Naidlip si Ace sa Couch... bandang alas kwatro naalimpungatan siya. Biglang napaupo at sinilip ang bukas na pinto ng kwarto. Nakita niyang nakabihis na si Raine ng isang white spaghetti strap balloon flared na cocktail dress na my design na light blue orchids. Yun ang damit na kasama ng damit niya na iniuwi nila mula sa hotel.
Ace: Sorry, napahaba ata ang nap ko.
Raine: Ok lang, katatapos ko lang naman and I still need to fix my hair. Here's your towel and your clothes are inside the bathroom.
Ace: Masarap pala ng feeling na may girlfriend may taga-asikaso pa ng damit eh.
Raine: Asa ka pa! I just owe you kaya am being nice.
Ace: Sabi mo eh! Kung ganon mabuti pa ang buhok inaasikaso samantalang ako napilitan lang pala.
Raine: Tse! Pumasok ka na nga ng banyo... humuhugot pa eh.
Ace: Teka, akala ko ba inaayos mo ang buhok mo eh bakit ganyan ang daming hair pin.
Raine: Pwede ba, huwag ka ng makialam. You don't know anything. Go take a shower!
Tatawatawang pumasok si Ace ng banyo. Hinubad ang damit, pati ang underwear at may naalala. Nagtapis ng tuwalya at binuksan ang pinto.
Ace: Babe...
Napalingon si Raine mula sa pagkakaupo sa harap ng dresser niya... nagulat ng makitang nakatapis lang si Ace.
Raine: Ayyyy! Ano ba!
Namula ang mukha ni Raine, umayos sa pagkakaupo at humarap sa salamin ng dresser kita pa rin niya si Ace. Tumayo at inalis ang tingin sa salamin.
Raine: Ano ba! Pumasok ka na nga ng banyo!
Ace: Itatanong ko lang... Babe, bakit walang underwear?
Dinampot ni Raine ang roller brush niya at ibinato kay Ace, sapol ito sa tyan.
Raine: Bwiset!
Tawa ng tawa si Ace. Natutuwa siya sa itsura ni Raine kapag nahihiya, pulang pula ang mukha nito. Inis na inis naman si Raine, halata niyang nananadya si Ace. "G R R R talaga! Ang yabang porke alam niyang maganda ang katawan ang lakas ng loob lumabas ng nakatapis lang. Kainis! Over confident masyado! Akala mo papasa yang pagpapacute mo ha, tignan lang natin"
Makalipas ang kalahating oras, lumabas si Ace ng banyo na nakabihis na. Natulala ng makita si Raine. Tapos na itong magayos. itinaas ng flowered na ipit ang magkabilang gilid ng buhok na kinulot at ang ganda ng pagkakamake-up parang inayusan ng isang make-up artist, naglagay ng fake eyelashes na lalo pang nagpaganda sa mata nito at nakabrown na contact lense.
Raine: Are you done? We need to pass by the house, nandon yung shoes ko eh.
Sinundan lang ito ng tingin ni Ace ng maglakad papunta sa kabinet para kuhanin ang black na purse niya.
Raine: Hey! Tinatanong ko kung tapos ka na? Napapano ka ba? Hindi ka na sumagot.
Ace: Ah, yah tapos na magsasapatos na lang ako.
Kumuha ng paper bag si Raine sa isa pang kabinet at inabot kay Ace.
Raine: Here you can put your clothes here.
Kinuha ni Ace ang paper bag. Inilagay ang mga hinubad na damit doon at binitbit palabas ng kwarto. Pagupo niya sa couch, habang nagsusuot siya ng medyas at sapatos kinakausap ang sarili sa isip... "Akala ko sobrang ganda na niya kanina sa wedding, may mas igaganda pa pala siya. Joshua Ace, napakaswerte mo dahil kung nililigawan mo talaga siya, malamang basted ka. Bagay lang siya sa artistahin ang itsura hindi sa tulad mong Barista!"
YOU ARE READING
A Lost Faith (Leap of Faith Book 3)
RomansaRaine is not a typical girl, she was born with a golden spoon. She gets everything she wants. Yet, her life feels incomplete and something is not right. Maybe because unlike woman her age, she's aloof, quiet and an introvert. This story shows h...