Dumating ang araw na pinakahihintay nila. Maagap na nagising si Ace... nagpakulo ng brewed coffee at nagtimpla Nakasandal sa dingding sa may bintana ang malalaking frame, nasa gitna ng bawat frame ang mga bahay na iginuhit niya at sa gilid nito ang interior design ng living room, dining room, kitchen at bedroom na iginuhit naman ni Raine. Sa may dingding na katabi naman ng pinto nakasandal ang malaking frame kung saan nakalagay ang design niya ng buong subdivision.
Kinakausap na naman ni Ace ang sarili...
Ace: Mas maganda sana ito kung may oras pa ako at naigawa ko ng scale model.
Pinagmasdan ang larawan... napabuntunghininga...
Ace: This is it Joshua Ace... this is a make or break dream for you...
Hinaplos ang gilid ng frame...
Ace: Kapag hindi ka naaprubahan... dapat siguro bumalik na lang ako ng Davao at magsaka ng palayan.
Biglang nagsalita si Raine...
Raine: Ano? Iiwan mo ako?
Derederecho ito sa kusina at nagtimpla ng kape, naupo sa dining chair ng nakatiklop ang isang tuhod at nakapatong sa silya.
Ace: Hindi naman sa ganon Bie, naisip ko lang malaking project ito kapag pumalpak nakakapanghinayang... baka talaga lang hindi ito ang para sa akin?
Raine: Joshua Ace may sakit ka ba? Kailan pa nagsimulang na naging nega ka?
Ace: Simula ng makilala kita... gusto kong abutin ang pangarap ko ng kasama ka pero natatakot akong hindi ko matupad ang mga ito dahil alam kong madidisappoint kita. Kapag natanggap ito, I can start on saving for the future... for us. Papano kapag hindi, eh di balik ako sa pagiging Barista?
Raine: Eh ano ang hot mo kayang Barista.
Napangiti si Ace... lumapit kay Raine at niyakap ito, tumayo si Raine at niyakap din ito. Sabay nilang pinagmasdan ang desenyo ng subdivision.
Raine: Don't be to hard on yourself. Isipin mo lang this is just the start... kapag natanggap eh di well and good. Kapag hindi eh di proceed to plan B.
Ace: At ano ang plan B?
Raine: Ipakita natin sa ibang company ang daming ibang developer dyan, Malay mo di ba? Maaring hindi ito magustuhan ng R&R pero hindi ibig sabihin na walang makakagusto niyan. Dahil naniniwala ako ang ano mang bagay na pinagtyagaan at ginawa ng may puso ay nagtatagumpay.
Ace: Gagawin natin yon? Hindi ba nakakahiya sa pamilya mo?
Raine: Business is business. Sila naman ang unang inalok natin pero tinanggihan nila. Kapag tinanggap ng iba, it's their lost not ours. Matagal ng negosyante ang pamilya ko kaya alam kong maiintindihan nila. Ang totoo niyan pwede nga nating ipabid yan kapag maraming nakagusto na developer eh. Don tayo sa pinakamataas na magbabayad sa atin.
Ace: Ganon?
Raine: Oo nga, lumaki ako sa paligid ng negosyante, kaya alam ko. Kaya huwag mong panghinayangan ang panahong ginugol mo sa paggawa niyan dahil kung hindi sa R&R paniguradong may makakagusto niyan. At hindi tayo titigil hanggang hindi natin napuntahan ang bawat real state developer dito sa bansa para ipakita ang napakagandang subdivision na ginawa mo.
Ace: Papano kung yung designs mo magustuhan pero yung sa akin ang hindi.
Raine: Hindi pwede yon, package deal kaya yan. Hindi mo pa ba nakikita kung anong nakalagay sa mga frame na yan?
Ace: Nakalagay? Meron?
Raine: See for yourself.
Bumitaw si Raine sa pagkakayakap kay Ace at tinungo ang ref. Naglabas ng bacon at hotdog inilagay sa plangana at nilagyan ng tubig.
YOU ARE READING
A Lost Faith (Leap of Faith Book 3)
RomanceRaine is not a typical girl, she was born with a golden spoon. She gets everything she wants. Yet, her life feels incomplete and something is not right. Maybe because unlike woman her age, she's aloof, quiet and an introvert. This story shows h...