Chapter 24 - #brogoals

1.9K 105 17
                                    

Nagulat ang lahat ng nasa bahay nila Raine ng makita ang isang note sa lamesa galing kay Dean.

"Mom, left early to jog and play ball.  Derecho na ako sa office."

Alam nilang lahat na hindi gumigising ng mas maaga pa sa alas otso si Dean kaya takang-taka sila. Hindi din umiimik si Raine. Alas sais ng magtext si Dean kay Ace ng... "Laro tayo sa Sanlo ng 7am. Dadaanan kita."  Kaya magkasamang naglalaro ng basketball ang dalawa kasama ang mga dating kalaro nila Dean sa Sanlo noon.

Kinausap ni Tisoy sila Damon, Ryzza, Denver at Dei, ikinuwento nito ang nangyari ng nagdaang gabi. Naintindihan naman nila si Dean at nagkasundo silang lahat na tutulungan si Dean sa abot ng kanilang makakaya. Hindi na pinapapasok si Dean sa office ng R&R.  Pinagfocus na lang siya sa R&R Motors kaya doon na ito nagoopisina. Kaya hindi na sila nakikita ni Leslie.

Tumawag naman si Leslie kay Rose at sinabi ang nangyari... nagulat si Leslie sa sagot sa kanya ni Rose.  "That is sad, you've been together for so long but if you are really not happy anymore that's ok best."  Ineexpect ni Leslie na kukulitin siya nito para alamin ang dahilan niya katulad ng dati pero hindi.  Nagulat din siya na hindi siya kinulit ni Tisoy para sa bestfriend niya.

Simula noon ganon nga ang nangyayari, maagang umaalis si Dean para magjogging at maglaro ng basketball kasama si Ace tapos dumederecho na sa opisina ng R&R Motors at doon na ito maghapon, hindi katulad noon na nasa R&R office ito namamalagi.   Sa hapon naman pagkagaling ni Raine at Rose sa kanikanilang eskwela at trabaho pinupuntahan si Dean para yayaing magswimming sa Ultra.  O kaya niyaya ni Ryzza na samahan siyang maggrocery.

Naging close si Ace kay Dean.  Tinuturuan ni Dean na magbasketball si Ace. Kapag sabado ng hapon, naglalaro ng basketball sila Ace at Dean, kasama si Denver, Damon, Jerome at Tisoy.  Nanonood naman ang buong pamilya. Okay naman si Dean kapag ganong kasama ang pamilya.

Kahit minsan hindi nagpakita ng lungkot o kahinaan si Dean sa pamilya pero hindi naging lingid kay Ace ang nararamdaman nito.  Dahil madalas na inaabutan ni Ace si Dean na tulala at nagiisip minsan umiiyak habang hinihintay siyang dumating sa court sa umaga.  Pero kapag nakita na siya, ngingiti ito at yayayain na siyang maglaro.  Para bang inilalabas nito ang sakit na nararamdaman sa bawat paghagis niya ng bola.

Dalawang buwan ang mabilis na lumipas, sa loob ng dalawang buwan.  Maayos ang naging relasyon ni Ace at Raine.  Lalo pa at naging malapit si Ace kay Dean. Dalawang beses na nagkita sa isang meeting sa opisina si Dean at Leslie.  Bumabati si Dean kay Leslie na parang walang nangyari. Kinakamusta niya ito at pagkatapos mauupo na at makikinig sa meeting. Pero pagkatapos na pagkatapos nagpapaalam na ito.  Hindi niya binigyan si Leslie ng pagkakataong 
kausapin siya ng matagal dahil hindi niya kaya. 

Minsan naikwento niya iyon kay Ace.

Ace:  Nagkita kayo Kuya?

Dean:  Oo eh, meeting kasi hindi pwedeng hindi kami magkita.  Binati ko naman siya, nagbeso pa nga ako eh. Pero ang hirap Ace, nanlalamig ang kamay ko tapos may nakabikig sa lalamunan ko na anytime kapag lumunok ako kasabay na papatak ang luha ko eh.

Ace:  Kinausap ka niya?

Dean:  Oo, she was civil. Naghi, nangumusta sabi ko ok lang busy pa rin sa work. Tapos nagpaalam na akong uupo na sa pwesto ko.  Pero ang totoo hindi ko na kayang kausapin pa siya eh.

Ace:  Mahirap makipagkaibigan lang sa taong minahal mo ng matagal na panahon, o mahal mo pa hanggang ngayon?

Dean:  Sobrang hirap, gusto kong matutunan yon kasi wala naman kaming hindi magandang pinagsamahan ni Leslie pero hindi ko alam kung papano ko gagawin yon eh. 

A Lost Faith  (Leap of Faith Book 3)Where stories live. Discover now