Kinabukasan nagising si Ace sa amoy ng bacon, bumangon, naghilamos, nagmumog at tsaka pumunta sa kusina.
Ace: Good morning! You're up eh katutulog mo lang ng 4 am.
Raine: Good morning, ikaw din eh. Here may brewed coffee, go make yourself some coffee tapos magshower ka na. Darating si Kuya Larry ng 8am, we can drop you off sa train station bago niya ako ihatid sa school.
Ace: Huwag na abuso na yon. Isang sakay lang naman hanggang estasyon eh.
Raine: Pero mas mapapabilis ka kung idadaan ka na namin doon.
Ace: Baka ma-out of the way ka pa eh.
Raine: Hindi nagsa-south super tapos C5 naman kami talaga, 15 to 20 minutes lang nandon na kami. Huwag ng umarte.
Natawa si Ace...
Ace: Hindi naman po ako umaarte... ang sinasabi ko lang makakaabala pa ako.
Raine: Hindi ka nga nakakaabala. Bilis na kasi, hindi na lang sumunod, nakikipag-argue pa ang aga-aga eh.
Sabi nito na medyo naiinis na.
Lumapit si Ace at niyakap si Raine mula sa likod.
Ace: Bakit ang sungit mo? Ganyan ka ba kapag bagong gising.
Raine: I am like this when people seems not to believe in what I am saying. Ikaw pa lang ang nakipag-argue sa akin, people normally just listen to me because they know that what I am saying is normally always right.
Ace: May pagkabossy ka pala.
Natahimik si Raine.
Raine: Kung ayaw mong sumabay eh di bahala ka. I made breakfast, kain na tayo.
Naglagay ng dalawang plato, tinidor at knife si Raine sa lamesa, at tsaka naupo para kumain. Hindi na nakaimik si Ace, hindi na niya alam kung anong sasabihin kaya naupo na lang siya at sinabayan si Raine sa pagkain. Nang matapos ito tumayo na.
Raine: Just leave the plate sa sink, may dumarating na househelp dito to clean. I'll just go change.
Pagkasara ng pinto ng kwarto, nagmamadali na si Ace, na iniligpit ang pinagkainan nila at inilagay sa isang planggana at binabaran ng tubig. Pumasok sa kwarto, nakita niyang nakaupo si Raine sa harap ng dresser nito at nagboblower ng buhok. Kukunin niya sana ang knapsack para kunin ang uniform niya pero nakita niya ang uniform niya, plantsado na at nakahanger sa kabinet.
Magpapasalamat sana siya kay Raine pero biglang tumunog ang blower nito. Kumuha siya ng underwear at binitbit ang uniform at tsaka pumasok sa banyo. Mabilis na naligo at nagbihis. Paglabas niya nagmemake-up na si Raine. Naupo siya sa sofa bed na tinulugan niya at nagsuot ng medyas at sapatos at tsaka tumayo sa likod ni Raine para tignan ang sarili sa salamin.
Ace: Bie, thanks sa pagplantsa ng uniform ko ha, parang mas gumwapo ako eh.
Sinubukan niyang magpatawa pero ang sagot lang sa kanya ni Raine...
Raine: No problem.
Ace: Anong oras ang uwi mo later?
Raine: 4pm
Ace: May mga meeting ka pa after?
Raine: Wala.
Nakahalata na siya, puro one liner ang sagot sa kanya nito. Naiinis na siya pero kinalma ang sarili. Inayos na lang ang mga gamit niya sa eskwela. Isinukbit ang knapsack sa likod. At tsaka humarap kay Raine na nagaayos na din ng bag niya. Isa sa mga natutunan niya yung kung may pagtatalo hindi dapat pinatatagal kaya tinanong niya si Raine.
YOU ARE READING
A Lost Faith (Leap of Faith Book 3)
RomanceRaine is not a typical girl, she was born with a golden spoon. She gets everything she wants. Yet, her life feels incomplete and something is not right. Maybe because unlike woman her age, she's aloof, quiet and an introvert. This story shows h...