Clear Water House ang tawag sa event place sa The Inn at the Cliffhouse. Isa itong 3000 square meter na garden na hinati sa dalawang level at meron itong view ng Taal Lake at Taal Volcano. Sa isang gilid nito ay naroroon ang isang two bedroom resthouse na may sariling veranda. Doon nila dinala si Raine para magbihis at magayos. Sa kabilang gilid nito nakita ni Raine na nakaset-up ang isang mahabang buffet table na may makeshift ng isang bamboo water falls sa gitna. Sa kabilang dulo nito ang isang three layered fondant cake na may design na butterflies at pastel colored flowers. Sa kabilang dulo naman may isang lamesa na may cupcake tower at may picture nila ni Ace sa tuktok. Bawat cupcake may bulaklak at butterfuly sa ibabaw. May 40pcs. na cupcake sa ibaba at nakapalibot dito ang mga giveaways. Tinignan ito ni Raine... nakabalot sa pastel colors na mga lace pouch ang isang maliit na painting ng view ng Taal Lake at sa ibaba nakasulat... "True Love comes when you least expect it - Ace and Raine".
Hinagod ni Raine ng tingin ang buong paligid... may labingdalawang waluhang lamesa at mga silya na nakaayos sa paligid. May takip ng puting table cloth at may center piece na flower base na may mga pastel colored Malaysian mumps, yellow carnation at white roses. May table number at Menu sa lamesa. Sa isang gilid naman may isang table for two nasa likod nito nakatayo ang isang wall na pinuno ng mga sariwang puti, light pink at peach roses at pastel colored malaysian mumps. May isang metal stand sa gilid nito na may nakasabit na native cage na binalot ng lace at punong-puno ito ng mga paru-paro. May mga maliliit na chandelier na nakasabit sa buong paligid na nagsilbing ilaw na nagpaliwanag sa buong lugar.
Pumasok si Raine sa loob ng isa sa mga kwarto sa resthouse kasunod ng kanyang mga magulang , ni Leslie at Iza. Tumambad sa kanya ang magandang kuwarto. Nakasuot sa isang mannequin ang isang off-shoulder, princess cut na ball wedding gown punong-puno ng clear crystal beads simula sa sleeves hanggang sa bewang. Namangha si Raine sa ganda ng wedding gown niya.
Raine: Mom, ang ganda naman nito. Who made this?
Ryzza: Dito sa Tagaytay ipinagawa ni Ace yan. Nasabi mo daw sa kanya na gusto mo ang ball gown at ng maghanap siya sa internet nakita niya ang gown ni Pia yung beauty queen. Doon niya nakuha ang idea ng mga kumikinang na crystals na yan pero ayaw niya yung walang sleeves kaya ayan ang naisip namin. Isang ordinaryong couturier lang ang gumawa niyan pero ang ganda di ba dahil imported ang tela at swarobski ang mga batong yan. At ang lace na belo mo gusto mo daw mahaba kaya walong metro ang haba para daw infinite, no end.
Napangiti si Raine. Hindi makapaniwala sa nakikita. Nakapatong sa kama ang isang puting strapped stiletto, katabi ang isang puting envelope, isang maliit at malaking bouquet.
Raine: Papano ang entourage namin?
Damon: Anak, inayos ni Ace lahat yon, may simpleng invitation pa nga kayo eh. Kaya magugulat ka sa kung sino ang mga bisita ninyo.
Raine: So ito ang pinagkakaabalahan niya nung hindi ako umuuwi?
Leslie: Hindi Raine, lahat ito pinagkaabalahan niya simula ng umuwi kayo galing ng Tagaytay. Noon nagsimulang magplano ng lahat ng ito si Ace. Si Kuya Dean mo ang unang kinausap niya at dahil ayaw niyang makarating sa yo. Wala siyang sinabihan na iba.
Ryzza: Nung magalit ka at hindi umuwi, noon na niya sinabi sa amin ng Daddy mo. Kinabukasan bitbit na niya ang invitation.
Iniabot ni Ryzza ang puting envelope na nasa kama at ibinigay sa kanya. Sa loob nito may isang 6 x 4 inches na puting embossed board na may nakaprint na R&A sa tuktok at ang simpleng imbitasyon na ito lang ang nakasulat...
Come and join us to witness the day that we,
Joshua Ace Benitez
&
Deeanne Raine Bryant
YOU ARE READING
A Lost Faith (Leap of Faith Book 3)
RomanceRaine is not a typical girl, she was born with a golden spoon. She gets everything she wants. Yet, her life feels incomplete and something is not right. Maybe because unlike woman her age, she's aloof, quiet and an introvert. This story shows h...