Chapter 60 - welcome back

2.3K 114 24
                                    

Tuwang tuwa ang pamilya ni Raine ng dumating si Raine kasama si Ace.  Masaya silang sinalubong ng mga ito.

Damon:  Welcome back Hijo!

Ace:  Thanks po Tito!

Ryzza:  Mabuti dumating na kayo.

Nagulat sila nagkakandarapa sa pagbaba si Richie sa hagdanan ng marinig ang boses ni Ace.

Richie:  Kuya...

Ace:  Bro!

Yumakap ito kay Ace, maluha-luha.

Richie:  Akala ko talaga kung ano na ang nangyari sa yo eh.

Ryzza:  Hay naku Ace, akala mo si Raine lang ang sobrang nagaalala sa yo?  Pati yan si Richie, hindi nga nakakapagdrawing yan eh.

Ace:  Oh bakit hindi ka na nagdadrawing?

Richie:  Kapag nagdadrawing kasi ako naalala kita eh. Pero ngayon nakabalik ka na sigurado ako makakapagdrawing na ulit ako.

Ngumiti si Ace at kinusot ang buhok ni Richie.  Nakatingin lang si Dean sa kanila. Noon, nagseselos siya kay Ace  dahil pakiramdam nya mas close na ito sa kapatid na si Raine. Ngayon nagseselos pa rin naman siya dahil kahit kaylan hindi sila naging ganon ka-close ni Richie pero masaya siya para kay Richie dahil sa katauhan ni Ace nakakita ito ng isa pang Kuya.  

Dean:  Kapag ako kaya ang nawala ganyan ka din?

Richie:  Syempre naman Kuya. Kunyari ka pa diyan selos ka, eh mas close nga kayo ni Kuya Ace eh.  Siya nga ang gusto mong Bestman eh.

Dean:  So, nagseselos ka din?

Richie:  Slight... pero okay lang yon.  Kasi sigurado ako sa kasal nila ni Ate Raine ako na ang Bestman.

Nagtawanan sila.  Inakbayan ni Dean si Richie at Ace.

Raine:  Hello... ako po ang kapatid ninyo...

Dean:  Sus... ikaw naman ang prinsesa namin eh.  Halika group hug tayo.

Naggroup hug nga ang mga ito, walang paglagyan ng saya si Ace sa mainit na pagtanggap sa kanya ng pamilya ni Raine.

Ryzza:  Tama na nga yan, pati naman ako naeemo na eh.  Mabuti pa iakyat na ninyo yang mga gamit ni Raine at pumunta na tayo sa mansyon naghihintay ang pamilya mo don Ace.

Makalipas ang kalahating oras pumasok sa garahe ng mansyon ang sasakyang ni Damon at Dean.  Nagtakbuhan papunta sa garahe sila Robert, Iza. Uno. Kiara at Leslie.

Leslie:  Tito John, Tita Amie nandito na po sila.

Niyakap ni Uno ang kapatid.

Uno:  Welcome home bro!

Nagbatian ang mga ito at pumasok na sa salas ng mansyon kung saan nakaupo si Denver, Dennis, John, Jerome, Tisoy at Rose na kagampanan na.  Lumabas naman galing sa kusina sila Dei at Amie.  Bumaba naman ng hagdan si RR bitbit ang baby niya.  Nagbigay galang sila Raine at Ace sa magulang ni Ace at kay Denver at Dei.  Nakipagkamay si Ace ka Jerome at Tisoy at Nagbeso kay RR at Rose.

Rose:  We are so happy you're back.

Ace:  I'm so happy to see you pregnant Ate Rose at may baby ka na Tita RR.  

Ngumiti ang mga ito.

Jerome:  Meet my Junior Ace si Jeje.  

Ace:  Ang cute naman.  Ate Rose kaylan naman lalabas yang sa yo?

Rose:  Due date ko last week of this month.  At least sa kasal ni Cous, nakapanganak na ako.

Ace:  Uy, may bagong date na ba ang kasal?

A Lost Faith  (Leap of Faith Book 3)Where stories live. Discover now