Chapter 27 - The Rule

1.9K 110 14
                                    

Nang mga sumunod na araw itinuloy nila ang pagdedesign para sa Tagaytay Forbes Project.  Umuuwi si Ace sa pad ni Raine bandang alas tres pagkagaling sa eskwela itutuloy ang drawing niya.  Dumarating si Raine bandang alas kwatro y medya, nakaluto na ng pagkain si Ace, sabay silang kakain  bago umalis si Ace para pumasok sa  Coffee shop.  Pagbalik nito bandang ala-una kung hindi pasta, may gourmet sandwich na inihanda si Raine para sa kanila. Sabay silang gumuguhit habang kumakain hanggang alas kwatro ng umaga.  Matutulog ng tatlong oras at mabilis na kikilos para pumasok sa eskwela bandang alas syete.  

Nakikita nilang pareho ang dedikasyon nila sa pagguhit isang bagay na mahalaga para sa kanila. Kaya naman pagdating sa trabaho wala silang hindi pinagkakasunduan.

Dalawang linggong ganon ang routine nila bago nila natapos ang sketches mg mga designs nila.  Pagdating ng unang sabado, dinalaw sila ng pamilya ni Raine at ng Kuya ni Ace.  Ipinagluto sila ni Dei at Ryzza.  Nagustuhan naman nila Denver, Damon at Dean ang design ng subdivision na ginawa ni Ace.  Natuwa sila na may miniature golf course ito at ipriniserve ni Ace ang mga slopes at isang natuwa sila sa isang parang burol inilagay ni Ace ang playground.  May puno na may swing sa ilalim.

Denver:  I like the designs of this subdivision, parang may personal touch at sentiments.

Ace:  Sa kapaligiran po kasi nahuhubog ang paguugali ng mga bata.  Gusto ko pong ang sino mang tumira sa subdivision na yan, magkaron ng magagandang alaala ng kanilang kabataan ng hindi lumalayo pa sa kanilang tahanan.  Naniniwala po kasi akong sa tahanan nabubuo ang pagkatao natin.  

Dei:  That is a lovely perception Ace.

Ace:  Sa panahon ho kasi ngayon masyado ng nakatutok ang mga bata sa computer. Kung titignan po ninyo ng maigi and playground may part na sementado... may guhit na pang patintero, piko at may bilog para sa tumbang preso.   

Ryzza:  Oo nga ang cute... kahit ako mas gugustuhin kong tumira sa ganyang lugar.

Dean:  A subdivision that can hone your children into a sentimental and sensitive person.  I like that!

Nakangiti lang na nakikinig si Raine.  Nakita yon ni RR.

RR:  ano naman ang inginingiti ng prinsesa namin?

Raine:  I'm just proud of him... ang galing ng boyfriend ko di ba?!

Dean:  Oo na, ikaw na ang may magaling na boyfriend!

Raine:  He's just like you Kuya.

Dean:  Sus, bumabawi pa!

Nagtawanan sila.

Pagdating ng  sabado ng umaga ng ikalawang linggo nila, nagising si Ace bandang alas otso, masakit na ang likod niya.  Tulog na tulog pa si Raine dahil inabot ito ng alas singko y medya bago tuluyang gupuin ng antok.  Lumabas si Ace sa salas at pinagmasdan ang trabaho nila.

Nagbrew siya ng kape at nagtimpla.  Binitbit ang kape habang pinagmamasdan ang mga designs nila ni Raine. Malakas ang boses na kinausap ang sarili...

Ace:  Sana nga magustuhan ka ng iba pang member ng committee.  Sana nga...   In six days more makikita ka na ng committee... isa lang ang dasal ko, sana magustuhan nila.  Kapag nangyari yon, ako ang unang-unang bibili ng bahay sa lugar na ito.  Dahil gusto kong dito lumaki ang mga anak namin ni Raine.  At kung sakaling hindi kami ang magkapalad, sa lugar na yan ako mananahan at aalalahanin ang magagandang alaala namin nung magkasama kami.

Ang hindi alam ni Ace, nagising si Raine at pinakikinggan siya. Lumabas ito ng kwarto at niyakap siya mula sa likod.

Raine:  Good morning!  Maaga pa bakit bumangon ka na?

A Lost Faith  (Leap of Faith Book 3)Where stories live. Discover now