Chapter 63 - Serious Business

2.3K 96 35
                                    

Naglipat taon na at masaya ang naging Pasko at Bagong Taon ng pamilya ni Ace at Raine.  Sa mansyon silang lahat nagpasko at sa bahay nila Ace sila nagbagong taon. 

Unang buwan ng taon.. abalang-abala si Ace at Raine dahil lumipat na ng opisina ang Benbry.  Nasa ground floor na sila ng R&R Building katabi ng showroom ng  Tagaytay Forbes Executive Village.  Pagpasok mo pa lang ang showroom na ng Benbry ang makikita mo. Sakop nila ang kalahati ng first floor ng R&R building.  Ang kanilang showroom ang pinaka receiving area ay isang living room na sample ng design ni Raine na nasa kanang bahagi.  Ang kaliwa naman puro blow up pictures ng mga nadesign na nilang property kasama ang malaking frame na ginawa ni Ace noon. Bago na nga lang ang mga pictures na nakalagay. May  tatlong pinto ito. Ang nasa kanan ang opisina nila. May Secretary  na sila si Sally at Accountant na si Regina.  Nasa bandang kaliwa ng pinto ang mga lamesa nila.  Bandang kanan naman ang isang maliit na pang waluhan na conference table and chairs.  Nakacubicle ang lamesa ni  Uno bilang Auditor, ang lamesa ni Kiara bilang Admin Manager, lamesa ni Raine bilang Finance Manager at ni Ace  bilang Presidente ng Kumpanya.  Ang pangalang pinto naman ang drawing room. May kanya-kanyang lamesa doon sila Kiara, Kenneth, Jake, Justin at Banjo at nandon din ang drawing table ni Ace at Raine sa isang mirrored wall room sa dulo. Ang ikatlong pinto ang kanilang pantry area at nasa dulo nito ang comfort room.

Kasalukuyang nasa drawing room silang lahat ng dumating sila Robert at Iza bandang ika-lima at kalahati ng hapon.  Biyernes yon at kakasundo lang ni Robert kay Iza sa eskwela.

Iza:  Hello everybody!

Ken:  Oy, hello!

Robert:  Ano na?  After office hours na mga nakasubsob pa kayong lahat diyan.

Napatingin si Kiara sa relo niya.

Kiara:  Ay oo nga! Naku hindi na namin namalayan ang oras eh.  Sige katukit mo na ang Kuya mo, ayun oh tignan ninyo yung dalawa seryoso.   Kaya ganyang ang ipinagawa nila papano hindi makaconcentrate kapag maingay.

Iza:  Para silang nasa aquarium.

Nagtawanan sila.  Lumapit si Iza sa sliding mirror door at kinatok ito, napatingin naman si Raine at Ace.  Binuksan ni Ace ang pinto.

Raine:   Hi Sis!  Ang aga niyo ata...

Iza:  Maaga?  Ate, 5:30 na!

Raine:  Ha? 

Tinignan niya ang oras sa cellphone niya.

Raine:  Oo nga.   

Ace:  Pasensya na sis, may bagong project kasi hindi na tuloy namin namalayan ang oras. Wait lang, liligpitin ko lang gamit ko tapos alis na tayo.

Iza:  Okay lang Kuya, tumawag si Kuya Dean, dumaan daw tayo sa kanila kasi birthday ni Richie.  Doon daw tayo magdinner bago tayo umuwi.

Raine:  Naku, oo nga pala!  Hala pati birthday ni Richie nakalimutan ko.  Wala pa akong regalo.

Ace:  Don't worry Bhie, dumaan na lang tayo ng mall para bumili.

Iza:  Oo nga kami din ni Rob wala pang gift.

Ace:  Rob na talaga?! 

Iza:  Eh hindi naman kasi bagay yung Buboy dito sa Manila Kuya, Rob na lang para sosyal.

Ace:  Manang-mana ka dito sa Ate mo eh, puro pang-sosyal ang alam.  Oh sige na, tulungan mo na lang akong ayusin yung lamesa ko sa kabila bilis!

Iza:  Yes Sir!

Ace:  Guys, let's call it a day.  May dinner nga pala kami kila Raine eh.

Banjo:  Okay lang, sa totoo lang kanina pa ako napapagod eh ayaw ninyong tumigil kaya hindi din ako tumitigil.

A Lost Faith  (Leap of Faith Book 3)Where stories live. Discover now