Bandang alas otso ng umaga kinabukasan, ginising ni Uno ang kapatid.
Uno: Ace, alas otso na. May schedule ka sa gym di ba?
Umikot lang siya sa kama at hinila ang kumot patakip sa mukha. Naiiling si Uno. Nilapitan ito at niyugyog sa binti.
Uno: Ace, bumangon ka na malelate ka sa gym.
Ace: Kuya, wala na akong schedule, ibinigay ko kay Bernie.
Nagulat si Uno. Hinila ang kumot.
Uno: Bakit mo ginawa yon? May sakit ka ba?
Naupo sa gilid ng kama at hinipo ang leeg ng kapatid.
Ace: Wala akong sakit kuya... ayoko lang lumabas... ayoko na... napapagod na ako.
Biglang parang naawa si Uno sa kapatid pero kilala niya ito.
Uno: Bro, ok ka lang ba? May problema ba?
Ace: Ay Kuya, marami ako niyan! Kaya nga nakakapagod na kahit anong gawin ko parang hindi na matapos tapos. Maso-solve ko ang isa tapos may papalit na naman. Ewan ko!
Uno: Pasensya ka na ha... kung kailangan mo ng kausap Bro nandito naman ako eh. The least I could do is listen.
Ace: Ok lang ako Kuya... itutulog ko lang ito na parang gabing madilim bukas paggising ko may liwanag na uli.
Tinapik ni Uno ang balikat ng kapatid.
Uno: Kamusta pala ang grade mo don sa portrait?
Ace: mataas... 97
Uno: Ayos! That's something to be happy about.
Ace: Not quite...
Uno: Oh bakit?
Ace: Kailangan kong ipakita yong portrait sa mismong taong iginuhit ko para bigyan niya ng grade at pirmahan.
Uno: Oh eh di magpakilala ka at sabihin mo sa kanya. Mukha namang mabait eh siguro naman papayag yon na gradedan ang protrait mo.
Ace: Wala na siya eh... nasa Singapore na. Now, I need to make another protrait.
Uno: Ayon... kaya ka pala nagkakaganyan, nawala ang inspirasyon mo.
Ace: Kuya, sa kanya nakasalalay ang final grade ko. That's just it. At kung madali lang sana para sa akin ang magdrawing ulit ng tao ok lang di ba eh di naidrawing na kita at wala akong problemang ganito. Kaso nga hindi, kamote ako pagdating sa pagdrawing ng tao. Tapos idagdag mo pa na deadline na ng graduation fee next next Monday at limang libo yon. Saan ko naman kukunin yon. Kaya kung wala akong final grade sa subject na yon, hindi ako makakagraduate eh di mabuti pang huwag ko ng istress ang sarili ko tutal hindi din naman ako makakaattend ng graduation dahil wala akong pambayad. Hayaan ko ng bumagsak sa subject na yon at umulit na lang next sem at least may panahon akong makaipon ng hindi pinapatay ang katawan ko.
Uno: Pasensya ka na Bro, alam mo namang ang sweldo ko napupunta lang sa pagbabayad ng bills dito at sa anak ko. Hayaan mo, susubukan kong tawagan sila Mama baka naman may maipapadala na sila.
Ace: Huwag na Kuya, nakausap ko na si Ate Iza. Hindi pa rin nakakarecover ang taniman, pinauupahan na lang ni Papa para kahit papano may kinikita at may pambayad din sila sa bills at pang-araw-araw na pagkain.
Uno: Pasensya ka na talaga Bro, kung hindi ako naging gago eh di sana ako ang nagpapaaral sa yo.
Ace: Kuya, matagal ng tapos yon, isa pa isang bibong batang lalake naman ang kapalit non eh. At least nabigyan mo ng apo sila Mama.
YOU ARE READING
A Lost Faith (Leap of Faith Book 3)
RomanceRaine is not a typical girl, she was born with a golden spoon. She gets everything she wants. Yet, her life feels incomplete and something is not right. Maybe because unlike woman her age, she's aloof, quiet and an introvert. This story shows h...