Nang makaalis ang pamilya ni Raine, naiwan sa harap ng gate si Raine at Ace. Wala na ang mga sasakyan pero nakatanaw pa rin si Raine.
Inakbayan ni Ace si Raine, alam niya baka nalulungkot si Raine dahil umalis na ang pamilya nito.
Ace: Okay ka lang Bhie?
Pinilit ngumiti ni Raine at tumango.
Ace: Hindi ka talaga marunong magsinungaling... alam ko namimiss mo na agad sila kasi kahit ako din namimiss ko sila. Masaya at masarap kasi silang kasama. So, naiintindihan kita. Yaan mo sa Monday doon tayo dederetso sa inyo.
Raine: Okay lang ako pero tama ka namimiss ko sila. Don't get me wrong, its not that I don't like it here tsaka sanay naman akong may mga araw na hindi sila kasama it's just that parang iba ngayon eh.
Ace: Yung feeling na hindi mo na sila makikita araw-araw? Yung matutulog ka nasa ibang lugar ka at iba ang kasama mo. Close kasi kayo kaya ganon talaga ang pakiramdam. But I promise my family will make sure that you will feel that you have a family here too.
Raine: Alam ko naman yon. Huwag mo na nga lang ako pansinin... sepanx lang ito eh.
Ace: Sepanx?
Raine: Separation Anxiety
Ace: Ikaw talaga ang mga words mo...
Natawa si Raine at iniyakap ang braso sa bewang ni Ace.
Ace: Lika na pasok na tayo. Kuha lang tayo ng damit tapos balik na tayo sa The Inn?
Raine: Sige.
Pagpasok nila ng bahay, nakita nilang inaayos ni Robert, Iza, Kiara at Uno ang mga regalo sa isang gilid ng salas.
Ace: Kami na yan uy, magpahinga na kayo.
Iza: Okay lang Kuya hindi pa din kami inaantok eh.
Napaisip si Ace...
Ace: Alam ko na, mabuti pa Bhie magbukas muna tayo ng regalo, hindi pa din naman ako napapagod eh.
Raine: Ay sige, sige...
Naupo si Ace at Raine sa mahabang couch. Kinuha ni Robert ang Camera at ni Uno ang video cam at kinuhanan sila Raine at Ace. Bumaba ng hagdan si John at Amie ng matapos magbihis.
John: Oh, nandito pa pala kayo? Hindi pa ba kayo napapagod na dalawa?
Raine: Hindi pa po Papa eh, kaya eto na lang para masaya. Tsaka para makita ninyo baka may magamit tayo dito sa bahay.
Amie: Hija, regalo yan sa inyo eh.
Raine: Mama, eh dito naman kami titira ni Ace, eh di magagamit din namin.
Ace: Unahin natin yung mga regalo ng mga Ninong at Ninang.
Dumukot sa bulsa niya si Ace at may mga inilabas na envelope.
Ace: Oh Bhie ito galing kay Ninong at Ninang Landlord.
Raine: Buksan mo na...
Ace: Uy, cash... 5K
Ipinatong ni Ace sa lamesa.
Ace: Eto naman, galing kay Tay Leo at Nay Rio... SM Supermarket na gift check 3K.
Raine: Wow, galante si Tay at Nay ah.
Natatawang nakikinig lang at nanonood ang pamilya ni Ace.
Ace: Eto naman galing kay Ninong Bellevue. Wow! Tseke! 10K
Robert: Grabe ah, sana ganyan kagalante mga maging ninong ko sa kasal.
Uno: Kung ikakasal ka... eh girlfriend nga wala ka eh.
YOU ARE READING
A Lost Faith (Leap of Faith Book 3)
RomansaRaine is not a typical girl, she was born with a golden spoon. She gets everything she wants. Yet, her life feels incomplete and something is not right. Maybe because unlike woman her age, she's aloof, quiet and an introvert. This story shows h...