Chapter 59 - #realtalk

2.4K 121 20
                                    

Katulad ng sinabi ni Ace sa pamilya ni Raine,  inalagaan niya ito.  Puro fresh na gulay ang iuulam nila at inihaw  na isda at karne ng baboy, manok at baka.  Parating may sariwang prutas na nakahain sa lamesa.  Madalas tuloy biruin at takutin ni Romeo na tumataba na ito.

Tulad nang tanghaling yon.

Romeo:  Naku chopsuey at inihaw na manok.  Mapapasarap na naman ang kain ni Ms. Raine niya papano na lang ang diet baka tumaba.

Raine:  Bhie, baka naman manaba na ko niyan.  Araw-araw ang sarap ng ulam.

Ace:  Masarap pero healthy,  dahil grilled at steamed o kaya fresh salad lang naman yan eh. Kapag may fried, sa olive oil ko ipiniprito kaya walang masyadong fats. Huwag ka ngang nakikinig dyan kay Romeo.  Oy, ikaw nga pwede ba tigilan mo ang pananakot mo. Mabuti pa bumili ka ng weighing scale at baka ikaw ang tumataba, dahil wala kang ginawa kung hindi lumamon at matulog.  Kami naglalakad at nageexercise.

Tawa ng tawa si Romeo.  Walang oras ang dumaan na hindi inaasikaso ni Ace si Raine. 

Pangatlong araw na nandon si Raine, umalis si Romeo at umuwi sa kanila.  Paglabas ng banyo ni Raine nakita niya ang damit niya na inilabas ni Ace mula sa maleta.  Napangiti si Raine.

Raine:  Ako na lang yan.

Ace:  Ang bilis mo naman, iaabot ko pa lang sa yo ang mga damit mo eh.

Raine:  Kungyari ka pa, tinitignan mo ang undies ko no?

Namula ang mukha ni Ace.

Ace:  Hindi ah, I just thought...

Raine:  Joke lang Bhie, ang sweet mo, thanks! 

Bumalik sa banyo si Raine at nagbihis.  Kumuha naman ng sariling damit si Ace sa maleta niya.  Mayamaya lumabas si Raine na nakabihis na.

Raine:  Bhie bakit parang tahimik ata, wala si kulit?

Ace:  Wala, umuwi sa kanila.  Susubukan niyang sunduin ang Nanay at kapatid niya.

Raine:  What's his story anyway?

Ace:  Lumayas sa kanila dahil binubugbog ng stepfather niya. Nabulag siya dahil sa pananakit ng ama-amahan.  Hindi na nakatiis, lumayas.  Nung makilala ko siya, isa siyang palaboy na  kumakanta at nanglilimos sa terminal at natutulog sa lansangan. 

Raine:  How did you end up living together?

Ace:  Yung bus na nasakyan ko hanggang sa Terminal ng Tagaytay lang, wala akong choice kung hindi bumaba na doon pero alanganing oras wala akong alam na pupuntahan. Kaya natulog ako sa terminal. Umaga, nandon siya at namamalimos, may mandurukot na tumabi sa akin at nakita niyang dinudukutan ako, pumito siya ng pumito akala nung mandurukot pulis kaya tumakbo at hindi nakuha ang wallet ko.  Doon siya sa tabi ko naupo habang namamalimos at binantayan ako. Kaya nung magising ako niyaya kong kumain at nagkakwentuhan kami non ko nalaman na wala siyang tirahan kaya isinama ko.  Parang naging inspirasyon ko ang istorya niya sabi ko kung kaya niyang ipagpatuloy ang buhay, makakaya ko din.

Naupo si Raine sa kama sa tabi ni Ace. Kinukusot ng tuwalya ang buhok niya at inabot ang suklay sa kama. Nakipagkwentuhan kay Ace habang sinusuklay ang buhok.

Raine:  Kailan ka umalis ng Maynila?

Ace:  Nung malaman kong gising ka na at nagrerespond na sa doctor. Alam ko kapag nakapagsalita ka na hahanapin mo ako. Kaya nung araw na lumabas ako ng hospital when I got the chance umalis na ako.  I was a mess then Raine.  Huge mess! Pero ang nasa isip ko kapag nabalitaan ni Erol na buhay ako at magkasama pa rin tayo.  Hindi niya tayo titigilan. So I did what I know I had to do para  hindi ka na mapahamak pa. 

A Lost Faith  (Leap of Faith Book 3)Where stories live. Discover now