Lunes ng umaga bandang alas onse ng lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Ace at Raine sa Francisco Bangoy International Airport. Paglabas pa lang nila ng eroplano may tinatawagan na si Raine sa cellphone. Nang makuha nila ang mga nakacheck-in na bagahe lumabas na sila.
Raine: Bie dito na lang tayo sa gilid nandyan na yung susundo sa atin.
May nakita si Raine na may hawak na pangalan niya. Kinawayan at tinawag niya ito. Lumapit ang lalaki.
Robert: Ms. Raine, ako po si Robert
Ipinakita ang ID niya...
Raine: Robert Penaflor?
Robert: Opo Mam, sasakyan ko po ang kinuha ng Bellevue para sa inyo.
Raine: Kuya pwedeng kunan kita ng picture?
Robert: Sige po Mam, eto Mam pati ID ko picturan na ninyo.
Raine: Pasensya ka na Kuya ha.
Robert: Okay lang po, karapatan naman ng tao na magingat eh.
Ngumiti si Raine.
Raine: Ay ano ba! Kuya Robert, si Ace po boyfriend ko, siya po ang taga-dito sa Davao. Sa Digos po.
Inabot ni Ace ang kamay niya, tinitigan siya ng lalake.
Robert: Alas? Ikaw ba yan?
Ace: Ho? Kilala ninyo ako? Teka lang tinawag mo akong Alas, iisang tao lang ang tumatawag sa akin ng Alas dito pwera sa Tatay ko. Kuya Buboy? yung kapatid ni Lala... Lalarin larin.
Tumawa si Robert.
Robert: Ako nga! Alas! Binata ka na at mas magandang lalake ka kaysa sa akin ha.
Nagyakap ang dalawa, napangiti si Raine.
Ace: Kamusta? Kailan ka pa nakauwi?
Robert: Mahigit isang taon na ako dito, kayo nga agad ng Kuya mo ang hinanap ko eh pero nasa Maynila na daw kayo. Ako, eto nakaipon naman kaya nakabili ng Van. Pinaparentahan ko sa mga turistang tulad ni Ms. Raine.
Ace: Bie, pano mo siyang nakuha.
Raine: Nagpahanap ako sa Bellevue. Sabi nila taal na taga dito daw siya at alam niya ang pasikot-sikot dito kaya siya ang kinuha ko.
Robert: Nung hindi nagreklamo sa presyo ko ang customer, sabi ko ayos! Galante itong girlfriend mo.
Ace: galit sa pera yan eh.
Raine: Bie!
Robert: Pero dahil kababata ko ang boyfriend mo Ms. Raine. Fixed price na yon kahit ilang araw pa at kahit saan pa ninyo gustong magpunta at magpabalik-balik ako ang official driver ninyo.
Raine: Dahil dyan imbitado ka sa party ni Iza.
Robert: uy, may party ba? akala ko sa harap ng taniman tayo eh.
Raine: Ay, Kuya tama na ang kwento halika na.
Ace: Oo nga sa sasakyan na tayo magkwentuhan.
Nang maisakay ang lahat ng gamit umalis na sila. Habang daan panay ang kwentuhan nila.
Robert: Ang dami ninyong dala, magtatagal ba kayo?
Ace: Hanggang sa linggo lang, puro damit at gamit yan para sa party ni Iza. Eto kasing si Raine ang punong abala.
Robert: Swerte ni Iza, may mabait kang girlfriend.
Ace: Swerte ko kamo!
Ngumiti lang si Raine.
YOU ARE READING
A Lost Faith (Leap of Faith Book 3)
Storie d'amoreRaine is not a typical girl, she was born with a golden spoon. She gets everything she wants. Yet, her life feels incomplete and something is not right. Maybe because unlike woman her age, she's aloof, quiet and an introvert. This story shows h...