Naging busy si Ace ng mga sumunod na araw dahil final exam week nila. Tatlong araw ng hindi nakikita ni Raine pero nagtetext naman ito at sumasagot naman kapag tinatawagan niya. Pero namimiss na niya ito. Kaya imbes na magstay sa pad niya, umuwi siya sa bahay nila sa San Lorenzo. Dinatnan niya doon ang buong pamilya. Nagulat siya pagpasok niya sa pinto.
Raine: Anong milagro at 9 am na ay kumpleto pa ang pamilyang ito sa bahay?
Lumapit at nagmano ito sa mga magulang at nagbeso kay Dean at Richie.
Richie: Ang kukulit nga nila Ate eh, sabi ko pumasok na eh.
Ryzza: Richie is sick, hipuin mo mainit tapos ayan paos at inuubo.
Hinipo nga ni Raine, inaapoy nga ito ng lagnat.
Dean: Teka ikaw, anong milagro at nandito ka, lalong milagro hindi mo kasama si Mokong.
Raine: Hell week Kuya, finals na nila. Ayoko namang istorbohin although tatlong araw ko ng hindi nakikita. Nakakausap ko naman tsaka nagte-text so ok lang yon, understanding naman akong girlfriend eh.
Richie: Understanding, sabihin mo namimiss mo na at nababato ka sa pad mo kaya nandito ka.
Raine; Hindi ko din alam kung bakit nagpunta ako dito pero tama ka little bro nababato na ako so umayos ka diyan kung gusto mong alagaan kita. Mommy, Daddy, Kuya, sige na go to work, I will stay with Richie. Wala naman akong pasok ngayon puro take home drawings lang so, Kami na ni Kuya Larry ang magdadala sa kanya kay Doctor Flores, alam ko naman ang clinic niya eh.
Ryzza: Sure ka nak, ok lang? Baka may meeting ka or anything?
Raine: Hindi My, wala talaga. I'm free today.
Dean: Baka mamaya ikaw din magkasakit eh.
Raine: Kuya naman... sige na.
Wala ng nagawa ang mga ito kung hindi pumasok na sa trabaho.
Raine: Ikaw naman, finish your food magquick cold shower ka. Pupunta tayo sa Doctor.
Richie: Ate, iinom na lang ako ng paracetamol tsaka cough syrup.
Raine: Huwag kang makulit at makinig ka sa akin, kung hindi sasabihin ko kay Ace, huwag ka ng turuan diyan sa mga drawings mo!
Richie: Ate naman eh.
Raine: RICHIE! Isa, kung si Mommy hindi namamalo, ako hahambalusin kita. Ang tanda mo na dapat alam mong alagaan ang sarili mo. Papano ka papayagan ni Daddy na manligaw eh sarili mo hindi mo maalagaan. Bilis na!
Richie: Eto na nga am done eating na.
Raine: Halika na let's go upstairs. Magbilis ka lang na tumapat sa shower, clean your privates tapos, tapos na ha. Baka mapulmonya ka naman. Five minutes lang.
Sumunod naman ang kapatid, ikinuha ito ni Raine ng underwear at maayos na sports shirt at maong pants. Mayamaya lumabas ito ng banyo, nakatapis at nagtotoothbrush.
Raine: Ang gross mo, don ka sa loob ng banyo magtoothbrush!
Nang matapos ito, nagbihis habang ihinahanap ni Raine ng sweat shirt at panyo.
Raine: Bitbitin mo yan pagbaba mo. Titignan ko lang kung may mask pa sa kwarto ko.
Nang makakita ng mask sabay na silang bumaba, isinara ang Main door ng bahay.
Raine: Kuya Larry, dalhin ho natin si Richie sa Doctor ipapacheck-up ko lang. Nasa tabi ho ng munisipyo ang clinic niya. Richie dyan ka na sa likod. Yung panyo mo at sweatshirt dala mo?
YOU ARE READING
A Lost Faith (Leap of Faith Book 3)
RomanceRaine is not a typical girl, she was born with a golden spoon. She gets everything she wants. Yet, her life feels incomplete and something is not right. Maybe because unlike woman her age, she's aloof, quiet and an introvert. This story shows h...