tumira ito sa bahay nila Kenji at Monique. Nakasundo naman nito ang mga anak nila Ken. Libangan na ni Ace ang pakikipaglaro sa mga ito ng video games. Dahil ayaw naman tumanggap ng bayad sa accommodation at professional fee ni Ken ang mga anak na lang nito ang ibinibili niya ng kung ano-ano. Kapag weekend, ang mga ito ang kasama niyang mamasyal at paguwi kung ano-anong pagkain ang uwi nila.
Unang linggo ni Ace sa Japan, araw-araw siya sa hospital. Ang Tatay ni Ken isang beteranong doctor at may-ari ng hospital ang tumingin kay Ace. Pinatay muna niya ang tissues ng keloids sa mukha niya sa pamamagitan ng pagiinject ng gamot dito. Nang ikalawang linggo matapos ang injections sinusukat naman ang mga ito para mairecord kung lumalaki pa ba. Matapos ang isang buwan at nasigurado na patay na ang tissues sa keloids at hindi na ito lumalaki sinimulan ni Ken ang pulsed-dye laser sessions ni Ace.
Lunes ang session niya at kapag katatapos lang nito pulang-pula ang mukha niya at medyo mahapdi kaya kapag Sabado lang siya nagvivideo call kay Raine para kahit papano wala na ang pula ng mukha niya. Araw-araw sa gabi habang nagpapaantok kausap naman niya ito sa voice call sa messenger. Kapag araw at pumapasok sa eskwela ang mga anak ni Kenji. Nagda-drawing si Ace. Iginawa niya ng mga paintings ng Taal Volcano ang mga anak ni Ken na inilagay sa kwarto. Iginawa din niya ng portrait ang magasawa.Kapag linggo si Raine ang tumatawag sa skype ni Ace habang nasa mansyon ito at kasama ang pamilya. Kaya kahit papano hindi naman nalulungkot si Raine.
Nang matapos ang dalawang buwan, nakakapamasyal na si Ace. Kapag weekend, ipinapasyal siya ng pamilya ni Ken. Nakapunta sila sa Tokyo para makita ang Mount Fuji at ang Imperial Palace. Sa Kyoto naman nakapunta sila sa Nijo Castle at nakapagpapicture siya sa isang Geisha. Sa Osaka, nakita niya ang modern port at ang Osaka Castle. At sa kakakulit niya kay Ken dinala siya nito sa Hiroshima. Pinilit niya si Ken na pumunta doon dahil nabasa niya sa history ang tungkol sa Atomic Bombing doon noong World War II at sa Okinawa na narinig niya mula sa pelikulang Karate Kid at gusto niyang makita yon dahil alam niya na ang pelikulang yon hindi talaga doon ishinoot kung hindi sa isang island sa Hawaii kaya gusto niyang makita ang totoong itsura ng Okinawa. Kahit natatawa sila Kenji at Monique sa mg dahilan nito. Pinagbigyan naman nila dahil ang mga anak nila hindi pa rin naman nakakarating sa mga lugar na yon. Nagovernight sila doon at bilang kapalit, iginuhit ni Ace ang isang Traditional Okinawan Style House para kila Ken at Monique.
Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Sa ikaapat na buwan ng treatment halos mga bakas na lang ang nasa mukha ni Ace. Wala na ang tambok at mapulang kulay. Kaya isinabay na ang cryotherapy para naman sa mga keloids sa katawan. Pinatay din ang tissues para hindi na lumaki pa at saka ginawa ang freezing ng nitrogen.
Dalawang linggo bago ang kasal ni Dean, nakapagbook na ng flight ang pamilya ni Ken at Monique para umuwi ng Maynila para umattend sa kasal. Nakabook na din ang flight ni Ace pabalik. Umaga ng alas otso ng Biyernes ang dating nila. Sabado ang araw ng kasal ni Dean alas diyes ng umaga. Excited na silang lahat umuwi.
Tatlong araw bago ang kasal... tumawag si Ken kay Dean.
Dean: Tito, kamusta?
Ken: Ok naman kaming lahat at siguradong makakauwi kami pero may konting problema.
Dean: Ano po yon?
Ken: Nagkaron ng allergic reaction ang balat ni Ace sa nitrogen, hindi maganda ang itsura parang nagkaron ng mga rashes ang mga keloids niya sa katawan at namaga. Ayaw siyang pauwiin ng Daddy ng hindi yon nagagamot dahil kapag nakapitan daw ng ibang bacteria baka lalong lumala.
Dean: Kamusta naman ho siya?
Ken: Ayon, nagkukulong nga sa kwarto, mukhang nagagalit na naman sa sarili, simula ng malaman niya hindi na nagkakakain nagaalala na nga ako kaya tumawag ako sa yo. Inaalala kasi niya pinostponed mo ang kasal mo para sa kanya tapos ganito. May ipinaiinom na sa kanyang gamot at may iniinject pa para mapabilis ang paggaling pero malabong makauwi siya na kasabay namin eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/126204846-288-k469998.jpg)
YOU ARE READING
A Lost Faith (Leap of Faith Book 3)
RomantizmRaine is not a typical girl, she was born with a golden spoon. She gets everything she wants. Yet, her life feels incomplete and something is not right. Maybe because unlike woman her age, she's aloof, quiet and an introvert. This story shows h...