Kinabukasan ng umaga, nagising si Ace ng maaga pero hindi bumangon. Inalala ang nangyari ng nagdaaang gabi. Inalala kung papanong nakilala niya ang mabait na pamilya ni Raine; kung papanong ipinagtanggol siya ni Raine sa Kuya nito at kung papanong nagalala ang mga ito, lalo na si Raine sa kanya na kulang na lang sugurin at awayin yung kapatid niya.
Kinausap niya ang sarili sa isip... "She's really sweet and caring siguro ganon din siya sa magiging boyfriend niya o baka mas grabe pa doon. Kung ako nga lang kinaya niyang ipagtanggol sa kapatid niya yung totoong boyfriend pa kaya."
Kinuha niya ang sketch pad sa ilalim ng unan niya... "Hindi man niya napirmahan ito, ok na lang din because I gained a whole family of friends sa pagpapanggap ko. Sana maging okay na sila ng Kuya niya, sana magenjoy siya sa bonding nila. Nakakamiss din kasi yung kasama mo ang buong pamilya mo. Weird thou, masaya ako para sa kanya."
Bumangon siya, lumabas ng kwarto, nagtimpla ng kape at naupo sa harap ng drawing table niya. Itinayo niya sa may bintana sa harap niya ang portrait ni Raine. Kumuha ng panibagong sketch pad sa drawer niya at inilabas ang mga lapis niya at nagsimulang gumuhit. Habang gumuguhit, maya't maya tinitingnan niya ang portrait ni Raine at napapangiti kinakausap pa. "Oo Babe, yakang yaka ko ito, kabisado ko naman ang mukha ni Kuya eh. Sa susunod na iguguhit kita gusto ko nasa harap kita at nakangiti ka sa akin." Natatawa na lang siya sa pinaggagawa niya. Kapag may nakarinig sa kanya iisipin nababaliw na siya at kinakausap niya ang portrait.
Makalipas ang isa't kalahating oras naiguhit niya ang Kuya Uno niya and this time, maayos ang pagkakaguhit niya. Napangiti siya ng pagmasdan ang gawa niya. "Maybe, just maybe, tama si Kuya, you are the inspiration I needed."
Masaya siyang pumasok sa eskwela, pagdating ng break nagkitakita sila nila Bernie, Jake at Justin sa cafeteria.
Bernie: Oy bro! Salamat don sa raket ha. Tatlong beses kaming binigyan ng tip eh.
Justin: Oo nga tapos imbes na 350, 500 ang binigay sa amin kasi daw extended hours naman.
Ace: Wala yon, basta merong raket babalitaan ko kayo.
Jake: Salamat tol, pero Ikaw, kunyari ka pang hindi mo na makikita si Ms. Portrait eh girlfriend mo naman pala.
Ace: Ano? Teka nga muna, ano bang sinabi ni Ate RR sa inyo.
Justin: Sabi niya, secret daw kasi ang tungkol sa inyo ni Raine at kahapon lang nagkaron ng pagkakataon na ipakilala ka sa pamilya nila kaya hindi mo talaga ikinikwento sa amin ang tungkol sa kanya.
Bernie: Malihim ka masyado. Tapos biniro ni Banjo... sabi niya, "Raine, hindi ko alam na nililigawan ka pala ni Ace at sinagot mo na siya"
Ace: Anong sabi ni Raine?
Bernie: Sorry daw kasi siya and nakiusap sayo na isekreto na lang muna dahil hindi pa nga alam sa kanila. Pero ngayon na alam na daw ni Banjo bantayan ka daw kasi baka mamaya may iba kang nililigawan.
Natawa na lang si Ace ang nasa isip, "Aba, may pagkaselosa pala ang girlfriend ko."
Samantala si Raine, nasa kwarto at nagmumukmok, nagising siya bandang alas nuebe nagulat pa siya na hindi siya ginising ng Mommy niya ng maaga. Nang lumabas ng kwarto niya at dumerecho sa kusina... inabutan niya doon ang kanyang mga magulang.
Raine: Mommy, akala ko ba gigisingin mo kami ng maaga para makaalis kami ng maaga ni Kuya?
Ryzza: Napakaaga ngang gumising ng Kuya mo, siya pa nga sana an gigising sa yo eh. Ayan nga ang knapsack niya na dadalhin sana, tapos eto nagpagawa pa ng sandwiches para daw may kakainin kayo sa biyahe.
YOU ARE READING
A Lost Faith (Leap of Faith Book 3)
RomanceRaine is not a typical girl, she was born with a golden spoon. She gets everything she wants. Yet, her life feels incomplete and something is not right. Maybe because unlike woman her age, she's aloof, quiet and an introvert. This story shows h...