Kinabukasan ng umaga, masayang nagkita-kita sila Ace, Raine, Uno, Kiara, Robert at Iza sa labas ng kanilang mga kwarto para magbreakfast.
Robert: Good morning everyone!
Kiara: Good morning!
Uno: Kamusta ang tulog ninyo?
Iza: Sarap ng tulog ko pero bago kami matulog ni Ate Kiara nagkwentuhan pa kami. Hindi naman kami lasing tulad ninyo no.
Robert: Hindi ako lasing ah... may tama lang.
Kiara: Malapit ka ng matamaan ni Iza, kala mo. Turn off... lasenggero.
Lumungkot ang mukha ni Robert, napakamot sa ulo.
Robert: Hindi naman eh, ang tagal ko na ngang hindi umiinom, probably why I got tipsy. Nakita mo na ba akong uminom sa atin? Ngayon lang ako napainom eh, was just having fun with you guys.
Iza: Defensive, ang haba ng paliwanag?
Kiara: Oo nga.
Roberto: Sabi mo kasi turn off.
Iza: Tapos baby girl pa tawag mo sa akin. Baby pa pala ako eh bakit mo ako idinate.
Robert: Si Dean nagsimula non, hindi ako. Nakigaya lang ako eh, joke lang naman yon eh. Kung baby ba ang tingin ko sayo maglalakas loob ba akong ligawan ka?
Iza: Anong sinabi mo? Nililigawan mo ako?
Biglang narealized ni Robert ang sinabi.
Robert: Wala akong sinabi.
Iza: Narinig ko!
Natatawa si Ace, Raine at Uno.
Iza: Di nga? Nililigawan mo ako?
Robert: Ewan ko sa yo! Uno, halika na nga.
Iza: Napipikon, totoo.
Uno: Bistado ka na Buboy! Kayo namang dalawa bakit tahimik kayo?
Raine: Antok pa Kuya eh.
Uno: Ikaw malamang may hangover, lasing ka eh. Eto namang si mokong?
Ace: Ano pa eh di nagalaga ng lasing napuyat!
Kinurot siya ni Raine sa tagiliran.
Raine: Hindi ako lasing!
Ace: Ows? Di nga? Naalala mo lahat ng ginawa mo kagabi?
Raine: Of course I do. Pero masarap maglasinglasingan. You get what you want without saying much.
Dinilaan ni Raine si Ace. At naglakad kasabay ni Kiara at Iza.
Ace: Hala sya! Naisahan ata ako ah! Bhie... hindi nga?
Raine: Gusto mo ulitin ko lahat?
Ace: Ay, gustong-gusto!
Uno: Ano daw? May naintindihan ka?
Robert: Ewan ko, wala din.
Nagtawanan at napailing na lang ang dalawa. Pinuntahan nila sa Villa sila Dean para yayaing magbreakfast. Tatlong metro ang layo nila ng makita nila si Dean at Leslie na nasa beach front. Nakaupo sa isang nakalatag na kumot sa buhangin. Nasa pagitan ng mga nakatiklop na tuhod ni Dean nakaupo si Leslie. Nakayakap ang dalawang braso ni Leslie sa kanang binti at hita ni Dean at ang dalawang braso nito nakayakap sa katawan ni Leslie. Nakasandal ang ulo sa balikat ni Dean at hawak ni Dean ang mga kamay ni Leslie at hinahalikan yon. Sa pakiwari nila naguusap ang dalawa habang nakatanaw sa dagat.
YOU ARE READING
A Lost Faith (Leap of Faith Book 3)
RomanceRaine is not a typical girl, she was born with a golden spoon. She gets everything she wants. Yet, her life feels incomplete and something is not right. Maybe because unlike woman her age, she's aloof, quiet and an introvert. This story shows h...