Masaya ang sumunod na araw... sa umaga isinasama ni John sila Ace at Raine sa bukid at doon sila nanananghalian. Pinagusapan nila John at Ace kung papanong mapapalago ang maliit na bukirin nila. Pagdating naman ng alas kwatro ng hapon paguwi ni iza galing eskwela, tumatambay sila sa harap ng bahay. Dumarating doon si Kuya Buboy.Bumibili sila ng isaw sa tapat o kaya ng fishballs at kwek-kwek at nakita ni Raine na totoong ipinagtutuhog ni Robert ng fishballs si Iza. May dumaan na nagtitinda ng mani at butong kalabasa. Ipinagbalat ni Robert si Iza ng butong kalabasa. Kapag nahihilingan ni Iza ng kahit na ano pagbalik nito siguradong bitbit na ang kung ano mang pagkaing gusto ni Iza. Kaya may naisip si Raine na gawin sa program sa birthday ni Iza.
Huwebes ng umaga, sinamahan sila ni Robert sa opisina ng developer ng Bellevue. Bitbit nila ang scale model na ginawa ni Ace. Bilib na bilib kay Ace ang mayari na si Mr. Buencamino. Dahil tulad niya laki sa hirap din ito. Tinanong ni Raine kung marami bang imbitado sa ground breaking. Marami-rami na rin daw pero si Mayor at ang asawa nito ang kasamang maggaground break dahil parte iyon ng turismo ng Davao. Ipinakita sa kanila ang guest list at sinabing imbitado ang pamilya ni Ace. Itinuro ni Robert sa listahan ang pangalan ng mga magulang ni Tita Amie. Napangiti si Raine. Kinausap niya ang staff ng owner tungkol sa magiging program nung araw na yon.
Huwebes ng tanghali nasa bahay na sila ni Mrs. Miranda at dinala na nila ang mga gamit nila doon. Para si Uno naman ang makasama ng magulang niya sa bahay. Alas otso ng gabi ng lumapag ang eroplano nila Uno, kasama niya sila Dean, Leslie, Rose, Tisoy, RR at Jerome. Si Ace at si Robert ang sumundo sa kanila dahil katulong ni Amie na magluto ng hapunan si Raine at Iza. Dumaan muna sila sandali sa bahay nila Ace, ibinaba ang gamit ni Uno at ipinakita niya ang bahay sa kanila. Pagkatapos dumeretso na sila sa bahay ni Mrs. Miranda. Pinagbuksan sila ng gate ng katiwala ng bahay at ipinasok ni Robert ang Van sa garahe.
Sinalubong sila ni Raine at Iza.
Raine: Welcome to Davao!
Nagbeso ang dalawa sa mga ito. Humalik si Iza sa pisngi ni Dean. Napangiti si Dean.
Dean: Happy Birthday Sis!
Iza: Kuya Dean, Bukas pa po yon.
Dumerecho sila sa salas ng bahay.
Raine: Ibaba na lang ninyo ang gamit dyan Kuya, doon na tayo sa garden am sure gutom na kayo.
Rose: You're right Raine, am so hungry na.
Nagmano naman ang lahat at nagbeso kay Amie at John na nasa garden.
John: Kamusta ang byahe?
Dean: Okay naman Tito, mabilis lang naman kaya lang lahat kami galing sa trabaho at dinaanan lang namin sa bahay ang mga gamit namin kaya eto gutom kaming lahat.
Amie: Sabi nga ni Raine malamang galing kayo ng trabaho. Oh sige na kumain na kayo.
Nagusap sila habang kumukuha ng pagkain.
Jerome: Raine, okay itong bahay na nakuha ninyo maluwag, pwedeng maginuman.
Ace: Sabi ko nga kaya, ayan sa cooler ipinagpalamig ko na kayo ng beer.
Uno: Ayos yan bro!
Amie: Dumaan ba kayo sa bahay? Masikip doon kaya dito na kami naghanda ng hapunan natin.
John: Oy, Buboy kumain ka na din.
Raine: Ay oo nga, everyone... si Robert, anak ng Mayor ng Davao pero sa pamilyang ito siya si Kuya Buboy, Ang bestfriend ni Kuya Uno dito sa Davao at kababata na din nila Ace at Iza. Kuya Buboy, si Tito Jerome naman ang bestfriend ni Kuya Uno sa Manila at asawa ng Tita RR ko.
YOU ARE READING
A Lost Faith (Leap of Faith Book 3)
RomanceRaine is not a typical girl, she was born with a golden spoon. She gets everything she wants. Yet, her life feels incomplete and something is not right. Maybe because unlike woman her age, she's aloof, quiet and an introvert. This story shows h...