Chapter 56 - Hinala

1.5K 114 21
                                    

Makalipas ang tatlong oras nakabalik na sa The Inn at the Cliffhouse sila Dean, Leslie at Raine.  Nakahiga si Raine sa kama at nagkukwento.

Raine:  Kanina po, nanaginip ako.  Nasa harap ko si Ace... naririnig ko ang boses niya pero hindi ko makita ang mukha niya. Nagsosorry siya ng paulit ulit at sa tunog ng boses niya para siyang umiiyak.  Una nagagalit siya ano daw ba ang ginagawa ko sa sarili ko tapos nagsosorry tapos sabi niya magmove on na daw ako, kaya ko daw yon kasi matapang ako.  He told me to be the strong woman that he loved.

Damon:  Ganon kalinaw ang panaginip mo? Hindi ka ba naghahalucinate?

Leslie:  Hindi naman po ata naghahalucinate ang hinihimatay pero ang alam ko pwedeng para kang  half awake.  Yung malinaw yung isip mo, naririnig mo lahat pero hindi mo maimulat ang mata at hindi mo kaya ang katawan mo.

Ryzza:  Ah, eh di malamang na nananaginip ka nga.  Dahil imposibleng half awake ka at  talagang nasa harapan mo siya at nagsasalita.

Dean: Oo nga panaginip lang yon, napasarap lang tulog mo kaya ka nanaginip.

Raine:  Siguro nga Kuya, masaya na din ako kasi pakiramdam ko totoong totoo na hinawakan niya ako at hinalikan.

Dean:  hay naku, malala na ho ang tama sa utak niyang dalaga ninyo!  Teka nga muna bakit ka ba talaga hinimatay?  Gutom ka ba, napapagod or dahil kulang ka lang talaga sa tulog?

Raine:  You might all think na nababaliw na ako pero yung mga Shadows sa painting na nagustuhan natin, ang tingin ko parang ako.  I remember telling Kiara, alam ko kapag nakita ko ang mga paintings ni Ace, malalaman kong gawa niya yon. Parang nararamdaman ko na gawa niya yon.

Leslie:   Pero sis nameet namin yung Artist, inalis niya yung maskara niya sa harap namin ng Kuya mo at sigurado akong hindi si Ace yon, wala siyang peklat sa mukha at bulag ang isang mata niya kaya siya nakamaskara.

Raine:  Oh well, it's confirmed then... I am getting crazy!

Nagtawanan sila.  Pero ang totoo, may nabubuong hinala sa isip ni Dean.  

Samantala, tahimik si Jab habang sakay ng tricycle pabalik ng bahay.  Pagdating doon dere-derecho sa  kwarto sa ibaba si Jab... isinara ang pinto at mayamaya lang mga tunog ng mga pinggang ibinabato sa dingding ang narinig ni Romeo kasabay ng pagsigaw ni Jab.  

Jab:  Wala kang kwentang tao Alas! Wala kang kwentang lalake! Ang duwag mo! Dahil sa takot mo si Raine ang pinahihirapan mo!  Wala kang kwenta... dapat sana natuluyan ka na lang!

Kapag nagwawala si Jab, bilang na bilang ni Romeo kung ilang pinggan ang nababasag pero ng hapong yon, hindi tumigil sa pagwawala at pagbabasag si Jab hanggang hindi naubos ang pitong dosena ng pinggan na huling binili ni  Romeo.

Walang nagawa si Romeo kung hindi bantayan ang kaibigan.  Umupo siya sa kabila ng nakapinid na pinto ng kwartong yon at sinubukang kausapin si Jab ng tumahimik sa loob.

Romeo:  Alam mo nung tanungin ko kung ano ang time frame ng portrait na ipinapagawa nila ang sabi ni Sir Dean... wish daw nga niya mabilis pero hihintayin pa daw nila ang bestman nila.  Yun daw boyfriend ng kapatid niya.  Tinatanong mo noon kung bakit hindi pa sila kasal, ikaw ang hinihintay nila dahil hindi daw nila makayang ituloy yon na nalulungkot naman si Raine.

Lalong lumakas ang pagtangis ni Jab.

Romeo:  Mahal ka ng mga taong yon, Tol!  Naniniwala ako kahit anong itsura mo mamahalin ka nila.  Tinanong pa ako nila  Dean kung bakit ako nakamaskara ang sabi sana daw hindi ako maoffend  baka lang daw kasi may masasabi akong pwede nilang sabihin sa yo kapag nagkita kayo.  At naniniwala akong mahal ka ni Raine... dahil nakilala ng puso niya ang mga paintings mo.  Labanan mo ang takot mo 'Tol para sa mga taong nagmamahal sa yo at para sa kaisa-isang babaeng minahal mo.

A Lost Faith  (Leap of Faith Book 3)Where stories live. Discover now