Paglabas ng parking area binaybay ni Ace ang Jupiter street pabalik sa Edsa, may kung anong hinahanap. Biglang huminto at napasigaw...
Ace: YES! Sabi ko na meron nito dito eh.
Huminto sa tapat ng isang babaing naglalako ng mga bulaklak sa harap ng isang bar doon. Bumili ng isang pirasong puting long stemmed na rose. Tsaka nagpaliko at bumalik papunta ng Columns Condominium. Dahil wala namang traffic, walang kinse minutos nakarating na siya. Tumingin sa relo. One forty five ng umaga, napaisip... "Kung 5am ang flight niya, kailangan nasa airport siya by 3am, so kung hindi siya gising malamang na nakaalis na."
Dinukot niya ang cellphone at sinubukang magtext... "Mabuti pa ang portrait mo nahawakan mo, ako kahit text wala :-( You left without saying goodbye."
After two minutes, nagring ang cellphone niya, sinagot niya ito.
Ace: Hello, good morning! Sabi mo nagtetext back ka eh bakit ka tumatawag?
Raine: Mas mabilis kung magusap na lang. Good morning, I did say goodbye in a letter. Hindi mo pa ba nakuha?
Ace: I did, thanks! Nasa airport ka na?
Raine: No, actually palabas pa lang ako ng condo, wait lang, lalabas lang ako ng condo, tawagan kita ulit kapag nasa lobby na ako.
Ace: Okay!
Nagulat si Raine, pagbukas niya ng pinto nakatayo si Ace at nakatapat sa mukha nito ang hawak na puting rosas.
Raine: Anong ginagawa mo dito?
Ace: Good morning! This is for you...
Raine: Good morning! Thanks!
Nagblush ang pisngi ni Raine
Raine: Bakit nandidito ka?
Ace: May itatanong kasi ako...
Raine: Oh eh di sana tinext mo na lang.
Ace: Huwag mong sirain ang trip ko!
Natawa si Raine...
Raine: Fine, pero we need to walk going down habang naguusap baka malate ako sa flight ko eh. Kocontact pa ako ng grab cab.
Lumabas ng unit si Raine hila ang maleta niya, bitbit ang neck pillow at jacket. Nakasukbit ang knapsack sa likod. Itinayo niya ang maleta at inilock ang pinto. Hinila naman ni Ace ang maleta.
Ace: Ihahatid na kita, dala ko yung kotse.
Raine: Sure ka? Nakakahiya naman.
Ace: Ngayon ka pa nahiya, ninakawan mo nga ako ng halik.
Hinampas niya sa braso si Ace. Natawa si Ace. Nagusap sila habang naglalakad.
Ace: Joke lang... sagutin mo lang ang mga tanong ko, bayad ka na sa paghahatid ko sa yo.
Raine: Fine, ano ba ang itatanong mo?
Ace: Ok ka lang ba? Yung totoo...
Raine: Okay naman.
Ace: Sabi ko yung totoo, at hindi ka okay.
Raine: How can you say that?
Ace: Kasi kung okay ka, wala ka dito sa condo at malamang pamilya mo ang maghahatid sa yo.
Hindi nakaimik si Raine. Nangilid ang luha. Napansin yun ni Ace. Pagpasok ng elevator, hinawakan niya ang kamay nito. Inangat sa labi niya at hinalikan.
Ace: You'll be fine. I promise.
Pagdating nila sa parking area, pinagbuksan niya ng pinto si Raine. Naupo ito at isinara ni Ace ang pinto. Dinukot ang cellphone. Habang binubuksan ang compartment nagtext kay RR... "Ate papunta na ng airport si RR, hindi ba ninyo siya ihahatid?". Tapos inilagay ang maleta ni Raine sa compartment at isinara. Pagupo niya sa Driver's seat nagpupunas ng pisngi si Raine.
YOU ARE READING
A Lost Faith (Leap of Faith Book 3)
RomanceRaine is not a typical girl, she was born with a golden spoon. She gets everything she wants. Yet, her life feels incomplete and something is not right. Maybe because unlike woman her age, she's aloof, quiet and an introvert. This story shows h...