Chapter 53 - Holding on

1.5K 103 22
                                    

Makalipas ang magdamag na pagiyak ni Raine.  Nagising ito bandang alas otso ng umaga. Naghilamos at inayos ang sarili.  Mugtong-mugto ang mga mata.  Bumaba siya sa salas ng mansyon at inabutan niyang nagkakape ang mga magulang niya at magulang ni Ace.

Lumapit ito at humalik sa pisngi ng mga ito. 

Ryzza:  Yaya, pahingi ng isa pang kape please.

Damon:  Kamusta ang pakiramdam mo?  Hindi ka ba nahihilo or nasusuka?

John:  Bakit buntis ba? 

Natawa sila, bahagyang napangiti si Raine.

Raine:  Tito talaga...

Damon:  Hindi, ang sabi kasi ng Doctor bantayan daw yung mga ganon dahil ang taong nababagok ang ulo, minsan matagal bago magkaron ng mga symptoms.

John:  Ah ganon ba?

Nakita ni Raine and litrato ni Ace sa wall table na may nakasinding kandila sa harap nito. Tumayo si Raine pinatay ang kandila at inilipat ang litrato ni Ace sa tabi ng litrato niya sa picture cabinet ng mansyon.

Raine:  I'm sorry po pero hindi ako magluluksa hanggang hindi nakikita ng sarili kong mata ang walang buhay na katawan ni Ace. Kung kilala ninyo si Ace, Tito, Tita, alam ninyong matapang siya at siya na ang pinaka-positive na taong nakilala ko sa  buong buhay ko.  Kaya hindi ako naniniwalang patay na siya. Maaring wala siya pero hindi patay.  Alam ko kung gaano ako kamahal ni Ace at yung sinabi niya kay Kuya na aalisin niya ang sarili sa sitwasyon para hindi na ako mapahamak at matahimik na ang pamilya ko ang mas maaring ginawa niya. Dad, My, alam ng puso kong buhay pa siya.  Hahanapin ko siya, hindi ko man siya makita, mananatili akong umaasang babalik siya dahil ganon niya ako kamahal.

Niyakap ni Amie si Raine. 

Raine:  Tita, magtatagal ho ba kayo dito?

Amie:  Hindi na kami babalik ng Davao Hija, napagpasyahan na namin na dito na tumira kasama nila Uno matapos namin matanggap ang balita na nawawala si Ace.

Uno:  Pinangarap ni Ace na maialis sila Mama doon. Kaya naisip ko, tuparin ang pangarap na yon. May pera pa namang natira sa lahat ng nakolekta ni Ace, nung ipinaasikaso niya sa akin ang mga yon pati ang full payment ng Tagaytay Forbes.  Maghahanap ako ng bahay at lupa. 

Raine: That's good, am sure matutuwa si Ace na magkakasama-sama na kayo.  

Uno: Pero pansamantala doon muna sila sa condo namin. Kasya naman kami doon eh.  

Ryzza:  Uno, pwede naman na dito muna sila Mama mo habang wala pa ang bahay, para komportable naman sila.  Para may kasama si RR dito sa mansyon lalo ngayon at buntis siya.  

Amie:  Nakakahiya na Ryzza, sobrang abala na ito sa inyo.

Damon:  Ano ba namang abala ang sinasabi ninyo eh, masaya nga kami na naririto kayo.

Raine:  Tama sila Mommy at Daddy, Tita.  Pamilya kayo ni Ace at Uno, kaya pamilya din namin kayo.  Magtatampo kami kapag tinanggihan ninyo ang alok ni Mommy.

John:  Eh makakatanggi pa ba kami niyan ayoko kayang magtampo ka sa akin.  Basta Ryzza habang nandidito kami kami ang bahala sa pagkain dito sa mansyon.  

Ryzza:  Kayo ang bahala, matutuwa si RR niyan, makakakain siya ng mga gulay. Papano si Yaya wala ng niluto kung hindi karne. Basta kung ano man ang kailanganin ninyo, nandyan si Yaya para ituro sa inyo ang mga gamit dito.  Si Mang Leo naman kung gusto ninyon mamalengke o mamasyal,  magpasama lang kayo sa kanya. Nandyan naman palagi yung Van. Ako naman kasi alas kwatro pa lang nang hapon nandito na kaya may oras tayo para maghuntahan.

A Lost Faith  (Leap of Faith Book 3)Where stories live. Discover now