Mabilis na dumaan ang mga araw sa buhay ni Ace at Raine at ng kanyang pamilya. Maraming mga masasayang pangyayari sa buhay nila.
Maayos ang pagiging magkaibigan ni Dean at Leslie. Natanggap na ni Leslie ang naging desisyon ng kanyang Ina na manatili sa US. Tinulungan siya ni Dean na ibenta ang bahay nila sa Forbes at bilhin ang two storey building na kinatitirikan ng laundry shop na pagaari ng pamilya ni Leslie. Inayos ang second floor para maging permanenteng bahay ni Leslie at dahil nabili niya ang lugar sa kanya na nagrerenta ang computer shop, dental clinic, botika at isang maliit na barbecue house na katabi ng laundry shop niya. Kaya masaya siyang namumuhay ng magisa.
Dumating ang graduation ni Raine. Grumaduate ito with honors at makalipas ang dalawang buwan, nanalo sa bidding ang interior design na ginawa nila ni Kiara para sa bagong Skyline Hotel sa may BGC.
Nagtake ng Board Exam sila Ace, Banjo, Jake at Justin at pumasa silang lahat. Si Ace nagtop-7 sa nasabing Board Exam. Ganon din si Ken kumuha ng Civil Engineering Board Exam at nakapasa din ito.
Naging maganda ang pasok ng trabaho sa Benbry. Nakakuha ng project si Ken - ang building ng UST branch na itatayo sa may Alabang; si Banjo isang 3 storey building sa Marikina; si Jake at Justin naman nakuha ang isang resthouse ng isang Politician na itatayo sa Batangas. Nanalo naman sa bidding ang designs si Ace para sa isang branch ng Bellevue Resort Hotel na itatayo sa Davao kaya napagdesisyunan nilang ituloy ang planong paguwi sa Davao.
Isang sabado yon ng hapon dumating si Ace at Raine sa mansyon kasama nila si Leslie. Kumpleto ang buong pamilya. Nagulat si Dean na kasama nila si Leslie.
Damon: Oy, mabuti naman at nahagilap ninyo ang manugang ko. Aba eh kahit sa opisina hindi ko nakikita eh.
Humalik si Leslie sa pisngi ni Damon.
Leslie: Ikaw talaga Tito, lagi mong sinasabi na hindi mo ako nakikita eh hindi mo naman ako tinatawagan para pumunta kung hindi pa ako daanan nila Raine, wala.
Damon: Ang lagay pala niya nagtatampo ka na ha.
Leslie: Malapit na ho.
Ryzza: Kung bakit naman kasi kailangan pang hanapin ka Hija alam mo naman na welcome ka dito. Kaya dapat kapag weekend nandito ka.
Leslie: Pasensiya na Tita, promise kapag nakakuha ako ng mapagkakatiwalaan na tauhan sa laundry shop palagi na akong nandidito.
Mang Leo: Yaan mo Leslie, babalik si Nay Rio sa laundry shop makapaglakad lang itong alaga namin magtatrabaho na ulit siya. Nabuburo na sa bahay eh.
Leslie: Aasahan ko yan Tay ha.
Raine: Nandito na lang din ho tayo, may itatanong ho kami ni Ace.
Damon: OMG Dean, uunahan ka pa yata ng kapatid mo!
Raine: Daddy naman eh, hindi!
Ace: Kasi po dati nagpaplano kaming pumunta ng Davao so, itatanong lang ho namin kung pwede na sila to go this August kasi po...
Raine: We won the bidding for Bellevue Resort and Hotel in Davao!
Damon: Wow naman! Congrats sa inyo!
Denver: That's great news Ace!
Tumayo ang mga ito at bumati kay Ace at Raine.
RR: Ayos yan, tuloy na tuloy na tayo.
Rose: Davao, here we come!
Dean: When is the signing?
Ace: Huling friday po ng August. In time naman po kasi 18th birthday po ni Iza ng same week so we are planning do her party Saturday. So kung okay sa inyo huling weekend ng August kayo pumunta. Kami kasi ni Raine are planning to be there early that week para naman makausap si Papa tungkol sa business niya like we promised him.
YOU ARE READING
A Lost Faith (Leap of Faith Book 3)
RomanceRaine is not a typical girl, she was born with a golden spoon. She gets everything she wants. Yet, her life feels incomplete and something is not right. Maybe because unlike woman her age, she's aloof, quiet and an introvert. This story shows h...