Chapter 30 - Strategy

2K 97 9
                                    

Nang mga sumunod na araw, bumalik na sa condo unit ni Uno si Ace.  Naging busy naman ito sa mga academic requirements niya para sa kanyang graduation at nagrereview din para sa final exam ng kinasundang linggo.

Si Raine naman ang tumatambay sa unit nila Ace para samahan itong magreview at gumawa ng thesis.  Madalas na nagluluto ito ng hapunan sa pad niya tapos dinadala sa unit ni Ace kaya madalas na kasahog na sa hapunan si Uno.

Minsan habang busy si Ace, nagkukwentuhan naman sila Uno at Raine.

Raine:  Kuya Uno, how is Ace kapag nasa bahay ninyo?

Uno:  Yan ang pinakamakulit sa amin, laging nagpapatawa at lagi niyang pinagagaan ang lahat ng bagay.  Kung hindi ko kasama sa kwarto yan noon malamang nadepressed ako.  Ace saw how broke I was nung iwan ako ng ex ko at lagi niya akong sinasamahan.  Mabait na kapatid minsan masakit magbiro pero naiintindihan ko naman.  Nung may sakit si Papa siya din ang nagpapasaya sa Mama ko. Lagi niyang sinasabi na dapat matatag si Mama kasi kapag nakita ni Papa na nalulungkot siya lalong magkakasakit si Papa. Kaya lahat ng jokes na narinig ni Mama kay Ace sinasabi niya kay Papa.

Raine:  Ang kulit pala niya eh. Well makulit din naman siya kapag nasa pad kami pero may mga silent moment kasi siya.

Uno:  Mahilig lang din kasing magisip yan kaya tumatahimik.  Dito nga kapag kaming dalawa lang kung hindi ko kakausapin hindi iimik. Marami kasing pinagdaanan ang pamilya namin kaya may mga fears din siya.  Ang maganda lang sa kanya, nakukuha nyang isantabi ang mga takot niya para sa mga taong mahal niya.

Ngumiti si Raine at nakita niyang nakatingin sa kanila si Ace.

Raine:  Magaral ka nga dyan Bie, bawal kang makinig sa kwentuhan namin. Nagtatanong ako kay Kuya tungkol sa mga naging babae mo.

Ace:  Good luck kung may maikukwento siya sa yo.

Uno:  Wala nga, ang alam ko lang na babaeng nakaclose niya yung 9 years old siya yung kapitbahay namin na laging nakadikit sa kanya.  HIindi mahilig makipagkaibigan yan lalo na sa mga babae.  Kasi sa all boys school kami pareho nagelementary at high school eh.  Ang mga kilala niyang babae at kaibigan niya, kung hindi kapitbahay, mga kaibigan namin ni Iza. Tapos may pagkaintrovert siya, mas gusto niyang gawin ang lahat ng bagay ng magisa. Nung magsimula na siyang pumasok sa mga raket niya doon tsaka lang nagkaron yan ng mga kaibigan na babae at tsaka nung lumuwas na siya dito pero hindi naman nanliligaw.

Ace:  Sabi ko sa yo Bie, walang ibang babae sa buhay ko, ikaw lang.

Raine:  Bading ka ba?  Baka closet queen ka.

Ace:  Oy, Deanne Raine gusto mong rape-in kita ngayon ha?!

Bigla itong lumapit kay Raine at niyakap ito mula sa likod.

Raine:  Mahiya ka nga sa kuya mo!

Ace:  Sus yan pa... eh maloko yan.  Pero the Best yang Kuya ko, hindi sumuko sa laban yan. 

Raine:  What does your son look like? Ilang taon na siya?

Uno: Cute, mas kamukha ko pero maputi at mapula ang pisngi at labi parang yung Mama niya. Eto tignan mo.

Inilabas ni Uno ang wallet at ipinakita sa kanila ang litrato nila ng anak niya.

Raine:  Ay ang cute... he looks like 6 or 7 years old.

Uno:  Seven years old na siya.

Ace:  Bie, kapag nagkaanak tayo mas cute pa kay Kent.

Raine:  Kent ang name niya?

Uno:  Oo, galing kay Clark Kent, favorite ng ex ko si Superman eh.

Raine:  Parang yung friend ko, yung kotse niya ang pangalan Clark, favorite din niya si Superman.

A Lost Faith  (Leap of Faith Book 3)Where stories live. Discover now