Chapter 16 - Efforts

1.9K 117 17
                                    

Ginawa ni Ace ang lahat para maiparamdam kay Raine kung gaano ito kahalaga sa kanya. Gumawa siya ng isang charcoal painting nito, at nagpatulong kay Ryzza para mailagay yon sa kwarto niya sa bahay.  Kaya isang sabado pagkatapos malinis ang kwarto ni Raine at mapalitan ang mga kurtina at carpet. Nagskype si Ryzza at ipinakita ang kwarto.

Raine:  Thanks Ma, ang ganda ng bagong curtains at carpet ha.

Ryzza:  No problem, actually nak idea ni Ace,  kasi sabi ko magpapageneral cleaning ako, magpapalit ng carpet at curtains. Sinamahan niya ako sa kakilala niyang supplier na may closing down sale, sobra ang baba ng mga presyo.  Kaya buong bahay bago ang carpet at drapes.

Raine:  That's good.  Ma, bago yung painting sa may headboard ko?

Napangiti si Ryzza, iginalaw ang kamera at tumayo sa tabi ng painting.  

Ryzza:  That is his surprise.  He made a charcoal painting of you.  Ang ganda di ba?

Raine: He's to sweet no Ma?

Ryzza: Yes he is and I think he loves you this much para gawin ang lahat ng ito.

Samantala, nasa gym si Ace ng oras na yon. Nagmessage si Raine na tatawag sa kanya, kaya nagmamadaling nagonline sa skype. After a few minutes nagring na ang skype call niya.  Sinagot niya ito.  Masaya ang mukha ni Raine at nakangiti  ng makita ni Ace sa monitor ng phone niya.

Ace:  Hello baby!  Ang ganda ng ngiti ah, lalo akong mahuhulog niyan eh.  Mamaya literal na mahuhulog na naman ako.

Raine:   Baby ka diyan... kamusta?

Ace:  Eto namiss kita.

Raine:  Parang hindi naman eh, puro messages lang natatanggap ko. Busy ka ba masyado?  Hindi ka na tumatawag eh.

Ace:  Naputulan kami ni Kuya ng internet sa condo eh,  alam mo na na-out of budget. Pasensya ka na R ha.

Raine:  Ok lang, akala ko lang nakalimutan mo na ako.

Ace:  Ikaw pa makakalimutan ko?  Kung kaya kong gawin yon, matagal ko ng ginawa para hindi ako nalulungkot pag naiisip kong wala ka dito.  Huwag ka ng magtampo, sorry na talaga.

Raine:  Kung nagtatampo pa ako hindi kita tatawagan. Pero bawi na ang lahat ng tampo ko.  I got my surprise.  Ang ganda... bagay sa kwarto ko. And thanks for helping my Mom.

Ace:  Wala yon, maliit na bagay.  Kailangan magpaimpress baka paguwi mo magbago ang isip mo mabawi mo pa ang "in a relationship" na status natin eh.

Raine:  Baka ikaw... ang bumawi kasi marealize mo hindi pala ako yung girl na ineexpect mo.

Ace:  Sa bawat pagpikit ng mata ko larawan mo ang nasa isip ko sa bawat pagmulat ng mata ko ngiti mo ang hinahanap ko... palagay ko nga nasa race track ako kapag kausap kita dahil parang nagpapalpitate ang puso eh, kaya sigurado akong wala ng bawian ito.

Nagblush ang pisngi ni Raine.

Ace:  ang baduy ko no?

Raine:  Baduy para sa iba but I think its sweet.

Ngumiti si Ace.  May naalalang itanong...

Ace:  R... general question lang para alam ko lang.  Let's say, you asked me to get your wallet eh yung wallet mo nasa loob ng bag.  Would you prefer that I bring your whole bag instead or ok lang na buksan ko ang bag mo, kunin ang wallet para dalhin sa yo.

Raine:  Well, ayokong pinakikialaman ang personal na gamit ko ng kung sino-sino. Pero  there are people like yung family ko or yung kasama ko sa design group ok lang.  The people that are really close to me I don't really mind. Kasi alam ko naman hindi nila pakikialaman yon ng walang dahilan.

A Lost Faith  (Leap of Faith Book 3)Where stories live. Discover now