Chapter 57 - Pagkikita

1.9K 111 20
                                    

Ika-lima ng hapon bumalik sila Dean mula sa kanilang pamamasyal.  Sinalubong sila ng Manager ng The Inn at the Cliffhouse...

Manager:  Sir  Dean, may bisita ho kayo. Delivery daw ho ng portrait ninyo.  Nandon ho sa veranda ng kwarto ninyo nakaupo.

Dean:  Sino?  Si Romeo O si Jab?

Manager:  Maskarado ho ang ibinigay niyang pangalan.

Napahinto sa paglalakad si Dean. 

Dean:  Les, samahan mo si Raine sa kwarto natin. Silipin mo yung tao kapag hindi yung nakausap natin then pasilipin mo si Raine.

Leslie: Okay... bakit kung hindi yung nakausap natin, sino ang makikita ko?

Dean:  You'll see.  Everyone else follow me doon tayo dadaan sa kwarto nila Mama.

Bago sila lumabas ng veranda... 

Dean: Handa na ho ba kayong makita ang itsura ni Alas?

Nagulat ang lahat pero walang umimik. Binuksan ni Dean ang sliding door palabas sa veranda.  Sa pinaka dulo sa tapat ng kwarto nila ni Leslie nakatayong nakatalikod si Ace suot ang maskara.  Sa tabi nito  nakatayo ang isang nakabalot na painting.  Naramdaman ni Ace na may mga naglalakad  sa di kalayuan sa gawing likuran niya.

Tatlong metro ang layo nila ng magsalita ito.

Ace:  Magandang hapon ho.

Nang marinig ni Amie at Iza ang boses ni Ace, nagmamadaling naglakad palapit ang mga ito.

Ace:  Kung pwede ho hanggang dyan na lang kayo.

Huminto silang lahat sa paglapit dito. Inalis ni Ace ang maskara.

Ace:  Kilala pa ho ba ninyo ang mukhang ito. 

Tumakbo si Iza palapit kay Ace at niyakap ito.

Iza:  Kuya...

umiyak si Iza, hinahampas ang dibdib ng kapatid.

Iza:  Nakakainis ka naman eh, ang tagal mong bumalik eh.

Lumapit si Uno at Kiara. Tinapik ni Uno sa balikat ang kapatid at bahagyang niyakap.

Uno:  Good to see you again bro!

Kiara:  Ikaw ha, gumaganti ka ba?

Yumakap si Kiara at hinalikan ito sa pisngi. Nagunahan ng tumulo ang mga luha sa pisngi ni Ace. Niyakap naman siya ni Amie, mahigpit.

Amie:  Anak naman papatayin mo ako sa pagaalala eh.

Tumayo si John sa harap ni Ace. Seryoso ang mukha. Bahagyang sinuntok sa braso si Ace.

John:  Alas, sa susunod na maglayas ka, bubugbugin na kita.

Niyakap ni John si Ace sabay bulong ng... "I'm really glad, you're alright."

Mayamaya, bumitiw si Ace sa yakap ng ama, pinahid ang mga luha sa mukha. Lumapit kay Damon at Ryzza.

Ace:  Mr. and Mrs. Bryant, pasensya na ho. Sorry ho talaga.

Damon:  Tapos na yon, kalimutan mo na. Masaya kaming makita ka.

Ryzza:  I would still like to hear you call us Tito and Tita.

Niyakap ni Ryzza si Ace.   Tinapik naman ni Damon ang balikat ni Ace.  Lahat yon nakita ni Raine at hindi na nito napigil ang maiyak.  Niyakap siya ni Leslie.  Ilang sandali niyang pinalaya ang damdamin.  Mayamaya...

Raine:  Sige na Ate Les, go greet him. I'll just freshen up.

Lumabas si Leslie.

Leslie:  I'm glad you're back, hindi matutuloy ang kasal ko kung hindi ka bumalik, ayaw akong pakasalan ng Kuya Dean mo ng hindi ikaw ang bestman niya eh.

A Lost Faith  (Leap of Faith Book 3)Where stories live. Discover now