Dumating si Mayor sa bahay nila Ace, kasama si Lala. May meeting daw kasi itong pupuntahan sa Maynila. Doon sila dumerecho sa Condominium nila sa Maynila pero wala doon si Robert kaya tinawagan ni Mayor sa John at naimbitahan naman ito ni John na pumunta ng Tagaytay para doon magpalipas ng weekend.
Dumating ito kasama si Lala bandang tanghali. Si Robert ang nagbukas ng gate para sa kanila. Nagulat ng makita si Lala.
Robert: Why are you here?
Lala: Isinama ako ni Papa eh, bakit Kuya hindi mo ba ako namimiss?
Robert: Hindi!
Lala: Papa oh si Kuya.
Mayor: Roberto!
Robert: Para namang hindi ninyo kilala yang dalaga ninyo. Gagawa lang ng gulo yan dito.
Alam ni Mayor ang tinutukoy ni Roberto dahil pareho nilang alam na may lihim na pagtingin si Lala kay Ace. Mahal ni Robert ang kapatid kahit pa hindi sila magkapareho ng Ina at hindi sila magkasundo sa maraming bagay. Materyosa at spoiled brat si Lala kaya mas ginusto ni Robert na humiwalay ng tirahan dahil walang araw na hindi sila nagtatalo ng kapatid kapag dinidisiplina niya ito.
Mayor: May meeting sa Red Cross at si Lala ang kailangang umattend doon ako naman may mga kausap akong kasamahan sa politika.
Robert: Papa, don't take her out of your sight, believe me, gagawa ng kalokohan yang dalaga mo. Nakakahiya kila Tita.
Mayor: Hindi naman siguro, medyo nagmature na ang kapatid mo naasahan ko na nga siya sa Munisipyo eh.
Robert: I really hope you're right.
Biglang lumabas ng pinto si John.
John: Panyero, kamusta? Mabuti nakarating kayo.
Mayor: Panyero, talagang umasenso ka na, ang ganda ng bahay ninyo.
Robert: Lala, magbigay galang ka naman.
Lala: Ay, hello po Tito, Tita.
Nagbeso ito kay John at Amie.
Amie: Tuloy kayo. Naku, tulog pa silang lahat. Gabi ng nakarating dito yang mga yan. Birthday kasi ng kapatid ni Raine.
Lala: Tita, si Iza po?
Amie: Nasa kwarto pa, gusto mo akyatin mo. Yung nasa kanan pangalawang pinto ang kwarto niya. Robert, isunod mo na sa kwarto ni Iza ang gamit ni Lala doon naman siya matutulog eh. Tapos yung sa Papa mo, doon mo na ilagay sa guest room at doon ka matulog sa kwarto ni Ace, mamayang gabi. Luluwas na yon ng Manila mamaya, may pupuntahan silang kasal ni Raine bukas ng umaga eh.
Robert: Okay po Tita.
Nagulat si Robert ng makitang sinisilip ni Lala ang ibang kwarto.
Robert: Huy! Ano ka ba! Sabi ni Tita si Iza ang puntahan mo. Sabi ko na nga ba gagawa ka na naman ng kung ano-ano eh.
Lala: Para tinitignan ko lang kung alin ang kwarto ni Ace eh.
Robert: Lala, I'm warning you, tigilan mo na si Alas.
Lala: Wala naman akong ginagawa ah.
Robert: Wala pa! Bumaba ka na nga doon. Ako na ang gigising kay Iza.
Kinatok ni Robert ang pinto ng kwarto ni Iza.
Robert: Iza, nandito si Lala hinahanap ka.
Nagbukas ng pinto si Iza. Nagbeso ang dalawa at sabay ng bumaba. Makalipas ang isang oras, nagising si Ace. Lumabas ng pinto ng kwarto at hinanap ang Mama niya. Nakarinig siya ng mga naguusap sa garden kaya lumabas siya doon.
YOU ARE READING
A Lost Faith (Leap of Faith Book 3)
RomanceRaine is not a typical girl, she was born with a golden spoon. She gets everything she wants. Yet, her life feels incomplete and something is not right. Maybe because unlike woman her age, she's aloof, quiet and an introvert. This story shows h...