Naunang isinakay sa ambulansya si Raine at si Leslie ang sumama para madala ito agad sa hospital. Kaya ng dumating si Denver si Ace na lang ang inabutan nito. Awang-awa si Denver sa itsura nito. Sumama si Dean sa hospital para dalhin si Ace. Tinawagan niya si Uno habang daan. Duguan ang mukha ni Ace, hindi mabilang ni Dean ang mga hiwa at sugat sa mukha nito. Duguan din ang suot na damit, at nagkapunitpunit ang suot nitong amerikana. Sa tingin ni Dean, may malalim itong sugat sa bandang balikat at sa tagiliran dahil hindi tumitigil ang pagdugo ng mga ito.
Dean: Bilisan ninyo, hindi tumitigil sa pagdugo ang sugat niya, parang awa nyo na bilisan ninyo!
Ang dalawang nurse, nagpapalit palit ang kamay para malagyan ng gasa at pressure ang mga sugat ni Ace at tumigil sa pagdugo.
Kinakausap ni Dean ang Diyos sa isip, "Parang awa mo na iligtas mo siya, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Ace, please not on my watch."
Sa magkaibang hospital nadala si Raine at Ace.
Mabilis na nadala si Raine sa hospital. Chineck up si Raine pagdating sa ER, pero wala namang nakitang sugat or broken bones or limbs ang mga doctor. Kaya idenerecho siya sa CT scan para makita kung may internal bleeding, brain swelling na naging dahilan ng pagiging unconscious nito.
Nakarating naman agad sila Ryzza at Damon sa hospital. Eksaktong pagdating nila palabas ang doctor mula sa ER.
Dr. Reyes: Sino ang kamaganak ni Deeanne?
Leslie: Ako po, hipag ko po siya.
Damon: Leslie...
Leslie: Sila po ang mga magulang niya.
Dra. Reyes: I am Dra. Vivien Reyes I am a neurologist, she was transferred to me by our Resident Physician kasi wala namang nakitang physical injury, kundi mga maliliit na parang tuldok na sugat sa likod ng kanyang binti.
Leslie: Hinila po siya ng Fiance' ko from the passenger's front seat, malamang na sa mga bubog sa upuan niya nakuha ang mga yon.
Dr. Reyes: That explains it kasi may mga bubog nga silang nakuha. Pero wala siyang ibang sugat o galos man lang. No broken bones, limbs, pati ang spinal cord niya wala ni kapirasong dislocation. Whoever is with her probably made her to sit properly. We have managed to stabilized her vitals, all is back to normal but unfortunately she is still unconscious. May nakapa kaming parang bukol sa ulo niya so she might have bumped her head. We already did an MRI and a CAT Scan on her head. No internal bleeding, no concussion or brain swelling at this moment. In closed head injury, damage occurs nauntog siya that whips the head forward and back or from side to side, causing the brain to collide at high velocity with the bony skull in which it is housed. Depende sa lakas ng pagkakauntog pero minsan may bruises ang brain tissue o kaya napunit ang blood vessels, particularly where the inside surface of the skull is rough and uneven. Pero wala naman akong nakitang ganon sa tests ko sa kanya. She might be suffering from a mild TBI (Traumatic Brain Injury) that caused her to be unconscious. The mortality rate of people who's sufferring from mild TBI is zero. So there is nothing that you need to worry about for now.
Ryzza: Salamat po Diyos ko!
Dra. Reyes: But, there are times that brain injury shows no symptoms right after the injury happened. So, we need to do close monitoring on her. We would need to put her in ICU para mabantayang mabuti ang kahit na anong symptoms that may occur while she is still unconscious. We will also use a GCS (Glasgow Coma Scale) it is a neurogical scale that gives reliable and objective way of recording the conscious state of a person for initial as well as subsequent assessment.
Damon: Okay po Doktora, Salamat po.
Leslie: Doctora may idea po ba kayo kung gaano siya katagal na ganyan.
YOU ARE READING
A Lost Faith (Leap of Faith Book 3)
عاطفيةRaine is not a typical girl, she was born with a golden spoon. She gets everything she wants. Yet, her life feels incomplete and something is not right. Maybe because unlike woman her age, she's aloof, quiet and an introvert. This story shows h...