Isang taon na ang dumaan si Raine hindi pa rin nawawalan ng pagasa pero nangangayayat ito sa kakapuyat sa paggawa ng designs at sa kakaisip. Sila Dean at Leslie nagpasyang ipostponed ang kanilang kasal.
Naaawa na si Dean sa kapatid. Kung may magandang nagawa ang pagpupuyat nito halos 90% ng designs nito nananalo sa mga bidding na sinasalihan. Kaya kilala ito sa mga hotels ng Maynila. Nafeature siya sa People Asia Magazine kabilang ang Benbry sa Top 10 Fast Rising Small Businesses of the Philippines at tinanghal si Raine bilang Best Interior Designer of Makati.
Nasa grocery sila Jab at Romeo...
Romeo: Tol, bili tayong dyaryo at magazine ha. Para naman hindi tayo nahuhuli sa balita at ng may nababasa naman tayo.
Jab: Sige na kumuha ka na.
Kumuha ng Phil. Daily Inquirer at People Asia Magazine si Romeo. Pagdating nila sa bahay. May inirolyo si Jab na plano at ibinigay kay Romeo
Jab: Puntahan mo ang address na ito, ideliver mo ang designs na ito. Tapos ang payment sabihin mo ideposit dito sa company name at account number na ito.
Romeo: Benbry Archi-Interior Designs Inc. na naman. Kaninong kumpanya ba ito?
Jab: Hindi ba sabi ko sa yo. Wala ng maraming tanong, paiinitin mo na naman ba ang ulo ko?
Romeo: Hindi na. Ang sungit mo talaga! Ilang drawings mo na ang naibenta mo para sa kumpanyang yan ngayon nga lang ako nagtanong eh. Sige na idedeliver ko na ito bago ka pa magbasag na naman.
Umalis na si Romeo.
Kinabukasan sa opisina ng Benbry ginagawa ni Kiara at Uno ang libro ng kumpanya. Tumawag si Kiara sa banko at nanghingi ng print-out ng transaction history para sa huling tatlong buwan at pinapick-up kay Banjo.
Idinaan ni Banjo ang print-out bago ito tumuloy sa meeting niya. Sinimulan ni Kiara ang pagtatally ng books nila sa print-out ng bangko. Napansin ni Kiara ang apat na deposit na medyo malalaki sa transaction history.
Kiara: Cho, may nakolekta ka bang 75 thousand, 35 thousand at 50 thousand? Yung 50 kahapon pumasok.
Uno: Wala bakit may mga deposit na pumasok?
Kiara: Oo eh, wala naman akong collectibles. At lalo namang hindi kay Raine, dahil lahat ng collections niya ako ang kumukuha. Saan galing ang mga yon?
Nagkatinginan ang dalawa. Iisa ang iniisip.
Uno/Kiara: Kay Alas!
Nagmamadaling niredial ni Kiara ang number ng bangko, kinausap ang Manager at itinanong kung saan galing ang mga deposit. Sabi ng Manager puro Manila Deposit daw dahil wala namang bank charges isa sa Quezon City, isa sa San Juan at ang isa sa Alabang branch galing.
Napangiti si Uno at Kiara.
Uno: Sigurado akong sa mga kliyente ni Alas galing ang mga yon. Buhay siya Kim, buhay ang kapatid ko.
Naluluhang nakangiting sabi nito.
Uno: Tama ako, matapang si Alas, hindi siya basta susuko. Maaring isinuko na niya ang relasyon niya kay Raine pero hindi niya basta isusuko ang buhay.
Nagyakap ang dalawa.
Kiara: Sasabihin ba natin kay Raine?
Uno: Huwag muna, ayokong lalo siyang umasa. Alamin muna natin kila Justin, Jake, Kenneth at Banjo kung may mga collectibles sila. Kapag nasiguro natin na wala, tsaka ko sasabihin kay Dean at siya na ang magdesisyon kung sasabihin ba natin kay Raine.
YOU ARE READING
A Lost Faith (Leap of Faith Book 3)
RomanceRaine is not a typical girl, she was born with a golden spoon. She gets everything she wants. Yet, her life feels incomplete and something is not right. Maybe because unlike woman her age, she's aloof, quiet and an introvert. This story shows h...