Masaya ang sumunod na buwan at taon sa buhay nila Ace at Raine at ang kanilang mga pamilya. Mas nakilala nila ang isa't isa. Tinanggap at minahal nila pati ang kahinaan ng isa't isa.
Nanganak si Rose ng malusog na batang lalaki pinangalanang Drake. Makalipas ang dalawang buwan nalaman nilang tatlong buwang buntis si RR.
Maayos din ang negosyo nila. Nakuha ang designs ni Ace para sa isang bagong subdivision ng Ayala Land, Inc. sa Pampanga at ilan pang mga maliliit na project kaya si Banjo, Jake at Kiara nagfulltime na sa Benbry.
Si Uno at Kiara, ikinasal ni Mayor nung mismong araw ng fiesta sa Davao at muling umuwi doon sila Uno at Ace, kasama si Kiara at ang anak na si Ken at ang pamilya ni Raine. Pagbalik nila ng Maynila, lumipat si Kiara sa condo unit ni Uno kasama ang anak nila at si Ace naman ang lumipat sa unit ni Kenneth.
Isang sabado ng hapon nagkita-kita sila sa Coffee shop at nagkakwentuhan.
Kiara: Hindi ba natin dadalawin si Tita RR sa kanila baka nabobored na yon.
Dean: Sobrang bored na nga eh, gusto niya doon ang bonding kapag sat at sunday sa kanila sa Corinthians. Kaya pagbibigyan nila Mama. Ingat na ingat kasi nga alam naman ninyong ngayon lang nagbuntis.
Raine: Well then let's surprise her today, we don't have anything to go to anyway.
Leslie: Oo nga, pero teka saan pala ang dinner natin later.
Rose: I think I'm craving for Japanese food.
Dean: Eh di sa Astoria na tayo, sa Minamisaki.
Ace: Oo nga, teka hindi ba may utang pa tayong premyo kila Kuya Dean at Ate Les? doon yon sa Minamisaki di ba?
Tisoy: It's settled then, Minamisaki it is. Para mabayaran na natin ang utang natin.
Dean: Sige ako ng bahalang magpareserve.
Rose: That's right, that's long been overdue.
Leslie: Teka papano si Drake?
Tisoy: Don't worry, nandon sa Lolo niya umaga pa lang kinuha na eh para daw makapag-alone time kami ni Rose.
Rose: If I know, Papa just want's to take care of him, given the chance I think he will spoil Drake.
Dean: Sus, let him. Spoiled ka rin naman sa mga Lolo ah but you grew up fine. Kailangan lang turuan din ng maayos.
Kiara: Ang sarap lang ng mga may Lola eh no, may taga alaga. Si Kent nga ipinadala agad ni Mama sa kanya eh, namimiss na daw.
Dean: That's one advantage of having kids earlier may natural born Yaya at Yayo ang mga ito.
Nagtawanan sila.
Raine: Yun naman pala Kuya eh bakit hindi ka pa magasawa para maalagaan pa nila Papa at Mama ang magiging anak mo.
Nasamid si Dean at naubo.
Dean: Mind your own lovelife, bakit ba ikaw na ang nangingialam ngayon?
Rose: Why wouldn't she?
Tisoy: Oo nga eh hanggang hindi ka nagpapakasal, hindi din siya pwede pang magpakasal. Kaya hindi lang lovelife mo ang dinedelay mo, pati yung sa kanya.
Dean: Kosa, sino bang bestfriend mo? Ako di ba? Imbes kampihan mo ako idinidiin mo pa ako eh. Cool lang kayo. Nakaplano lahat yan.
Raine: Puro plano, puro plano di naman natutuloy. Mabuti pa ang plano ng mga subdivision project mo sa R&R successful yang plano ng lovelife bokya!
YOU ARE READING
A Lost Faith (Leap of Faith Book 3)
RomanceRaine is not a typical girl, she was born with a golden spoon. She gets everything she wants. Yet, her life feels incomplete and something is not right. Maybe because unlike woman her age, she's aloof, quiet and an introvert. This story shows h...