Nagising si Ace kinabukasan na masaya. Dumeretso sa lababo, naghilamos, nagmumog at pinunasan ang mukha ng towel na nakasabit sa balikat niya. Binuksan ang ref, naglabas ng hotdog at itlog at nagluto ng agahan nila ng Kuya niya habang kumakanta. Isang bagay na hindi niya ginagawa. Nagtoast din siya ng wheat bread na nilagyan ng butter.
Kinuha ang cellphone niya habang hinihintay na matoast ang tinapay at may kung anong hinanap sa playlist at pinatugtog. Pinatong ang cellphone sa mesa at sinabayan ang kanta habang pinagpapatuloy ang pagluluto niya.
Nagising si Uno sa amoy ng niluluto ni Ace. Tumingin sa relo... alas sais ng umaga. Takang-takang bumangon ito. Lumabas ng kwarto at sinilip si Ace sa kusina.
Uno: Anong milagro ang nangyari at maaga kang nagising, nagluluto ng agahan at kumakanta?
Ngumiti lang si Ace.
Ace: Good morning Kuya!
Nagtimpla ng dalawang tasang kape, inilapag sa harap ng Kuya niya ang isa.
Ace: Kumain ka na at maliligo lang ako.
Binitbit ang kape papasok ng kwarto. Inalis sa sketch pad ang portrait ni Raine at inilagay sa isang frame na binili niya ng nagdaang araw tsaka ipinatong sa bedside table at kinausap.
Ace: Good morning Mahal ko! Gusto mong kiligin?
Pinagmasdan ang portrait at ngumiti ng labas ang dimples.
Ace: Ako din!
Kinuha ang cellphone... hinanap ang video ng kantang Sayo ng Silent Sanctuary ipinost na may caption na "Dreams do come true. Sayong sayo ang puso ko" . Tsaka itinag si Raine.
Bitbit ang twalya at damit papuntang banyo ng biglang sumigaw si Uno
Uno: Ang aga naman ng kabaduyan mo bro!
Ace: Kuya, huwag mong basagin ang trip ko... at mamatay ka sa inggit!
Tumatawang pumasok si Ace ng banyo. Paglabas niya ng banyo...
Uno: Gising na ang mayari ng puso mo, pinusuan na yung post mo.
Napangiti si Ace. Kinuha ang cellphone at nagchange status "In a Relationship with Raine Bryant".
Pinusuan agad ni Raine ang change status nya. Mayamaya nagtext sa kanya si Raine. "Good morning Bie, rise, shine and smile!"
Sasagutin niya sana ang text nito pero dinagsa ng comments ang change status niya... karamihan mga schoolmate nila ni Raine. Karamihan nangangantyaw, nangaasar.
sancho407 di nga totoo? I know the Bryant's baka epal lang 'to.
henryd8 are you talking about d Raine? si droplets? cant believe it
gigisosy97 OMG? I didn't know Rainey has the hots for just a Barista
vivien901 di ba suitor nya yung si Quisumbing? bakit ikaw ang bf ?
Naglog-out siya sa FB. Naiinis siya sa mga nabasa niya. Iniwan ang cellphone sa kwarto at pumunta ng kusina. Naupo sa tapat ng kapatid at kumain.
Uno: May lakad ka ba?
Ace: May session sa gym tapos susunduin ko si Raine sa kanila, pupunta kami sa pad niya.
Uno: Uy, ayos makikita na niya yung surprise mo.
YOU ARE READING
A Lost Faith (Leap of Faith Book 3)
RomansaRaine is not a typical girl, she was born with a golden spoon. She gets everything she wants. Yet, her life feels incomplete and something is not right. Maybe because unlike woman her age, she's aloof, quiet and an introvert. This story shows h...