Chapter 38 - Busy body

2K 103 3
                                    

Dumaan ang isang buwan,  tahimik naman at hindi sila ginugulo ni Erol.  Naging busy si Ace at Raine sa pagbuo ng scale model ng  Tagaytay Forbes Subdivision tinatapos nila ito para sa initial  meeting nila kasama ang  owner at ng R&R Realty Corp.

Araw-araw pagkagaling sa gym, dumarating si Ace sa  pad ni Raine bandang alas diyes. May ilang kliyente na din ang nagpunta doon para tumingin sa mga designs nila.  Nakakuha sila ng isang project.  Two storey house ng isang bagong kasal na magasawa,  kaya kapag nandon puro trabaho lang sila ni Raine.  Focus kasi sa trabaho si Raine, ayaw ng kinukulit at hinaharot habang nasa kalagitnaan ng trabaho kaya si Ace nakakahirit lang ng "Us time" kapag alas kwatro na dahil nakikita na niyang titigil sa pagtatrabaho si Raine at pupunta sa kusina para magluto ng early dinner nila.

Nagback at nagneck stretching si Raine.  Tumayo si Ace, minasahe ang balikat nito at likod.  Hinalikan si Raine sa leeg at sa balikat.

Raine:  Ang bilis ah, parang automatic lang.

Ace:  Papano naman po, ang sungit mo kapag  humihirit ako during work kaya hinihintay ko talaga ang oras na to.

Raine:  Kawawa naman ang bebeh ko.

Ace:  Tapos ayan nangangantyaw ka pa, hindi bale na nga. 

Padabog na pumasok ito ng banyo. Kinuha ni Raine ang cellphone niya, may kung sinong tinawagan habang nakahiga sa kama.  Paglabas ni Ace ng banyo makalipas ang kalahating oras nakaligo na ito at nakatapis lang ng tuwalya sa bewang.  Dumerecho ito ng kwarto, inilabas ang uniform niya sa coffee shop.

Raine:  anong oras ang pasok mo?

Ace:  You know my schedule, it's the same everyday.  Wala naman na akong gagawin dito might as well go to the shop.

Raine: Magluluto pa ako tapos mage-early dinner pa tayo.

Ace:  Huwag ka ng magluto, wala akong ganang kumain.

Lumabas si Raine ng kwarto inilock yon mula sa labas.

Raine:  I just locked you in... hindi ka makakalabas dyan.

Lumapit si Ace sa pinto, pinihit pero nakalock nga. 

Ace:  Raine, open the door, hindi ako nagbibiro sisirain ko ito.  Ano na naman bang kalokohan ito?

Pero hindi sumagot si Raine.  Walang nagawa si Ace, kung hindi magsuot ng boxers, ibinalik sa kabinet ang uniform niya at humiga sa kama.  Makalipas ang kalahating oras bumukas ang pinto, pumasok si Raine ng nakatapis ng tuwalya pero nakasuot ng black bra at bikini. Inilock niya ang pinto at naupo sa sofa bed na kinahihigaan ni Ace.

Raine:  Bakit ba ang sungit mo?  Is it time of the month?

Ace:  Anong time of the month hindi naman ako babae.

Raine:  Ay meron din kaya kayo non, tawag namin nila Kiara don "the urge period"

Ace:  Ano?  anong urge period?

Raine:  Yung urge - meaning to demand earnestly or pressingly.  You demand it because you need to take it out of your system now na!  Ganon!  Sabi niya Kiara, pag nasa ganong period daw ang guys, laging mainit ang ulo, mabilis mapikon.

Ace:  Si Kiara ang daming alam, may boyfriend na ba yon?

Raine:  Dati, pero nawawala eh hinahanap pa niya.

Ace:  Ano yan parang si Kuya? Naghahanap ng ex... hindi na lang kaya natin silang dalawa ang pagtagpuin malay mo hindi na nila kailangang hanapin mga ex nila.

Raine:  Nice idea!  Anyway, ano nga?  Urge period ba?

Ace:  Huwag mo ng alamin at wala ka namang magagawa.

A Lost Faith  (Leap of Faith Book 3)Where stories live. Discover now