Chapter 31 - #kulitlang

1.6K 101 10
                                    

Bandang alas kwatro ng hapon natapos ang activity at free time nila hanggang alas syete ng gabi. Si Ace at Raine nasa kusina tinutulungan sila Mang Leo, Aling Rio, Ken at Banjo na maghiwa ng mga rekado  at magmarenate ng mga karne para sa lulutuing hapunan.

Aling Rio:  Kapag natapos na ninyo yang mga gulay, Ken at Banjo, iready lang ninyo yung buffet table tapos pwede na din kayong maki-swimming.  Tutal puro ihaw naman at malaki naman ang ihawan. Mamayang mga alas sais na iihawin yan para eksakto lang sa hapunan.

Mang Rio:  Oo nga, Ace, Raine.  Isama na ninyo ang dalawang ito ng makapagswimming kahit papano.  Ako ng bahalang magset-up ng ihawan, babantayan lang ninyo mamaya.  Para matulungan kong magluto ng gulay at nilaga ang Nay Rio ninyo.

Raine:  Sige po Tay.

Banjo:  Ayos! Swimming time na!

Mayamaya, magkakasama na sila Ace, Raine, Ken at Banjo na umakyat ng kwarto para magsipagbihis.  Paglabas nila ng kwarto nakita nila si Dean sa veranda nakatanaw sa dagat. Bumaba na at dumerecho sa dagat si Banjo at Ken. Tinignan ni Raine ang tinatanaw ni Dean nakita niya na nasa dagat na sila Rose, RR at Leslie. 

Niyakap ni Raine ang kapatid mula sa likod.

Raine: Kuya, tama na ang emote.  Ano yan so near yet so far ang drama?! Halika na  langoy na tayo.  

Dean: Kayo na lang, susunod ako mamaya.

Raine:  Hindi kita pakakawalan hanggang hindi ka sumasama.

Nakangiting pinanonood lang ni Ace ang kasintahan habang nilalambing nito ang kapatid.

Dean:  Ikaw, nahawa ka na kay mokong, makulit ka na rin eh.

Raine:  Di ba sabi mo ganon naman yon kapag lagi mong kasama parang pareho na kayo. Ikaw nga dati ayaw mo ng chick flix ngayon kapag may bagong palabas trailer pa lang naikukwento mo na agad sa amin nahawa ka na kay Ate Les.

Niyakap ni Dean si Raine na parang nagsusumbong.

Dean:  Sis, ayaw na sa akin ni Ate Les mo. 

Raine: Sabi lang niya yon, akala lang niya yon kasi at some point she got tired and that happens to the best of us pero ngayon am sure sobrang miss ka na non.

Dean: Bakit ba lagi kang may sagot sa sinasabi ko are you trying to out smart me?

Raine: Di ba nga magaling ka sa lahat ng bagay pero pagdating sa usaping puso talo kita. I should know babae din ako. Ganyan kami pag umaabot sa sukdulan... magagalit, mapapagod pero it doesn't mean we love you less. We just want to isolate ourselves from you to think things over.  Besides Mr.  Richard Dean Bryant kailan ka pa sumuko? I have known you all my life, you never give up on anything, so why give up on her now?

Dean:  Hindi ko na siya napapasaya Raine, I am keeping her in a relationship na ako na lang ang masaya.

Raine:  Bakit ako ba araw-araw napapasaya mo? Eh mas madalas pa tayong nagtatalo?  Si Mommy sure ka ba na araw-araw napapasaya mo siya syempre hindi kasi may mga iniintindi kang maraming bagay pero kapag nagagalit kami sa yo hindi mo kami tinatantanan. So what's the difference?

Dean:  Pamilya ko kayo, kahit kailan hindi ko kayo pwedeng sukuan.

Raine:  You said so yourself this morning, "Ate Leslie is family to you."

Natahimik si Dean.

Ace:  Kuya, huwag ka ng makipagtalo at nacorner ka na Kuya. Throw in the towel at sumama ka na sa amin.

Raine:  Ayaw mo ha teka nga.

Tumalon si Raine at sumakay sa likod ni Dean.  Walang nagawa si Dean kung hindi alalayan ang mga hita nito.

A Lost Faith  (Leap of Faith Book 3)Where stories live. Discover now