Chapter 65 - Fullfillment

1.9K 107 30
                                    

Eksaktong isang linggo ang lumipas ng umuwi si Raine.  Dinatnan niya ang mga magulang at si Dean.

Damon:  Oh ano, tapos na ba ang pagmamaktol mo?

Ryzza:  Are you done being selfish Deeanne Raine?

Dean:  Glad your back Sis. 

Damon:  Maupo ka Deeanne Raine.

Ramdam ni Raine na seryoso ang mga magulang.  

Damon:  Hindi porke hindi ka namin pinakikialaman, basta ka na lang nawawala ng ganon. Hindi mo ba naiisip na magaalala kami.  Nagtiwala kami that you will not do anything wrong kaya pinapayagan ka namin pero hindi yung basta ka na lang hindi umuwi at hindi nagpaalam.

Raine:  I'm sorry Dad...

Damon:  You should be, hindi mo alam kung ilang gabing hindi makatulog ang Mommy mo!

Dean:  Dad, tama na ho. Nakauwi naman na ho siya at hindi siya napahamak.

Damon:  No Dean, this time you cannot get her out of this!  Sa dami ng mga nawawala at nakukuhang kung hindi nirape eh napatay.  Ano sa palagay mo ang inisip ng Mommy mo.  Hindi ka ganyan kairesponsable Deeanne Raine.  What got into your head?   Nagselos ka, nagalit ka kay Ace kaya lahat kami pinagalala mo.  

Ryzza: Tama si Ace, walang problemang magalit ka sa kanya, hindi mo siya kausapin pero hindi para basta ka na lang nawalang parang bula dahil magaalala kami.

Raine:  I'm sorry po, it won't happen again.

Ryzza:  Talagang hindi na because you are grounded until I say so. I don't care how old you are pero simula ngayon,  hindi ka aalis ng bahay ng wala kang kasama at ng hindi ka nagpapaalam.  Nagkakaintindihan ba tayo? !

Raine:  Yes, Mommy.

Ryzza:  Richie will take you to work, para mapractice na din siya sa pagmamaneho at kung hindi ka pa rin makikipagbati kay Ace, wala kang magagawa kung hindi sumabay kila Iza at Robert or magpasundo kay Dean.  You got that?!

Raine:  Yes Mommy.

Walang nagawa si Raine kung hindi sundin ang mga magulang.  Dahil alam naman niyang mali nga ang ginawa niya. Pumasok na siya sa Benbry at hinahatid siya ni Richie sa umaga.  Kapag hapon naman dinadaanan siya ni Robert at Iza. Hindi pumapasok si Ace, ang sabi ni Kiara nagfile daw ng indefinite leave.  Hindi pa rin kinontak ni Raine si Ace, dala marahil ng hiya at pride na din. Pero nami-miss na niya si Ace. 

Tulala si Raine na nakaupo sa mesa niya sa loob ng cubicle ng office niya ng tanghaling yon.  Nakailang tawag si Kiara sa kanya para mananghalian pero parang wala siyang naririnig.

Kiara:  Raine, lunch tayo.

Ni hindi tumingin si Raine.

Kiara: Raine, kain na tayo, halika na.

Wala pa rin... hanggang sa nainis si Kiara

Kiara:   SUNOG! SUNOG!

Nagulat si Raine, napatayong bigla... 

Raine:  Hala hoy may sunog daw! Bilis...

Nagtawanan ang mga kasama niya sa trabaho.

Uno:  Walang sunog Raine, binibiro ka lang ni Kiara dahil kanina ka pa niya tinatawag parang wala kang naririnig.

Raine:  I'm sorry may iniisip lang.

Lumabas si Raine ng cubicle niya at nakiupo na sa mga ito para kumain.  Wala siyang gana.

Kiara:  Kung ako sa yo Sis, itext mo na kasi.  Malamang naghihintayan lang kayong dalawa eh.  Alam naman niyang bumalik ka na eh.

Raine:  Bakit ba siya nagleave?

A Lost Faith  (Leap of Faith Book 3)Where stories live. Discover now