Chapter 49 - The Chase

2K 110 29
                                    

Itinakda ang kasal ni Dean at Leslie, anim na buwan mula ng araw na yon.  Naging busy si Raine, sa pagaasikaso ng kasal dahil siya ang Maid of Honor at hinilingan siya nila Leslie na maging Event Coordinator nila.

Kasa-kasama siya nila Dean at Leslie na pumunta ng munisipyo, simbahan, couturier at sa mga event places.  Kapag nagkikita sila ni Ace excited pa itong nagkukwento kay Ace  katulad ng Biyernes ng gabi na yon.

Nasa unit sila ni Kenneth, at kapag ganong biyernes ipinagluluto ni Raine si Ace ng hapunan, premyo daw nito for a job well done the whole week.  Nakaduty sa shop si Kenneth kaya silang dalawa lang ang nandon.

Ace:  How was your day?  Kanina ka pa ba nandito?

Raine:  Just in time pagalis ni Ken papunta sa shop.  It was a fruitful day. May dalawang meeting ako for work tapos natapos na namin ni Kuya Uno yung books for this quarter at maganda naman ang resulta ng kita ng Benbry. Tapos I went around to find some bakeshop para sa wedding cake nila Kuya. They both wanted it to be butter scotch marble flavor tapos three layers fondant cake.  I found it at The Bunny Baker, nagset na ako ng cake tasting for Kuya and Ate Les. Grabe ang daming magagandang cake don Bhie. Ang hirap pumili. Pero I found a beautiful flower and butterflies motiff. Eto tignan mo?

Ipinakita nito ang litrato na kinuhanan gamit ang cellphone niya.

Ace:  Maganda, pero mas maganda ka.

Sabay hinalikan sa pisngi.

Ace:  Amoy beef with brocoli ah. Yan na lang kayang leeg mo ang idinner ko.

Hinalikan ito ng makailang ulit sa leeg.

Raine:  Bhie naman eh, nakikinig ka ba sa kwento ko?

Ace:  Nakikinig syempre.

Hinila ni Ace si Raine para mapaupo sa kandungan niya.

Ace:  Dalawang meeting, tapos na kayo ni Kuya sa books for this quarter at maganda ang resulta at ang pagha-hunting mo ng bakeshop, yung flavor na gusto nila Kuya nakita mo sa Bunny Baker at maraming magandang cake don. Mahirap mamili pero yan ang nagustuhan mo.  See, nakikinig ako, magaling lang akong magmulti-tasking.

Raine:  Ano yung flavor ng cake?

Ace:  Ahm  butter something...

Nagmaktol si Raine.

Raine:  Kita mo na your not really listening!

Ace:  Hala siya yun lang ang nakalimutan ko eh, not listening na.

Raine:  Eh yun ang pinakaimportante dahil yun ang gustong flavor ng bride at groom.  Lalake talaga!

Tumayo ito at naupo na sa katapat na silya. Naglagay ng pagkain sa pinggan niya.  

Ace:  Bhie, yun nga eh lalake... we don't care about the tiny details, that's your job.  Diyan kayo magaling.  Kaming mga lalake, kahit ano pang flavor, kahit anong motiff, kahit saang simbahan pa, okay lang lahat yan.  Dahil ang importante lang naman sa amin pakasalan ninyo kami.  Bakit si Kuya mo ba alam niya yung flavor na yan? 

Raine:  No, sabi niya lang kay Ate Les, ano nga yung flavor ng cake na kinain natin last time, yun gusto ko, masarap eh.

Ace:  Kita mo na.  Pero am sure alam ng Kuya mo yung pangalan ng Restaurant at date nung kumain  sila non.

Raine:  Hay naku. oo na, wala na akong sinabi.  Kumain ka na nga lang.

Matapos maghapunan, maghuhugas sana ng plato si Raine pero niyakap siya ni Ace galing sa likod.

Ace:  Huwag ng magtampo. Halika na doon tayo sa couch, I want to hear more of your wedding prep adventures.

Naupo sila ng magkatabi sa couch, inakbayan ni Ace si  Raine para mapahilig ang ulo nito sa dibdib niya.

A Lost Faith  (Leap of Faith Book 3)Where stories live. Discover now