Chapter 34 - Achieved!

1.9K 101 16
                                    


Isang linggo na lang graduation na ni Ace at kapansin-pansin ang pagiging tahimik nito. Sabado yon ng hapon at nakatambay sila ni Raine at ang buong pamilya ni Raine sa garden ng mansyon.  Katatapos lang nilang maglaro ng basketball.

Dean:  You are not on your A-game today Ace, walang 3 points shot eh.

Ace:  Napagod lang sa exams Kuya. Physically and mentally drained ata ako eh.  But at least its over.

Damon:  Kailan ang graduation mo Hijo?

Ace:  Sa, Saturday po sa PICC, speaking off, Kuya Uno paabot ng bag ko.

Inabot naman ni Uno ang knapsack nito na nakalagay sa silyang inuupuan niya.  Kinuha ni Ace ang mga tickets sa bag niya. Iniabot kay Damon, Ryzza, Dean at Raine ang VIP Tickets at inabot kay Dei ang apat na regular guest tickets.

Ace:  If you're not busy, punta po kayo Saturday at 3pm sa PICC po.

Ryzza:  Of course, we're not busy, we will all be there hindi ba Babe?

Damon:  Oo naman darating kami Hijo.

Richie:  Ayos, gagraduate na si Idol!

Ace:  Salamat po. Oh, Richie patingin na ng drawings mong bago. 

Pumasok ang dalawa sa salas ng mansyon at binuksan ni Richie ang laptop niya.

Damon:  Uno, hindi ba limited ang number of tickets for students?  Bakit ang dami nito tapos VIP tickets pa itong sa amin?

Uno: The VIP tickets po are supposed to be for the family because he is graduating with honors which is supposed to be a surprise pero tumawag po yung kapatid namin kahapon.  Hindi daw po sila makakapunta. Hirap na po kasing magbyahe ng malayo si Papa dahil nga po nastroke na siya, hindi na po niya kakayanin magbarko tapos mahal naman po ang pamasahe sa eroplano. Yun pong mga regular tickets, pinagipunan niya binili niya talaga para sana sa family mo Raine.  Mga extra tickets po yan ng mga kaklase niya.

Raine:  Pero kung airplane pwede si Papa mo di ba Kuya?

Uno: Pwede pero we can't afford it. Sabi ko nga kahit isa na lang mageroplano, ihahanap ko na lang ng promo tickets tapos susunduin na lang namin sa airport.  Ayaw naman ni Mama.

Dean:  That's why, tahimik siya at parang walang gana, nalulungkot siya na hindi makakarating ang parents ninyo sa graduation niya,

Uno:  Siguro, ganyan naman po talaga siya, when it comes to the family hindi siya magrereklamo pero kung may magagawa siyang paraan gagawin na lang niya pero kahit ilang raket pa hindi pa rin niya maafford na ibili sila ng tickets kaya tinanggap na lang niya na hindi talaga sila makakarating.

Napatingin si Raine sa mga magulang at kay Dean.

Raine: Kuya... you think...

Dean:  Don't worry, I know what you're thinking, we will see what we can do.

Damon:  Oo nga Hija don't worry, we will find a way.

Ngumiti si Raine.

Raine:  Thanks po.

Pagdating ng Byernes ng hapon, nagpasama sa mall si  Raine para bumili ng damit na isusuot sa graduation.

Ace:  Bakit, bibili ka pa ng bago graduation  lang eh.

Raine:  Anong graduation lang, Joshua Ace, this is a big day.  All your hard work paid off.  Pwede ba feel excited dapat masaya ka.

Ace:  I'm more relieved na tapos na at makakapaghanap na ako ng trabaho para hindi naman kami naghihikahos na kahit  pamasahe pauwi ng Manila wala.

A Lost Faith  (Leap of Faith Book 3)Where stories live. Discover now