Si Joshua Ace Benitez, o kilala sa tawag na Ace ay tubong Davao. Lumuwas ng Maynila para magaral. Sa Jazz Residence din siya umuuwi. Sa condo unit ng nakatatandang kapatid na isang CPA, si Uno. May kaya ang pamilya ni Ace sa Davao. May lupain ito na tinataniman ng palay. Lumuwas siya ng Maynila dahil gusto niyang dito makagraduate ng Architecture. Sustentado ng magulang ang kanyang pagaaral pero pagdating niya ng fourth year, tinamaan ng bagyo ang kanilang palayan. Nasira ang mga tanim nila at nalugi. Napilitang magtrabaho at humanap ng mapagkakakitaan si Ace para may maitustos sa pagaaral dahil hindi nakakapagpadala ng pera ang kanyang mga magulang.
Magiisang taon ng Barista sa Starbucks si Ace, at pumasok din itong trainor sa isang gym sa Makati. Doon niya nakilala si Jerome at ang girlfriend nitong si RR. Bestfriend ni Jerome ang Kuya Uno niya. Nang magtanong ng gym si Jerome itinuro nito ang gym kung saan trainor si Ace at doon niya nakilala ang mga ito.
Magaling ding sumayaw si Ace, dahil myembro ng dance club sa kanyang Unibersidad. Madalas may mga estudyante na nagpapachoreograph ng sayaw sa kanya o nagpapaturong magsayaw at isa yon sa pinagkakakitaan niya. Madalas na binibigyan ng raket ni RR si Ace. Mga guesting sa mga event para sumayaw o kaya naman bilang extra waiter sa mga event ng R&R kaya kilalang kilala niya ito.
Pumapasok si Ace sa UST sa umaga, alas nuebe ang simula ng klase niya. Natatapos ang klase niya bandang alas kwatro. Alas sais ng hapon hanggang alas dos ng madaling araw naman, Lunes hanggang Biyernes ang pasok niya sa Starbucks. Kapag Sabado at Linggo naman siya sa gym. Ang oras, depende sa mga kliyenteng meron siya.
Fifth year na siya ng taong yon, at ang daming gastos para sa mga gamit sa eskwela, iba't ibang lapis, sketch pad , iba't ibang ruler at kung ano-ano pa. Pati na materyales para sa miniature replica ng mga bahay na ginagawa niya. Pagkatapos ng first semester lalong lumaki ang pangangailangan niya ng pera dahil gagraduate, kailangang magbayad, sa year book, pictures, graduation ball at kung ano-ano. Idagdag mo pa ang mga bagong damit para isuot niya sa mga presentation at photo shoot. Tapos may thesis pa. Kaya doble kayod siya.
Magaling magdrawing si Ace, lalo na ng mga bahay, gusali, tulay at kung ano-ano pero kahit minsan hindi pa siya gumuhit ng mukha ng tao o tanawin. Kapag sinusubukan niya, ang pangit ng kinalalabasan.
Madalas niyang nakikita si Raine sa Starbucks kasama ang kapatid ni Kenneth. Naiintriga talaga siya kay Raine. Minsan, hindi na siya nakatiis at tinanong si Kenneth.
Ace: Ken, pasensya ka na pero nagkakaron na kasi ako ng insecurities at pakiramdam ko may mali sa trabaho ko eh.
Ken: Anong ibig mong sabihin? Eh isa ka sa pinupuri ng management. Dalawang beses ka na ngang naging employee of the month hindi ba?
Ace: Papano naman kasi yung customer mo, bakit ayaw niyang umoorder kapag ako ang nasa counter? Tapos ni hindi nga tumitingin kapag hinahatid ko ang order niya.
Ken: Customer? Sino? Ah yung kaibigan ni Ate?
Ace: Oo, what's with her?
Ken: Pasensya ka na pero hindi lang naman siya sa yo ganon. Ganon siya sa lahat ng taong hindi niya kilala. She doesn't like to talk to strangers. Takot makipausap at magtiwala. Marahil dahil sobrang yaman kasi. Are you familiar with R&R International Corp.?
Ace: Oo , that is the mother company of R&R Realty Corp. The leading land developer in the country. Iba't ibang kumpanya ang hawak non.
Ken: That is a company owned by their family. Kaya nagiingat lang siguro, ayaw magtiwala sa iba dahil baka nga naman makidnap siya.Kasalukuyan, Daddy niya ang isa sa pinakamataas na posisyon sa kumpanyang yon.
YOU ARE READING
A Lost Faith (Leap of Faith Book 3)
RomanceRaine is not a typical girl, she was born with a golden spoon. She gets everything she wants. Yet, her life feels incomplete and something is not right. Maybe because unlike woman her age, she's aloof, quiet and an introvert. This story shows h...